0

Search results

aw pa

buag lang ina. Imbes lain magkulog ulo ko.

1 answer


The Earth is usually represented as a circle with the North Pole at the top and the South Pole at the bottom. This orientation is commonly referred to as the "North-up" orientation.

2 answers


Unang-una, gusto ko punahin ang titulo ng iyong tanong. May mali kang pagkakabaybay. Imbes na "Ano ang...," "Ana ang..." ang iyong naisulat. Subalit, sapagkat alam ko namang pagkakamali sa pag-type ang dahilan nito ay naintindihan ko naman ang nais mong iparating, sasagutin ko ang iyong tanong bagamat alam kong matagal mo na itong itinanong.

Ang kasingkahulugan ng salitang natuliro ay "nabagabag"

1 answer


Elipsis- ito ay ang pagtitipid sa pagpapahayag. May mga salitang hindi nainilahad dahil naintindihan na ito ng mga nakikinig o nagbabasa.

Hal.:

1.) Wala na akong ibang hinangad kundi ang makasama SIYA. (Imbes na pangalan ng taong "gusto kong makasama" ang ilalagay, ginamit ko ang panghalip na SIYA.)

2.) Hindi uunlad ang bansang Pilipinas dahil N'YAN.

3.) Napagalitan si Robert dahil sa KANIYA.

1 answer


Still have questions?
magnify glass
imp

Ang pakabaog ng isang lalaki o male infertility ay ang kawalan na kakayahang makabuntis ng isang lalake. Ang pagkabaog sa isang lalaki ay karaniwang dahil sa mga problema sa semilya ng lalake.

Ano ang mga sanhi ng pagkabaog sa isang lalaki? Ang mga sanhing ito ay hinanati sa tatlo: ang "Pre-testicular causes" ay mga problema sa katawan na nakakapekto sa paggawa ng semilya at pagpapagana ng mga sexual organ ng mga kalalakihan o male reproductive tract. Ang "Testicular causes" naman ay mga problema sa mga itlog o testes na siyang gumagawa ng semilya o semen. Panghuli, ang "Post-testicular causes" naman ay mga problema sa daluyan ng semilya mula sa mga itlog hanggang sa pagpapalabas o pagpapaputok nito patungo sa pwerta ng babae.

Mga Pre-testicular causes
  1. Mababang level ng testosterone (hormone ng pagkalalaki) sa katawan
  2. Mga bawal ng gamot, pag-inom ng alak, at paninigarilyo
  3. Pag-inom ng iba't ibang gamot gaya ng steroids, mga gamot laban sa kanser (chemotherapy), at iba pa
  4. Mga "Genetic abnormalities" o problema sa mga "genes" na nagtataglay ng iba't ibang impormasyon sa pagkakabuo at paglaki ng isang tao.
Mga Testicular causes
  1. Edad - Kung napakabata o napakatanda, maaaring hindi pa o hindi na gumagana ang mga testes o mga itlog
  2. Mga "genetic problems" - ito ay mga problema sa mga "genes" na syang nagtataglay ng iba't ibang impormasyon sa pagkakabuo ng isang tao. Halimbawa, ang Y-chromosome ay bahagi ng ating DNA na nagpapa-lalaki sa isang tao; kapag nagkaron ito ng problema, maaaring maapektuhan ang kakayahang makabuntis.
  3. Mga "chromosomal problems" - ang mga "chromosomes" ay pinagsamasahang mga "genes". Ang bawat tao'y may 46 na "chromosomes" - 23 na pares. Kung magkaroon ng problema sa pagkakapares, o may mawala o madagdag na iba pang "chromosome", maaaring maapektuhan ang abilidad na gumawa ng semilya at makabuntis.
  4. Mga bukol sa itlog (testes) o sa bayag (scrotum) - ito'y maaaring maka-apekto rin sa kakayahan ng testes na gumawa ng semilya o tamod.
  5. Hindi pagbaba ng itlog - Habang ang isang lalaking sanggol ay nasa sinapupunan pa, ang mga itlog ay nasa mga bituka pa. Ito'y nalaglag patungo sa bayag kung saan ang temperatura ay mas malamig at napoproteksyunan ito ng nakapalibot ng tubig. Kapag hindi bumaba ang mga itlog (cryptorchidism), apektado ang produksyon ng semilya.
  6. "Hydrocoele" - ito'y isang kundisyon kung saan konektado ang bituka sa bayag; maaaring pumasok ang mga tubig na nasa bituka patungo sa bayag - at ang tubig na ito, kapag naipon, ang maaring magbara sa mga daluyan ng semilya at makaapekto sa produksyon ng semilya
  7. "Varicocoele" - ito'y isang kundisyon kung saan malago ang mga ugat ng dugo na nasa loob ng bayag. Ang mga ugat na ito ay maaring magkaroon ng epekyo na gaya ng "hydrocoele".
  8. Mga impeksyon gaya ng beke "mumps" at malaria ay maaari ring makaapekto sa mga itlog ng lalaki.
Mga Post-testicular causes
  1. Pagbabara sa anumang bahagi ng daluyan mula sa mga itlog (testes) patungo sa butas ng ari ng lalaki (urethra). Ito'y maaring dahil sa tumor, bukol, impeksyon, atbp.
  2. "Retrograde ejaculation" - baliktad ang pagdaloy ng semilya; imbis na patungo sa butas ng ari ng lalaki, ito'y papasok sa pantog.
  3. "Hypospadias" - Ang butas ng ari ay nasa ibaba imbes na nasa harap, kaya hindi ito nakatutok ng deretso sa pwerta ng babae at hindi nakakarating ang semilya.
  4. "Impotence" - Ang kawalan ng kakayanan na patigasin o panatilihing matigas ng ari ng lalaki. Dahil hindi tinitigasan, walang paraan para makapagpalabas ng semilya patungo sa pwerta ng babae. Maraming dahilan ang "Impotence" at tatalakayin ito sa ibang artikulo dito sa Kalusugan.PH.

2 answers


1.) Pagbibigay katauhan (Personification)- tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng Tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.

Hal.

  • Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.
  • Hinalikan ako ng malamig na hangin.
  • Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
  • Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
  • Sumasayaw ang mga dahon sap ah-ihip ng hangin.

2.) Pagtutulad (simile)-- isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.

Hal.

  • Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na mang-aawit.
  • Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.
  • Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan.
  • Si Maria na animo'y isang bagonh pitas na rosas ay Hindi napaibig ng mayamang dayuhan.
  • Ang balat niya ay kasingputi ng niyebe.

3.) Pagwawangis (Metapora)-- isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.

Hal.

  • Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay.Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
  • Ang kanyang mga kamay ay malamig na yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
  • Ikaw na bulaklak niring dilidili.

4.) Pagmamalabis (Eksaherasyon,hyperbole)-- isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.

Hal.

  • Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.
  • Sa labis na kagutuman, kaya kong kumain ng sampung baka.
  • Namuti ang kanyang buhok sa kakahintay sayo.
  • Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.
  • Bumaha ng mga dugo sa lansangan

5.) Pagpapalit-diwa (Metonymy)-- isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.

Hal.

  • Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
  • Iniwasan na niya ang bote at baraha na nangangahulugang iniwasan na niya ang pag-inom ng alak at pagsusugal.

6.) Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)-- pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.

Hal.

  • Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.
  • Isinambulat ang ordeng mula sa dibdib ng taksil.
  • isang Rizal ang nagbuwis ng buahy alang-alang sa Inang Bayan.
  • Walong bibig ang umaasa kay Romeo

7.) Panawagan (Apostrophe)-- ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na Tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Hal.

  • Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
  • O, tukso. Layuan mo ako.
  • Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
  • Ulan, ulan kami'y lubayan na.

8.) Pag-uyam-- mga pananalitang nangungutya sa Tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.

Hal.

  • Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.
  • Wala kang ganang kuamin, kaya pala halos maubos mo ang ulam.
  • Sa husay niyang kumanta, pampito siya sa pitong naglaban.
  • Maraming salamat sa paglalagay samin sa kapahamakan.
  • Siya ay may magandang kasuotan, gawa sa basahan.

9.) Paglilipat-wika (Transferred epithet)- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

10.)Pabaligho (Paradox)

11.)Pagsalungat (Oxymoron)

5 answers


Tsuper ang sikreto ng Pagasenso ng Pilipinas

by: Denverking D. Gomeceria

Tsuper pala ang sikreto o susi ng pagasenso ng Pinas ang sabi ko sa

aking sarili habang pababa sa jeep na aking nasakyan. Natawa ako pag naaalala

ko ang sinabi ng tsuper na kausap ko lang kanina. "Para makaahon tayo sa

hirap dapat nating itaas lahat ng bilihin. Itaas ang jeepney fare sa P25 kada

tao. Tangalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehen naman ang tax ng mga

mahihirap" ang suhestion ng mamang drayber ng dyip na nasakyan ko.

