answersLogoWhite

0


Best Answer

Ikaw…..Lamok

Ni Nelly V. Magabulo

Isang malalim na gabi'y napagmasdan kita. Hindi ako makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng kapatid ko. Pinilit kitang huliin ngunit Hindi ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan kita. Nahiga uli ako at nag-isip nang malalim. Maya-Maya, heto ka na naman at sa akin umaaligid. Tinangka kitang huliin ngunit di ko muling nagawa. Muli akong nahiga at nag-isip nang nag-isip.

Maya-Maya uli, bumagon ako at pinatay ang ilaw, nahiga at nagsisimula na sana akong matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay kita. Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan akong Hindi nakatulog.

Sumaisip ko na naman ang suliraning bumabagabag sa akin at sa Hindi sinasadya'y naging bahagi ka rin ng isipang yaon.

Ikaw na isang lamok lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa kanilang katauhan. Katulad mo ring sumisipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa akin kapag kaharap ko.

Tulad mo rin na kunwa'y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo.

Ganon din sila, na kapag bumagsak ako sa aking kinalalagyan at hahanap-hanapin ko sila sa aking tabi, wala na. Kapag nakatalikod ako, kung anu-anong masamang bagay ang sinasabi nila tungkol sa akin na ikinasasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man lamang ni isa sa kanilang umaaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakikilala ang tunay nilang pagkatao at ang mga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan.

Ganoon din nga pala, nagising ako sa katotohanan na ang mga Tao palang iyon ay huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang iyon ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumili ng aking kakaibiganin.

Bakit ganyan ka, Munting Lamok? Kapag may ilaw ay aali-aligid lamang na parang nilalaro mo ako, ngunit kapag NASA kadiliman, nangangagat ka! Hindi ka marunong mamuhay nang Hindi aasa sa iba. Bakit nga ba?

A, Hindi bale na lamang. Kahit magkagayo'y nagpapasalamat pa rin ako. Itinuturing pa rin kitang kaibigang nagmulat sa akin sa katotohanan.

Maraming salamat, Kaibigang Lamok.

Ortodonzia clinica

Corsi clinici di ortodonzia Rassegna di casi clinici trattati

www.straightwire.it

Turismo dentale Ungheria

clinica di odontoiatria professionale a servizio completo

www.rosengarten.hu

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Haimbawa ng di pormal na sanaysay?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Anu ang dalawang uri ng sanaysay?

Ang dalawang uri ng sanaysay ay ang pormal at di-pormal. Ang pormal na sanaysay ay may disenteng pagsulat at estruktura, kadalasang sinusulat para sa akademikong layunin. Samantalang ang di-pormal na sanaysay ay karaniwang mas malaya sa pagsulat at may personal na paglalaman, kadalasang may kusang-loob na paksa ang may-akda.


Haimbawa ng pormal na sanaysay?

Ang pormal na sanaysay ay isang akademikong pagsulat na naglalaman ng malalim at masusing pagsusuri ukol sa isang paksa. Ito ay karaniwang sumusunod sa isang istrakturang pananaliksik at maingat na paglalahad ng mga impormasyon at argumento. Mahalaga ring gamitin ang wastong salita at pagbuo ng mga lohikal na kaisipan upang maging epektibo ang pormal na sanaysay.


Halimbawa ng sanaysay na di-pormal?

Ang sanaysay na di-pormal ay isang uri ng akda na karaniwang personal at hindi istriktong sumusunod sa mga pormal na patakaran ng pagsulat. Ito ay mas maluwag at malaya sa pagpapahayag ng saloobin at opinyon ng may-akda. Karaniwang ginagamit ito sa mga blog, opinion columns, at iba pang informal na platform sa pagsusulat.


Ano ang mga halimbawa ng pormal na sanaysay?

ano ang paraan ng sanaysay


Anu ang antas ng wika may pormal at di pormal?

antas na wika pormal at di pormal


Pormal at di pormal na salita?

halimbawa ng pambansa sa pormal?


Ano ang di pormal na wika?

ang pormal na wika ng salitang boss ay pinuno oh maestro ng isang intitusyon.


Mga anekdota na isinulat ng mga manunulat?

katangian ng di pormal na sanysay


Halimbawa ng pormal na sanaysay?

Ang pormal na sanaysay ay isang uri ng pagsulat na nagtataglay ng malalim na pagsusuri at argumentasyon hinggil sa isang tiyak na paksa. Karaniwang sumusunod ito sa wastong istraktura tulad ng introduksyon, katawan, at konklusyon. Ang wika ay malinaw at formal para maipakita ang kahalagahan ng paksa.


Meening of sanaysay?

ang sanaysay ay isang kwento na pinaikli o di kaya'y kinuha nya lng ang pinaka-importanteng ideya sa kwento...


Anu-ano ang iba't-ibang uri ng pagtatanong?

Iba't ibang uri ng pagtatanong * mga tanong na humihingi ng higit pa sa isang sagot sa tulong ng dalawang panghalip. *mga magagalang na tanong na nangangahulugan ng pakiusap. *mga tanong na panagot sa pangungusap. 1 tanong na hudyat ng interes / atensyon. 2 tanong na humihingi ng karagdagang impormasyon.


Gusto namin makita ang sanaysay?

Ang isang mahusay na sanaysay ay may isang malakas na panimulang talata na may isang malakas na sanaysay na maaaring Nagtalo, hindi bababa sa tatlong well-naisulat talata na may sumusuportang ebidensya at kapani-paniwala pag-aaral, at isang malakas na talata concluding na kurbatang up ang sanaysay at restates ang thesis sa loob nito.