Mahaba ang aming napagkuwentuhan ng mamang drayber. May mga drayber kasi na sa

kwento nila dinadaan ang pagkainip nila sa trapik dito sa metro manila.

Maaring nagtataka na kayo kung paano nangyari yun. Hayaan nyong ilahad

ko rin sa inyo ang kwento ng mamang tsuper.

Nagmamadali ako papasok ng opisina ng maipit kami sa trapik. "Haaaay

naku" sabi ko sa aking sarili. "Walang pinagbago ang pinas". Natawa ang

drayber ng sinasakyan kong dyip. Sa unahan kasi ako sumakay kaya narinig nya ang

aking nasambit. Mukhang nagmamadali kayo sir ah, tanong ng drayber.

Sanayan lang po yan dagdag pa nya. Oo nga eh, kaya lang eh nakakaasar

kasing isipin na ganito na lang ba tayo palagi sagot ko. Wala ka na

ngang pera....trapik pa! Hirap na hirap talaga ang bansa natin ngayon. Lalong

natawa ang drayber sa tinuran ko. "Sir" sabi nya, matanong ko nga kayo.

Sure, sagot ko naman. Naniniwala ba kayong walang pera ang pinas?

Hhhhhhmmmm napaisip ako bigla sa tanong ng tsuper. Tingin ko wala! Kasi

hirap ng buhay ngayon eh sagot ko sa kanya. Wag kayo sanang magagalit

sir, mukhang mali ata po kayo duon ang magalang na tugon nya. Nagulat ako

dahil mukhang may alam yung mamang tsuper na di ko alam. Bakit mo naman nasabi

yan manong?

Kasi ganito po yun sir...may pera ang pinas kaya nga lang ay nakaipit sa

itaas ang paliwanag ng mamang tsuper. Nakaipit po yung pera sa bangko ng

mga mayayamang negosyante. At para pong dumadaan sa embudo ang pera pababa

sa ating mahihirap ang dagdag pa nya. Unti unti lang po ang baba, sapat

lang na tayo ay makakain at wag magpatayan. Kung mapapansin nyo po ay

tila napakahirap na buhay natin dito sa ibaba. Napakahirap kitain ng pera

kasi nga ay kaunti lang ang perang umiikot dito sa atin sa ibaba. Samantalang

P42 lang ang dolyares ngayon at kung may katotohanan ang report ng

gobyerno natin na umaangat ang ekonomiya... .eh nasaan ang pera, tanong pa nung

drayber. Kung totoong kumikita ang pinas pero hirap tayo at walang pera

dito sa ibaba....ibig lang sabihin noon ay nasa itaas o sa mayayamang

negosyante ang pera, pagtatapos ng drayber.

Magaling! sabi ko sa mamang tsuper. Ang galing nyo manong ah, dagdag ko

pa. Matanong ulit kita sabi nya sa akin. Paano naman natin mababaliktad ang

kahirapan natin ngayon? Mukhang pahirap ng pahirap ang tanong nyo manong

ah. Madali lang yan sagot nya. O sige nga po manong...paano? Ganito yun

iho, kung ako ang masusunod para makaahon tayo sa hirap dapat nating

itaas ang jipney fare sa P25 kada tao. Tangalan ng tax ang mga mayayaman.

Triplehen naman ang tax ng mga mahihirap.Manong Gyera po yung hinihingi

nyo! Wala na nga ho tayong pambili eh...tapos imbes na pababain nyo

eh...itataas nyo pa. Isa pa ho, pag itinaas nyo ang pamasahe eh tataas

ang bilihin. Lalo lang hong magiging kawawa ng mahihirap nyan sabi ko sa

drayber. Isipin nyo mataas na ang bilihin tapos triple pa ang tax nila

samantalang yung mayayaman naman eh aalisan nyo ng tax..manong naman!

Ganito kasi yun iho. Kaming mga drayber ang sukatan at madalas na

idinadahilan ng mga mayayaman. Kami rin ang tagapasan lagi ng problema.

Kada gustong pagagainin ng gobyerno ang buhay natin dito sa ibaba. Lagi

na lang yung karampot naming kita ang kanilang pilit na pinabababa. Kasi

nga naman pag mababa pamasahe eh makakatipid daw yung mga mahihirap dahil

bababa din ang presyo ng bilihin. At kung mababa ang bilihin at

pamasahe...eh di syempre mababa din ang pasuweldo.Para nga naman daw di

bumagsak ang negosyo ng mga mayayaman at makahatak pa ng foreign

investors. Pero kung gagamitan mo ng simpleng math...eh magkano lang talaga ang

matitipid ng isang simpleng empleyado na gaya mo. Sa totoo lang ay

malaki na P1.000.00 kada buwan ang matitipid mo at P12,000.00 sa isang taon.

Aba manong malaki na pong tulong yung P12,000.00 sa mahihirap, ang sabi

ko sa tsuper. Sige nga iho, ano sa tingin mo ang magagawa sa iyo ng P12,000.00? Sapat

na ba iyon para makabili ka ng bahay? Sapat na ba iyon para mapagaral mo

ang iyong mga anak sa magandang paaralan? Maari siguro na makabili ka ng

second hand na telebisyon at maliliit na kagamitan sa bahay pero di yun sapat

para mapaunlad mo kahit konti ang buhay ng iyong pamilya.

Natigilan ako dahil may katwiran ang mamang tsuper. Bilang isang padre

de pamilya na may tatlong anak...ano nga naman ang magagawa sa akin ng

P1,000. kada buwan at P12,000.00 kada taon. Kung tutuusin eh sobra sobra pa nga

yung kwenta nung drayber. Eh kung ganun manong ano naman ang

iginanda nung suhestyon mo?

Sa pagpapababa ng presyo, Hindi ang mahihirap ang tunay na nakikinabang.

Mas malaki ang natitipid ng mayayaman lalo na nung malalaking

korporasyon. Kasi ay bumababa ang kanilang operational expenses. Bababa ang kanilang

puhunan dahil mababa ang kanilang pasahod presyo ng na materyales.

Milyones ang kanilang natitipid. Ibig sabihin lang nun ay mas malaki ang kanilang

kikitain.Lalo na ang foreign investors, dahil ini-export nila yung

kanilang produkto, syempre pa dollars ang kanilang singil sa international

market. Kaya naman sa pagpapababa ng presyo sila ang tunay na nakikinabang at

Hindi yung maliliit na gaya natin, lalo na kaming mga tsuper.

Hhhhhmmmm... .may katwiran nga po kayo manong! Tama nga po kayo! Kung

Hindi pagpapababa ng pamasahe ang sagot...eh ano po?

Hindi mo kailangan ibaba ang pamasahe para matulungan ang mga mahihirap

na gaya natin iho. Kung ako ang masusunod, kung itataas natin sa P25 ang

pamasahe, wala ng dahilan ang mayayaman para di magtaas ng pasahod. At

kung ako ang masusunod ay gagawin kong P1,500.00 ang minimum salary ng

bawat mangagawa.

Hehehe! Natawa ako sa tinuran ng drayber sa akin. Matutuwa po misis ko

nyan manong hehehe! Imaginine mo ang laki ng take home pay ko. Pero kung

ganun po ang gagawin nyo eh magrereklamo naman po yung mayayamang

businessman. Sa laki ng gusto nyong pasahod eh wala na silang kikitain

at baka magsara pa yung kumpanya nila. Matatakot din po yung foreign

investor dito sa atin dahil ang taas ng labor cost.

Hindi ka nakikinig iho,sagot naman ng tsuper. Kaya nga aalisan ko na ng

tax ang mayayamang negosyante. Ihalimbawa na natin yung nakasuhan ng

P25billion na tax evation. Di ba kung ano ano pang red tape at bayad sa mamahaling

abogado ang ginawa nun? Sigurado umubos din sya ng milyon para

lang di magbayad? Kung tatangalan ko sya ng tax....Hindi na nya

kailangan umubos ng milyon sa red tape at magbayad sa abogado. Kanya na yung

P25billion. Sa tingin mo masama pa ba yun? Sa ganung paraan din ay

mababawasan ang mga buwaya sa bir.

Tungkol naman sa foreign investors... nakakalungkot isipin na labor lang

ang kayang isipin ng ating gubyerno na panghatak sa kanila. Nakakalungkot

din na isipin na ibinebenta tayo ng ating sariling gubyerno bilang murang

alipin. Bakit di nila ipagmalaki ang kalidad o ang mataas na antas ng

ating mangagawa? Mahusay ang mga pinoy magtrabaho at pulido pa. Dun pa lang

lamang na tayo. Kaya nga mas gusto tayo ng mga arabo di ba? Di paulit

ulit yung gawa kaya nakakatipid sila at naibebenta pa nila ng mahal dahil

pulido nga ang pagkakagawa. Isa pa dapat din nating pakinabangan yung kung

tawagin ng kano na strategic location ng bansa natin. Di ba kaya nga pilit pa

rin na mga kano na magkaroon ng military activities o military base dito sa

atin? Kung sa military ay importante yun ganun din sa negosyo. Puede

tayong maging daungan at koneksyon ng mga barko at eroplano na naghahatid ng

produkto. Mumura din ang presyo ng importation dahil bukod sa magigng

daungan tayo ay meron pa tayong tinatawag na Globalization. Mura na rin

nilang nakukuha ang kanilang raw materials na kailangan nila dahil sa

bisa ng Globalization. Di ba yun nga ang purpose nun?

Haaay naku mukhang napagisipan nyo na ng husto yan manong drayber ah?

Pero may isa ho ata kayo nakaligtaan. Kung aalisan nyo ng tax ang mga

negosyante.. .paano naman po tatayo ang gubyerno natin nyan? Paano na ang

infrustructures natin nyan? Paano na yung operation expenses ng gobyerno

natin? Dito mahihirapan na sya sa isip-isip ko.

Napakamot ng ulo ang mamang drayber. Haaay naku iho di ka talaga

nakikinig. Kaya nga ti-triplehen ko ang tax nang mahihirap o empleyado eh. Sige

mathematics ulit tayo. Sa ngayon ay meron tayong 87milyon na Filipino.

10% lang nyan ang mayayamang negosyante, 20% ang middle class at 70% ang

mahihirap. Sa mathematics ibig sabihin nun ay may 8.7 milyon lang ang

mayayaman. Baka nga sobra pa yang bilang na iyan, dagdag ba ng

tsuper.Yung natitirang 78milyon ay malamang na karamihan ay empleyado. Sabihin na

lang natin na 50million ang nagtatrabaho para di tayo mahirapan sa

mathematics.

Kung dati ay nakakakuha ka ng tigpipiso, magiging triple yun, ngayon ay

makakakuha ka na ng P3.00. Ibig sabihin nito kung dati nakakakolekta ang

BIR ng P50million.. .magiging P150million na yun. Eh Hindi lang naman

3piso ang ibinabawas sa tax ng isang empleyado. Mababa ang P500 sa mga iyan eh

kung tatlong P500 yan! Sige nga iho imathematics mo nga. Mas magiging

epektibo ang koleksyon ng BIR dahil di na nila kailangan pang maghabol.

Sa ayaw at sa gusto ng empleyado ay babawasan sila ng tax kada buwan.

Magdadagdagan pa ang galamay ng BIR sa pamamagitan ng mga employer at

mababawasan ng malaki ang corruption sa ating bansa.

Hanep manong ang galing nyo po ah!

Isa pa iho, mas marami na ngayong ang magtutulungan na paangatin ang

bansa natin. Imbes na 10% lang ng population ang magdadala... yung 90% na

ngayon ang papasan ng ekonomiya natin.

Oo nga po manong....kaya lang parang ganun pa rin iyon. Mataas nga ang

sahod pero mataas din ang bilihin. Eh di wala rin po! Kayod marino ka pa

rin nun dahil sa taas ng bilihin.

Maaring ganun pa nga rin yun iho. Pero matanong kita ulit. Maari ngang

mahihirapan ka pa rin. Pero alin naman ang mas pipiliin mo...yung

nahihirapan ka na ang pagkain mo ay tuyo....o yung nahihrapan ka na ang

pagkain mo ay fried chicken?

Manong naman! tinatanong pa ba yun! Syempre dun ako sa chicken.

Ano ang mas gusto mo iho....yung nahihirapan ka na nakahiga sa

banig....o yung nahihirapan ka na nakahiga ka sa malambot na kama?

Manong trick question po ba yan. Syempre naman dun ako sa kama!

Eto pa ang isang tanong iho. Sa tingin mo ba may katotohanan yung naisip

ko? Nangyayari ba yun.

Naku manong drayber kayo na po siguro ang sumagot nyan. Medyo mahina po

ako sa math eh! Natawa na lang yung drayber sa aking isinagot sa kanya. Di mo naman

kailangan ng math dun eh iho! Ihalimbawa na natin ang mga bansang gaya

ng Singapore, Japan, Hongkong, Canada, Australia, Amerika at England. Lahat

ng bingangit ko ay may mataas na pasahod sa empleado. Lahat yun mga bansang

iyon ay may buying power ang mga taong nasa ibaba. Lahat yun ay may

kapasidad ang mamayan na bumili. Lahat ng mga iyon ay dinadayo ng

foreign investor dahil malakas ang kanilang kalakalan. Lahat ng iyon may maunlad

na local na ekonomiya. Kasi iho basic lang naman yung ginawa nating

solusyon. Naalala mo ba yung embudo na sinasabi ko sa iyo kanina. Sa pamamagitan

ng pagpapataas ng sahod ay lumuwag yung butas sa embudo at bumuhos yung

pera sa ibaba. At dahil nga may buying power ang isang simpleng empleado na

gaya mo ay mamimili ka rin. Halimbawa na... dahil may pera ka na ay kaya mo

nang yayain si esmi mo na kumain naman sa restaurant. Kaya mo na rin ibili ng

sapatos ang anak mo. Kaya mo na rin bumili ng bahay at higit sa lahat ay

kaya mo nang mapagaral ang iyong anak sa maayos na paaralan. Kada bibili

ka yung pera mo ay aakyat ulit pataas dun sa mga negosyante. Ang nangyari

ay umikot lang yung pera sa paraan na matitikman din nating mahihirap yung

pinagmamalaki ng gobyerno na pagunlad ng ekonomiya at nung P42 per

dollar. Imbes na sila lang sa itaas ang nakikinabang. ...hehehe medyo maaambunan

na tayo.

Kaya lang po manong eh....sa kanilang bansa siguro pwede yun! Dito po sa

pinas malabong mangyari yun!

Iho akala ko ba ay empleado ka? Hindi mo ba alam na taon taon ay

nangyayari yung sinasabi ko sa iyo. Mayroong buwan sa isang taon na kung saan yung

embudo sa taas ay lumuluwag. Taon taon yan...Hindi nga lang triple ng

sweldo pero doble naman. Kung sumasahod ka ng P10,000.00 kada buwan, may

time sa isang taon na sasahod ka pa ulit ng panibagong P10,000.00. Kung

ima-mathematics ulit natin eh tumatangap ka ng P20,000.00.

Hah talaga ho manong?

OO naman iho. Nung panahon kasi ni makoy iho ay may ginawang batas na

tunay na pangmahirap. Yan ang tinatawag nating...thirteenth month pay! Sa bisa

ng batas na iyan, walang choice ang mga mayayamang negosyante na magbayad

ng doble sa kanilang empleado kada disyembre. Hindi ba iho, kada December

puno ang mga pamilihan? Kami kada disyembre malakas ang pasada. Ganun din sa

taxi at tricycle. Yung mga kumpanya malakas din ang sales gaya

softdrink, appliances, sanmiguel beer at iba pa. Pag bumaba ang pera masaya ang

lahat hehehe!

Ang galing nyo po talaga manong! Hanga po ako sa inyo, Hanneeeep po

talaga! Ang masakit nga lang nito iho....kung ako na simpleng drayber eh naiisip

ko yun. Eh di lalo na yung mga mayayaman at politiko na nag-aral sa

magagandang eskwelahan. Mas matatalino sila eh diba. Nasilip nila ang

isang butas sa ating batas na Hindi ako sigurado kung pangmahirap na batas o

pang mayaman!

Ano po iyon manong?

Ang ginagamit nilang pansakal sa embudo na sinasabi ko para mapigilan

ang pagbuhos ng pera sa ibaba ay yung tinatawag nating minimum wage law. Sa

ganang akin ay Hindi pangmahirap na batas yan. Sige nga kung talagang

para sa atin yan....ikaw na simpleng empleyado na may tatlong anak....sa

tingin mo ba ay kasya yung minimum na inaprubahan ng gubyerno na P350.00? Kahit

siguro si Einstein ay mahihirapan sa mathematics na ginawa nila

hahahaha! O sige nga subukan natin. Teka ha hmmmm....ok ganito....sa umaga bili ka

ng bigas na mumurahin. Yung tig P25.00 tapos saing mo kalahati. Bili ka ng

tuyo na tig P15. Sa tanghali isaing nyo yung kalahati ng bigas tapos

bili ka ng itlog at 2 lucky me na aabot ng P20. Damihan mo na lang ang sabaw

para magkasya hehehe. Sa gabi naman ay bili ka ulit ng kalahatin kilong

bigas(P12.50) at 1 latang sardinas igisa mo sa bawang sibuyas at

sangkaterbang tubig ulit hehehe, mga P20 ulit yan. Sa pagkain nyo ubos

ka na agad ng P92.50. Syempre empleado ka papasok ka. Pagpalagay na nating

P100. ang gastos mo. Magkano na yun P192.50. Eh kung may pinadede kang

baby. at may pinagaaral ka na panganay. Kuryente, tubig at upa pa sa

bahay. Project pa ng anak mo sa skul at tuition. Hindi rin naman pued na puro

ka tuyo, itlog, lucky me at sardinas araw araw. Anong klaseng math kaya ang

ginawa nila at nagkasya yung P350.00 hahaha. Kaya kung ako sa iyo iho sa

sususnod na eleksyon ay wag ka ng pumili ng matatalino at eknomista.

Kasi medyo nakakalito yung aritmetik nila eh heheheh!

Ang mga halakhak na iyon ng mamang tsuper ang mga huling katagang

lumabas sa kanya na aking naalala. Habang ako ay naglalakad patungo sa opisina

ay naisip ko ang mga bagay bagay. Maaring marami ring butas ang suhestyon

ni manong drayber. Pero maari rin namang sya ay tama. Ilang dekada na ba

natin silang pinarurusahan. Ilan dekada na ba nating pinipilit ibaba ang

pamasahe para bumaba ang lahat ng bilihin. Ilang dekada na ba na ipinapasa ng

mayayaman ang pahirap sa mga gaya ni manong drayber. Maaari nga sigurong

kapos sa pinagaralang ang drayber ng dyip na nasakyan ko...pero isa lang

ang nasisiguro.. .ang kanyang sinabi ay mula sa kaibuturan ng kanyang

puso!

1 answer


Dear vicky morales,

Magandang umaga/ gabi sayo nais ko lang po na i wish sa inyo ang pamilya na pinsan ng aking ina na pamilya yolanda at manuel Reyes may tatlong anak. sapagkat naputulan po ng paa si tata uwel sa aksidente ang asawa ni ate yolly at hirap sa pag hahanap ng trabaho sa katunayan nakikilabasan lang si tata uwel/manuel ng trycle kahit putol na ang kanyang paa para lamang maitaguyod ang kanyang pamilya at mk pag aral ang kanilanhg mga anak.sana po ay matulungan nyo cla nag pangkabuhayan nla upang maitaguyod at tuluyang makapag aral ang mga bata.

GUmagalang,

albert mendoza

7 answers



ANG AMA
Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

3 answers


ANG AMA
Salin ni Mauro R. Avena


Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.


Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.


Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.


Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.


Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.


Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.


Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.


Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".


Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.


Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto.


Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.


Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

10 answers


ANG KWINTAS

Isa siya sa mga pinaka-marikit at kahali-halinang babae na isinilang, at para bang nagkamali ang tadhana dahil isang pamilya ng mga manggagawa ang kanyang pinagmulan. Hindi siya itinakda na ikasal kaninoman, walang umaasa na aangat siya, at wala rin siyang paraan para makilala, maunawaan, mahalin, at makapangasawa ng isang marangya at marangal na lalaki. Bagkus, isang hamak na kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ang pinakasalan niya. Simple lang ang kanyang panlasa dahil hindi naman niya kaya ang mga mamahaling bagay. Hindi siya masaya dahil sa pakiwari niya, nagpakasal siya sa isang lalaking mas mababa pa sa kanyang uri. Pero ang mga babae naman talaga ay hindi nabibilang sa kahit anumang uri. Ang kanilang kagandahan, kahinhinan, at alindog ay nagagamit nila para magkaroon ng asawa at pamilya. Ang natural na pagkahilig nila sa karangyaan, ang kanilang angking karingalan, at matalisik na isip ay nagsisilbing mga palatandaan ng kanilang ranggo. At sa mga bagay na ito, ang babaeng tinutukoy natin na nagmula sa kahirapan ay maituturing na kapantay ng pinakamataas na babae sa balat ng lupa.

Hindi matapus-tapos ang kanyang pagdurusa, dahil pakiramdam niya'y ipinanganak siya para matikman ang lahat ng karangyaan at kaginhawahan. Pinagdurusahan niya ang kanyang hamak na tirahan, ang mga nanlilimahid na dingding nito, ang mga gapok na silya, at marurungis na kurtina. Lahat ng ito-na maaaring hindi alam ng mga babaeng kauri niya-ay nagdudulot sa kanya ng pasakit at insulto. Nang makita niyang pumasok ang batang babae na Breton sa kanyang hamak na tirahan para magtrabaho, nabagbag ang kanyang damdamin at natigatig ang kanyang mga walang kapararakang pangarap. Umandar ang kanyang imahinasyon at naisip niya ang mga tahimik na silid, na natatakpan ng mabibigat na kurtinang Oryental, naiilawan ng mga nagtataasang sulo na yari sa tanso, at binabantayan ng mga nagtatangkarang lalaki na may suot na mahahabang medyas na umaabot hanggang sa tuhod at nahihimbing sa malalaking sopa, dahil sa nakalilipos na init na nagmumula sa kalan. Naisip niya rin ang malalawak na silid na napapalamutian ng antigong telang sutla, at maliliit ngunit kaaya-aya at mababangong silid na nilikha para sa mga munting salusalo kasama ang mga pinakamalapit na kaibigan, at mga lalaking pamoso at inaasam-asam, na ang pamimitagan ay nakatitigatig ng inggit at pagnanasa sa kababaihan.

Nang dumulog siya para sa hapunan sa hapag na natatakpan ng mantel na kalalagay lang tatlong araw na ang nakararaan, katapat ng kanyang asawa na nag-alis ng takip ng lalagyan ng sopas at napabulalas nang buong saya: "Aha! Scotch broth! May hihigit pa ba rito?", muli na namang lumipad ang imahinasyon ng babae at naisip niya ang mga pagkasarap-sarap na pagkain, mga kumikinang na kubyertos, mga tapiseriya na tumatakip sa mga dingding at naglalarawan sa mga sinaunang tao at mga kakatwang ibon mula sa mga kagubatang pinamamahayan ng mga diwata; naisip niya ang mga kasiya-siyang pagkain na nakalatag sa mga kamangha-manghang bandehado, mga pabulong na panunuyo, na pinakikinggan nang may di mawaring ngiti habang ngumangasab ng mamula-mulang laman ng isda o pakpak ng manok na may halong asparago.

Wala siyang magagandang damit at alahas. At ito ang mga bagay na iniibig niya. Pakiramdam niya'y nilikha siya para sa mga bagay na ito. Matagal na niyang inaasam na makapang-akit, na mapagnasaan, na kahumalingan, at maging kaasam-asam.

Nagkaroon siya ng isang mayamang kaibigan, isang dating kaklase na ayaw niyang bisitahin, dahil nakararamdam siya ng matinding pagkasawi habang papauwi siya sa kaniyang tirahan. Ilang araw siyang umiiyak, saklot ng kalungkutan, pagsisisi, kawalang-pag-asa, at pagdurusa.

Isang gabi, umuwi ang kanyang asawa na masayang-masaya, hawak ang isang malaking sobre.

"Para sa iyo ito," sabi niya.

Mabilis na pinunit ng babae ang sobre at hinugot mula sa loob nito ang isang papel kung saan nakasulat ang mga katagang ito:

"Hinihiling ng Ministro ng Edukasyon at ni Ginang Ramponneau na makapiling sina Ginoo at Ginang Loisel sa Kagawaran ngayong Lunes ng gabi, ika-18 ng Enero."

Ngunit imbes na matuwa, gaya ng inaasahan ng kanyang asawa, inihagis ng babae ang imbitasyon sa mesa, sabay bulong ng:

"Ano'ng gusto mong gawin ko rito?"

"Bakit, mahal ko? Akala ko'y masisiyahan ka. Matagal ka nang hindi lumalabas. Napaka-importanteng okasyon nito, at pinaghirapan kong makakuha ng imbitasyon para rito. Lahat ay gustong maanyayahan sa pagtitipong ito. Piling-pili ang makakapunta, at iilan lang ang napaunlakang kawani na gaya ko. Makikita mo rito ang lahat ng matataas na tao."

Tumalim ang tingin ng babae sa asawa, saka nagsalita na parang naubusan na ng pasensya: "At ano sa palagay mo ang isusuot ko sa pagtitipong 'yan?"

Hindi iyon naisip ng lalake; pautal niyang nasabi:

"Ba't di mo gamitin 'yung isinusuot mo pag nagpupunta ka sa teatro? Napakaganda noon, para sa akin…"

Natigilan ang lalake, natuliro, at naghahanap ng sasabihin nang makita niyang umiiyak na ang kanyang asawa. Dalawang malaking patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mga mata patungo sa gilid ng kanyang labi.

"Ano'ng nangyayari sa iyo?"

Ngunit mabilis na nakabawi mula sa kanyang kalungkutan ang babae, at kalmado siyang tumugon habang pinapahiran ang nabasang pisngi:

"Wala. Wala lang kasi akong maisusuot na damit kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang 'yan. Ibigay mo na lang ang imbitasyon sa kasamahan mo na may asawang mas nababagay diyan kaysa sa akin."

Halos madurog ang puso ng lalaki.

"Sandali lang, Matilda," giit ng asawa. "Magkano ba ang isang simpleng damit na nababagay sa ganyang okasyon, na maaari mo pang gamitin sa iba pang pagtitipon?"

Ilang sandaling nag-isip ang babae. Inalala niya ang mga presyo ng ganoong klaseng damit habang iniisip niya rin kung gaano kalaking pera ang pwede niyang hingin sa asawa, na hindi matatanggihan at hindi rin ikagugulantang ng lalaki.

Sa wakas, nag-aalinlangang sumagot ang babae:

"Hindi ako sigurado, pero pwede na siguro ang apat na raang francs."

Tila namutla ang lalaki, dahil ganitong halaga rin ang pinag-iipunan niya para makabili ng isang baril. Binabalak niya kasing mamaril sa susunod na tag-araw sa kapatagan ng Nanterre. Ito ang pinupuntahan ng kanyang mga kaibigang namamaril ng ibon tuwing Linggo.

Ngunit gayunpaman, sinabi ng lalaki: "Kung ganoon, bibigyan kita ng apat na raang francs. Siguruhin mo lang na makabibili ka ng isang napakagandang damit."

Papalapit na nang papalapit ang araw ng kasayahan. Kahit handa na ang kanyang damit, nagiging malungkutin pa rin si Ginang Loisel, laging di mapalagay, at balisa.

"Ano ba'ng nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo…"

"Nahahabag ako sa aking sarili, dahil wala akong alahas, ni isang mamahaling bato ay wala akong maisusuot," tugon ng babae. "Wala akong mukhang ihaharap kaninoman. Mas mabuti pa yatang 'wag na lang akong dumalo sa kasayahan."

"Magsuot ka ng bulaklak," sabi ng lalaki. "Sa halagang sampung piso, makakabili ka ng dalawa o tatlong rosas."

Ngunit hindi kumbinsido rito ang babae.

"'Wag na lang… Kahihiya-hiya kung magmumukha akong dukha sa harap ng napakaraming mayamang babae."

"Napaka-estupida mo!" bulalas ng asawa. "Pumunta ka kay Ginang Forestier at tanungin mo kung pwede ka niyang pahiramin ng mga alahas. Alam mo namang kilala siyang alahera, di ba?"

Napabulalas ng tuwa ang babae.

"Tunay nga. Hindi ko 'yon naisip."

Kinabukasan, nagpunta ang babae kay Ginang Forestier at ikinuwento niya rito ang kanyang problema.

Nagtungo si Ginang Forestier sa kanyang iskaparate, kinuha mula rito ang isang malaking kahon, binuksan ito, at sinabi:

"Mamili ka rito, mahal."

Unang tiningnan ng babae ang mga pulseras, tapos ay isang kuwintas na may perlas, at isang gintong krus na may makikinang na bato. Galing ito sa Venetia, at sadyang napakahusay ng pagkakagawa. Tumingin siya sa salamin at tiningnan ang sarili na gamit ang mga alahas. Nagbabantulot siya at di makapagdesisyon kung iiwan o isosoli niya ba ang mga alahas. Panay ang tanong niya:

"Mayroon ka pa bang iba?"

"Oo. Ikaw na ang mamili. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto mo."

Kapagdaka'y nakita niya sa isang maliit at itim na lalagyan na yari sa satin ang isang napakagandang alahas na diamante.

Tumibok ang pagnanasa sa puso niya. Nanginginig ang mga kamay niya nang kunin niya ang alahas. Isinuot niya iyon sa kanyang leeg, sa ibabaw ng kanyang mahabang damit, at ilang sandali siyang nalunod sa kaligayahan habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.

Tapos ay nag-aalinlangan siyang nagtanong:

"Maaari mo ba itong ipahiram sa akin? Tanging ito lamang?"

"Oo naman."

Napahilig siya sa dibdib ng kaibigan, niyakap niya ito nang mahigpit, at dali-dali siyang umuwi na bitbit ang natatanging hiyas. Dumating din ang araw ng kasayahan. Tagumpay si Ginang Loisel. Siya ang pinakamarikit na babae sa lahat, elegante, mabining kumilos, laging nakangiti, at nag-uumapaw ang kaligayahan. Lahat ng mga lalaking nandoon ay napapatingin sa kanya, itinatanong ang kanyang pangalan, at gusto siyang makilala. Lahat din ng mga Pangalawang Sekretaryo ng Pamahalaan ay gusto makipag-balse sa kanya. Napansin din siya ng Ministro.

Haling na haling siya sa pakikipagsayaw, nag-uumapaw ang kanyang saya, at panay ang inom niya, walang pakialam sa lahat, maging sa pagwawagi ng kanyang kagandahan, sa karangalan ng kanyang pagkakapanalo, sa lambong ng kaligayahang bumalot sa kanya dulot ng mga pagtangi at paghanga, ng mga pagnanasang kanyang ginising, ng kabuuan ng kanyang tagumpay na sadyang napakalapit sa kanyang puso.

Mag-a-alas-kuwatro na ng madaling-araw nang magpasya siyang umuwi. Hatinggabi pa'y tulog na ang kanyang asawa sa isang maliit na silid, kasama ang tatlo pang kaibigan na may mga asawang nagkakasayahan. Ipinatong ng lalaki sa balikat ng babae ang mga kasuotang dinala niya para magamit nila sa pag-uwi-mga ordinaryong kasuotan na alangan sa napakagandang saya ng babae. Napansin niya iyon kaya't nagmamadali siyang umalis upang hindi siya makita ng ibang mga babae na nagsusuot ng kanilang mga mamahaling fur.

Pinigilan ng lalaki ang kanyang asawa.

"Sandali lang. Malamig sa labas. Baka magkasipon ka. Tatawag ako ng taxi."

Pero hindi siya pinakinggan ng babae at nagmamadali itong bumaba sa hagdanan. Nang makalabas na'y wala silang maparang taxi. Nag-abang sila at ilang beses nilang sinigawan ang mga taxing dumaraan.

Naglakad sila patungo sa Seine, tuliro at nangangatal sa lamig. Sa wakas ay nakatagpo sila ng isang pipitsuging taxi na tuwing gabi lamang nagbibiyahe sa Paris, dahil tila ikinahihiya nito ang kanilang kalumaan.

Inihatid ng taxi ang mag-asawa sa Rue des Martyrs, at malungkot nilang nilakad ang daan patungo sa kanilang bahay. Iyon na ang wakas, naisip ng babae. Kailangang nasa opisina na siya nang alas-diyes, naisip naman ng lalaki.

Hinubad ng babae ang mga kasuotang nakabalot sa kanyang balikat, upang muli niyang mapagmasdan ang kanyang kagandahan sa harap ng salamin. Ngunit bigla siyang napabulalas. Nawawala ang kuwintas!

"Bakit? Ano'ng problema?" tanong ng asawa, na halos nakahubad na.

Maligalig na bumaling ang babae sa lalaki.

"Naiwala ko ang kuwintas na hiniram ko kay Ginang Forestier…"

Nabigla ang lalaki.

"Ano?! Imposible!"

Hinanap nila ang kuwintas sa bawat tupi ng kanyang kasuotan, sa ilalim ng kaniyang coat, sa mga bulsa, sa lahat ng lugar. Pero hindi nila ito makita.

"Sigurado ka bang suot mo pa ang kuwintas noong umalis tayo sa kasayahan?" tanong ng lalaki.

Oo, hinawakan ko pa ito noong nasa bulwagan tayo."

"Pero kung nahulog iyon sa daan, dapat ay narinig natin iyon."

"Oo. Malamang. Nakuha mo ba ang numero ng taxi?"

"Hindi. Ikaw, napansin mo ba iyon?"

"Hindi."

Napatingin ang mag-asawa sa isa't isa. Pareho silang natulala. Agad na muling nagbihis si Ginoong Loisel.

"Babalikan ko ang daan na nilakad natin," sabi niya.. "Baka mahanap ko pa iyon."

Umalis ang lalaki. Naiwan ang babae, suot pa rin ang kanyang saya. Nanghihina siya at ni hindi makahiga sa kama. Napako siya sa kanyang kinauupuan. Ni hindi siya makapag-isip.

Ala-siyete na nang makabalik ang kanyang asawa. Hindi nito nakita ang kuwintas.

Nagtungo ang lalaki sa istasyon ng pulis, nag-alok ng pabuya. Nagtungo rin siya sa mga diyaryo, sa mga kompanya ng taxi, sa lahat ng lugar na makapagbibigay sa kanya ng kahit katiting na pag-asa.

Buong araw na hinintay ng babae ang kanyang asawa. Di masukat ang kanyang pagkawindang sa inabot nilang kamalasan.

Gabi na nang umuwi si Ginoong Loisel. Hapis at namumutla ang kanyang mukha. Bigo ang kanyang paghahanap.

"Kailangang sulatan mo si Ginang Forestier," sabi ng lalaki, "at sabihin mo sa kanyang napatid mo ang kalawit ng kuwintas at ipinapagawa mo pa ito… nang sa gayo'y may oras pa tayo para maghanap."

Isinulat ng babae ang idinikta ng asawa.

Natapos ang linggong iyon at naglaho na ang pag-asa ng mag-asawa.

Sabi ni Ginoong Loisel na tila tumanda ng limang taon:

"Dapat nating palitan ang nawalang diamante."

Kinabukasan, dinala ng mag-asawa ang kahong pinaglagyan ng kuwintas sa alahero na ang pangalan ay nakasulat sa loob ng kahon. Kinonsulta ng alahero ang kanyang talaan.

"Ginang, hindi ako ang nagbenta ng kuwintas. Maaaring ako lamang ang nagbigay ng kalawit."

Nagpunta ang mag-asawa sa iba't ibang alahero. Naghanap sila ng kuwintas na kapareho ng nawala. Pilit nilang inalala ang itsura nito, at nalipos sila ng pagsisisi at labis na pagdadalamhati.

Sa isang tindahan sa Palais-Royal, may nakita ang mag-asawa na diamante na tila kawangis ng hinahanap nila. Nagkakahalaga iyon ng apatnapung libong francs. Nakatawad ang mag-asawa kaya't naging tatlumpu't anim na libong francs na lang ang halaga ng diamante.

Nagmakaawa ang mag-asawa sa alahero na huwag ibenta ang diamante sa loob ng tatlong araw. At inareglo rin nila na bago magtapos ang Pebrero, makukuha nila sa halagang tatlumpu't apat na libong francs ang ikalawang diamante sakaling may makabili na ng unang napili nila.

May labing-walong libong francs si Ginoong Loisel na minana niya sa kanyang ama. Ipangungutang na lang niya ang iba pa.

Nakahiram nga ng pera ang lalaki. Nakakuha siya ng isang libo sa isang kaibigan, limang daan sa isa pa, limang louis dito, limang louis doon. Lumagda siya ng mga kasulatan, pumasok sa mga mapanganib na kasunduan, namalimos sa kung sinu-sinong mga nagpapautang. Isinanla niya ang kanyang mga nalalabing taon, ipinagsapalaran ang kanyang lagda nang walang kasiguruhan kung matutupad niya ang mga napagkasunduan, at nangilabot siya sa kanyang sariling kinabukasan, sa napakadilim na hinaharap na nakatakdang bumagsak sa kanya, sa mga pangitain ng lahat ng klase ng pagdarahop at pagdurusa… hanggang sa nabili ng lalaki ang bagong kuwintas at naibayad niya ang tatlumpu't anim na libong francs na hiningi ng alahero.

Nang isauli ni Ginang Loisel ang kuwintas kay Ginang Forestier, nagsalita ang huli nang may nanlalamig na tinig:

"Sana'y isinoli mo ito agad sa akin. Maaaring nagamit ko pa sana ito."

Ngunit taliwas sa kinatatakutan ng babae, hindi na binuksan ng kanyang kaibigan ang lalagyan. Kung napansin ng kaibigan ang ipinalit niyang kuwintas, ano kaya ang iisipin nito? Ano kaya ang kanyang sasabihin? Isipin niya kaya na isang magnanakaw si Ginang Loisel?

Naranasan ni Ginang Loisel ang labis na kahirapan. Sa umpisa pa lang ay tinanggap na niya ng buong tapang ang kanyang kinahinatnan. Dapat na mabayaran ang pagkakautang. Kaya iyon ay kanyang pagdurusahan. Pinaalis na niya ang utusan. Lumipat silang mag-asawa ng tirahan. Nagtiyaga sila sa isang maliit na kuwartong nasa pagitan ng isang bubungan at kisame.

Napilitang gawin ni Ginang Loisel ang mabibigat na gawaing-bahay at ang kinabubuwisitan niyang trabaho sa kusina. Natuto siyang maghugas ng mga pinggan. Dahil sa pag-iisis ng magagaspang na palayok at puwitan ng mga kawali, nagasgas at numipis ang kanyang mamula-mulang mga kuko. Nilabhan niya ang maruruming kubre-kama, ang mga baro at mantel, at isinampay niya ang mga iyon. Tuwing umaga, itinatapon niya ang laman ng basurahan at umiigib siya ng tubig. Kailangan niyang tumigil paminsan-minsan para habulin ang kanyang paghinga. At suot ang hamak na damit ng isang pobreng babae, siya rin ang namamalengke, dala ang kanyang basket. Naranasan niyang makipagtawaran, mainsulto, at makipag-away para sa bawat sentimo ng kanyang kakapiranggot na salapi.

May mga kasulatan sa pagkakautang na dapat bayaran buwan-buwan, ang iba'y kailangang palitan ng bago, kaya't lalo pang tumagal ang mga pananagutan.

Sa gabi'y kailangang magtrabaho ni Ginoong Loisel bilang tagaayos ng talaan ng isang negosyante. Sa bawat pahina, kumikita siya ng katiting na barya.

Tumagal ng sampung taon ang ganitong buhay ng mag-asawa.

Nang magwakas ang sampung taon, nabayaran na rin nila ang lahat ng mga pagkakautang, pati na rin ang interes na ipinatong ng mga usurero.

Malaki ang itinanda ni Ginang Loisel. Katulad na siya ng iba pang matatag na mga babae na nasanay na sa kahirapan. Hindi na maayos ang kanyang buhok, masagwa na ang kanyang damit, at maligasgas na ang kanyang mga palad. Garalgal na ang kanyang boses, at kapag nagpupunas siya ng sahig, nagkalat ang tubig sa paligid. Minsan, kapag nasa opisina ang kanyang asawa, napapatigil ang babae sa tabing-bintana at naaalala niya ang gabing iyon, ang gabi ng kasayahan kung saan nagningning ang kanyang kagandahan at labis-labis siyang hinangaan.

Ano kaya ang nangyari kung hindi niya naiwala ang kuwintas? Sino nga ba ang nakaaalam? Sadyang napaka-hiwaga ng buhay! Napaka-salawahan! Maaaring mawasak o mabago ang lahat sa isang mumunting dahilan lamang!

Isang Linggo, habang naglalakad siya sa Champs-Elysees upang magpahinga, nakita ni Ginang Loisel ang isang babae na namamasyal kasama ang kanyang anak. Si Ginang Forestier pala iyon, at mukha pa rin siyang bata, maganda, at kaakit-akit.

Nakaramdam si Ginang Loisel ng pag-aalinlangan. Dapat niya bang kausapin si Ginang Forestier? Oo, dapat lang. At ngayong nabayaran na niya ang kanyang mga utang, ikukuwento ni Ginang Loisel sa kanyang kaibigan ang lahat ng nangyari.

Nilapitan ni Ginang Loisel si Ginang Forestier.

"Magandang umaga, Jeanne."

Hindi agad nakilala ni Ginang Forestier si Ginang Loisel. Nabigla pa nga ito dahil

sa kapangahasan ng pobreng babae.

"Ngunit… Ginang…" pautal na sabi ni Ginang Forestier. "Hindi kita kilala… Nagkakamali ka…"

"Hindi… Ako si Matilda Loisel."

Nabigla ang kanyang kaibigan.

"Ay! Ikaw pala 'yan, Matilda! Ang laki ng ipinagbago mo!"

"Oo… Naghirap kasi ako mula nang huli tayong nagkita. At marami akong dinanas na kalungkutan… Dahil sa iyong kagagawan…"

"Kagagawan ko!? Paano nangyari iyon?"

"Naaalala mo ba 'yung diamanteng kuwintas na ipinahiram mo sa akin para sa kasayahan noon sa Ministro?"

"Oo. Ano'ng kinalaman noon?"

"Naiwala ko iyon."

"Hindi ba't ibinalik mo naman iyon sa akin?"

"Ang ibinalik ko sa iyo ay kawangis lamang noon… At pinagbayaran namin iyon sa loob ng sampung taon. Alam mo namang hindi ganoon kadali para sa amin ang magbayad ng utang. Wala kaming pera… Pero bayad na iyon ngayon… At natutuwa ako dahil tapos na ang aming obligasyon."

Natigilan si Ginang Forestier.

"Ang ibig mong sabihi'y bumili ka ng bagong diamanteng kuwintas para palitan ang hiniram mo sa akin?"

"Oo… Hindi mo ba iyon napansin? Parehong-pareho kasi ang dalawa."

Napangiti pa si Ginang Loisel nang buong pagmamalaki at kainosentehan.

Labis na nagulumihanan si Ginang Forestier kaya't napahawak siya sa kamay ni Ginang Loisel.

"Ay kaawa-awang Matilda! Ang kuwintas kong iyon ay isang imitasyon lamang. Nagkakahalaga lamang iyon ng hindi hihigit sa limang daang francs!" *

~ CMSHS STUDENT ^^

4 answers


Ang buong pulo ay nalalatagan ng gubat, mula sa mabuhanging dalampasigan, kung saan ang tubig na nabubuong mga alon sa malayong Antartika ay humahampas pagkaraan ng mahabang paglalakbay, hanggang sa mga tuktok ng bundok na laging nakukumutan ng ulap. Pabagu-bago ang mukha ng gubat. Sa may dalampasigan, isang latian na hitik sa bakawan ay bumubuo ng sala-salabat ng hadlang. Papasok sa pulo at pataas sa lupa, ang mga puno't halaman ay patuloy sa pag-iiba-iba, at pag-abot sa dakong loob, ang mga iyo'y naglalakihan at nagtataasan, ang kanilang mga sanga'y nauukitan ng parang lambat na disenyo ng lumot. Hindi pa natatagos ng tao ang kabuuan ng sinaunang gubat, na ang loob ay napakayaman sa buhay. Dito'y di mabilang ang namumugad na mga ligaw na nilalang. Naglipana rin ang maririlag na halaman at nagtatayuang punongkahoy na nakokoronahan ng mga eksotikang orkidarya. Sa loob ng gubat, kayraming ibon at iba't ibang tsonggo ang malayang namumuhay, samantalang sa ibaba, sa lupa, walang-puknat ang maingat na paghahanap ng makakain ng mga itim na leopardo, elepante, at osong tropikal. Ang mga pampang ng ilog at katabing damuhan ay teritoryo ng mga tapir, rinoseros, ahas, buwaya, at usa. Nagkalat ang mga insekto.

Maraming parteng gubat ang nakakatakot. Ang mga ito'y puno ng latian na pinag-aabangan ng nakakamatay na mga panganib, at mga lubak at guwang na dantaon nang naiwang basa at madilim. Mayroon ding magaganda at kaakit-akit na lugar na walang pinag-iba sa mga engkantadong gubat ng mga kuwento. Ang hawan ng mga bahaging ito ng sinaunang gubat, na mayamang naaalpombrahan ng berdeng damo, ay payapa at nakakapagbigay-ginhawa. Kadalasa'y napapalibutan ang mga ito ng mayuyuming puno ng cemera, na pumupuno sa hangin ng masangsang na amoy ng kanilang dagta. Sa gitna ng maririkit na lambak na ito, di maaaring di magkaroon ng mga sapa ng malamig at mala-kristal na tubig, pabula-bula at patila-tilamsik, paawit-awit, at pabulung -bulong. Walang di naakit huminto at magpahinga roon. Sa loob ng gubat ay makatatagpo ng rattan, damar - isang dagta na ginagamit sa paggawa ng batik - at maraming uri ng mahalagang kahoy. May mga taong noo'y tumira roon, pero nilisan nila iyon noong sila'y magtayo ng mga lunsod at nayon kung saan. Ngayo'y paminsan-minsan na lang silang bumabalik doon, para humanap ng ikabubuhay sa pamamagitan ng paghahakot sa mga produkto ng gubat. Pito sa mga lalaking tulad nila ay isang linggo nang nasa gubat sa panganganap ng damar. Si Pak Haji ang pinakamatanda. Gayong sisenta anyos na siya ay nananatiling malusog at malakas. Matalas pa rin ang kanyang mga mata at tainga. Ang pag-ahon at paglusong sa bundok, pasan ang mabibigat na kaing ng damar o ratan, pasinghap sa nakakapagpasiglang hangin, ay nagpatibay ng husto sa kanyang katawan. Ipinagmamalaki ni Pak Haji na di niya nararanasan ang mga karamdamang dala ng pagtanda, at sa tanang buhay niya'y di pa siya naratay sa banig. Disinuebe anyos siya nang una niyang iwan ang kanyang nayon at magpasaibang-bayan. Nagpunta siya sa Japan, China, Africa, at India, kung saan niya pinag-aralan ang Koran. Limang taon siyang nagtrabaho sa barko, naglakbay sa malalayong daungan ng mga puti at ng kanilang maiingay at groteskong siyudad. Pero tinawag siyang muli sa kanyang nayon. Kaya't pagkaraan ng dalawampung taong paglalagalag, isang huling biyahe ang kanyang isinagawa sa pilgrimahe sa Mecca upang tupdin ang kanyang obligasyong panrelihiyon. Saka siya umuwi. Ipinagpatuloy niya ang pangangalap ng damar, isang gawaing inumpisahan niya nang trese anyos, ng unang sinamahan ng kanyang ama sa gubat. Matapos niyang matutuhan ang napakaraming bagay sa mundo, lagi niyang sinasabi na kuntento na siya ngayong maging isang hamak na tagakalap ng damar. Si Wak Katok ay singkuwenta anyos. May malakas at matipuno siyang pangangatawan. Maitim ang kanyang buhok, ang kanyang bigote ay mahaba at makapal at ang kanyang braso't binti ay namumutok sa buhul-buhol na masel. Ang kanyang mukha ay dinodomina ng buo't makakapal na labi at makislap at nananagos sa tinging mga mata. Siya'y eksperto sa pencak. Maraming taong naituro niya sa kalalakihan sa nayon ang tradisyunal na paraang ito ng pagtatanggol sa sarili. Si Wak Katok ay iginagalang din bilang mahusay na mangangaso at shaman, o manggagamot. Ang mga batang miyembro ng grupo ay sina Sutan, na beynte-dos anyos lang pero mayroon ng sariling pamilya. Talib, na beynte-siyete anyos at may asawa at tatlong anak; Sanip, na beyntesingko anyos, may asawa at apat na anak; at Buyung, ang pinakabata, na katutungtong lang sa pagkadisinuebe at walang asawa. Ang apat na lalaking ito ay naging estudyante ni Wak Katok sa pencak. Nag-aral din sila ng maharlika sa kanya. Alam nilang darating ang araw na magiging pinuno ng kanilang nayon si Wak Katok, isang lalaking itinuturing na lider ng marami, at karapat-dapat na igalang at parangalan. Kailanma'y di nila pinagdududahan ang kanyang salita o gawa. Lumalabas na si Wak Katok ang puno ng mga mangunguha ng damar. Ang ikapitong miyembro ng grupo ay si Pak Balam, na tulad ni Wak Katok ay singkuwenta anyos. Siya'y di masalita, maliit ang katawan pero gayunma'y masipag magtrabaho. Sa sinasabing pag-aalsa ng mga Komunista noong 1926, siya'y nadakip ng mga Dutch at apat na taong ikinulong sa Tanah Merah. Ang bata at buntis niyang asawa, na sumunod sa kanya sa preso, ay dinapuan doon ng malarya at nakunan. Dahil dito'y hindi na ito muling nakapagdalantao. Naging sakitin ito mula noon, at ang pera ni Pak Balam ay naubos sa mga gamot nito. Magkakasamang lagi ang pitong lalaki sa pangunguha ng damar gayong wala silang pormal na sosyohan at bawat isa'y may layong magbenta ng kanyang makalap. Pero dahil pito sila sa grupo, ang pakiramdam nila'y mas ligtas ang kanilang lagay at mas kaya nila ang kanilang gawain. Sa mata ng kanilang kanayon, sila'y mabubuting tao. Si Wak Katok ay iginagalang sa kanyang galing sa pencak at pagiging mangangaso. Nang siya'y bata pa, napabalita sa nayon ang paggamit niya ng pencak laban sa isang osong humarang sa kanyang daan sa gubat pero bilang shaman, siya'y kinatatakutan. Pabulong lang mabanggit ng mga tao ang tungkol sa kanyang pagiging salamangkero. May usap-usapan na nagagawa niyang makipag-ugnayan sa mga multo at masasamang espiritu.

Hinangaan ng mga taganayon si Pak Balam. Itinuturing nila itong isang bayani dahil sa paglaban sa mga Dutch. Alam nila na hindi ito Komunista. Napakarelihiyoso nito - malayong maging isang Komunista na di naniniwala sa Diyos o sa relihiyon. Lumaban maging sa mga kolonyalista si Pak Balam at ang kanyang mga kaibigan dahil sa pang-aapi ng mga iyon sa taumbayan, na walang-tigil na pinapatawan ng mga bagong buwis at ninanakawan ng kalayaan at sariling dangal. Si Pak Haji ay nirerespeto dahil sa kanyang edad at dahil nakapaglakbay na siya sa Mecca. Gayunman, hindi siya maintindihan ng mga tao. Mula nang bumalik siya sa kanyang pangingibangbayan, naging parang dayuhan na rin siya. Iniwasan niyang makasal, gayong binubuyo siyang magasawa ng kanyang pamilya. Ayaw rin niyang maging pinuno ng nayon. Sa umpisa, pinaratangan siyang mapagmalaki ng mga tao, pero di nagtagal, nasanay na ang mga ito sa kakaiba niyang gawi at di siya pinagtakhan. Mukhang kuntento na si Pak Haji na balewalain ng iba. Sina Sutan, Buyung, Talib at Sanip ay itinuturing na disente at maipagkakapuring mga kabataan, tulad ng karamihan sa mga taganayon. Iginagalang sila sa kanilang kapwa, tapat sila sa kanilang pagdarasal at pagsamba sa moske, at tulad ninuman ay nakikipaghuntahan sa kanilang mga kaibigan sa mga kapihan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bagong bahay o sa pagpapahusay ng mga daan o patubig. Nakikipagbiruan sila. Mabubuti silang ama, kapatid, at kaibigan. Tumatawa sila, umiiyak, nangangarap, umaasa, nagagalit, nabibigatan ang loob, at nalulungkot tulad ng iba sa nayon. Wala silang iniwan sa ibang tao. Silang karaniwang kabataan. Ngayo'y nasa loob sila ng gubat. Dala ni Wak Katok ang kanyang ripple. Bihira niya itong dalhin kapag nangunguha ng damar. Ginagamit lang niya ito kapag nangangaso na balak niyang gawin ngayon. Dalawang buwan na ang nakararaan, nakakita sila ng isang usa na pumasok sa huma, o kaingin, ni Pak Hitam, hanap ay pagkain. Naghawan ng lupa sa gitna ng gubat si Pak Hitam na pinagtayuan niya ng bahay. Doon nagpapalipas ng gabi ang pitong lalaki kung malapit doon ang pinagkukunan nila ng damar. Luma na ang ripple, pero mahusay itong armas. Gustung-gusto iyon ni Buyung. Nakakaramdam siya ng pagmamalaki kapag nakapatong iyon sa kanyang balikat, pahalinhin kay Wak Katok. Ang ripple at tsapa ng isang lalaki. Ang isang munting punyal, o kaya'y kris, o maigsing espada na nakasukbit sa baywang ay palamuti lamang sa kasuotan ng isang lalaki, pero ang baril sa kanyang balikat ay simbolo ng control na katumbas ay kapangyarihan. Nasisiyahan si Wak katok na ipahiram kay Buyung ang ripple, na inaalagaan nitong mabuti. Tuwing isasauli iyon ni Buyung, iyo'y nalangisan na at nasa mas mahusay na kundisyon kaysa pagkapahiram. Panay ang pahid ni Buyung sa kanyon niyong may masalimuot na disenyo, kaya't ang bakal na iyon ay kumikinang nang madilim na asul kapag tinatamaan ng liwanag. Ang kamagong niyong puluhan ay nangingintab na itim, madalas na parang pelus. Hindi iyon kakikitaan ng katiting mang alikabok o pulbura.

Nag-iipon si Buyung para makabili ng sarili niyang baril, iyong mas makabago. Ang lumang ripple na binabalahan sa bunganga, tulad ng kay Wak Katok, ay mabusising ipanghanting. Una, kailangang ibuhos ang pulbura ng kanyon, saka papiping sasalaksakin ng barilya. Tapos, ang bala ay kailangang ipasok sa kanyon at pataktak na pabababain. Habang ginagawa ang lahat ng ito, ang usa o baboy-damo ay maaring makatakbo na at mawala. Ang baril na sa bunganga binabalahan, kailangang asintado ang gumagamit - dapat tumama ang unang kalabit. Walang pangalawang tsansa ang mangangaso. May dahilang magmalaki si Buyung sa galing niya sa baril. Minsan, ang inasinta niya ay ang pinakalikod ng tainga ng isang tumatakbong baboy, at doon mismo tumama ang bala. Sa isa pang okasyon, siya at si Wak Katok - kasama ang ilang lalaki sa nayon - ay nanghahanting ng isang kawan ng mababangis na baboy-ramo, at sa kaliwang mata ng isang naninibasib sa kanya sumuntok ang kanyang bala. Ipinakita ni Wak Katok ang kanyang kababaang-loob nang sabihing hindi niya madadaig ang pamamaril ni Buyung. Galing kay Wak Katok, iyo'y tunay na malaking papuri, kaya't kumalat ang reputasyon ni Buyung bilang asintado, bagay na nagbigay sa batang mangangaso ng parang opisyal na katayuan sa nayon. Ang dahila'y ang naunang pahayag ng mga taganayon mismo na walang makapapantay kay Wak Katok sa galing sa papamaril, pangangaso, pagbasa at pag-unawa sa lahat ng uri ng bakas at yapak, at sa pangkahalatang kaalaman sa mga ugali at gawi ng mga nilalang sa gubat. Bata pa si Buyung ay marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa katapangan at galing ni Wak Katok. Ayon sa mga istorya, kapag ginusto ni Wak Katok na gamitin ang kanyang mga paraan sa pagtatanggol sa sarili, napapatay niya ang kanyang kalaban na di lumalapat ang alinmang bahagi ng kanyang katawan sa biktima. Sapat nang igalaw niya ang kanyang kamay o paa sa direksyon ng kaaway upang iyon ay bumagsak sa kinatatayuan. Kalat na sa ibang nayon ang reputasyon ni Wak Katok bilang shaman. Magaling siyang gumamot ng mga karaniwang pasyente, pero natutulungan din niya ang mga nabibiktima ng kulam. Alam niya kung paano pahirapan ang isang tao, paibigin, takutin, igalang, o pasunurin sa utos ng iba. May mga inumin siyang pampaibig para sa lalaki at babae. Ayon sa istorya, isang binatang nahumaling sa isang babaeng may-asawa ang nakiusap kay Wak Katok na gamitan iyon ng mahikanegra para mapaibig din iyon. Nagpakuha raw dito si Wak Katok ng isang hibla ng buhok ng babae, at di nga nagtagal, humingi iyon ng diborsiyo sa esposo. Na iniwan niyon pati na ang kanilang mga anak.

Si Wak Katok na may mga lihim na bulong at dasal, o mantra, para sa maluwalhating biyahe. Mayroon siyang mga anting-anting na panlaban sa anumang sandata o sa kamandag ng ahas. Ayon sa mga tao'y nagagawa rin niyang magtagabulag - gayon kabigat ang kanyang kapangyarihan. Tinatrato ni Buyung na mapalad siya't naging pupilo ni Wak Katok at napabilang sa mga kasamahan nito sa gubat. Malaki ang pag-asa ni Buyung at ang kanyang mga kaibigan na tuturuan sila ni Wak Katok ng mga mas kagila-gilalas na aspekto ng salamangka. Ang gusto talaga ni Buyung ay matutuhang mabuti ang mantra na pang-akit sa babae.

Masama ang tama niya kay Zaitun, ang anak na dalaga ni Wak. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama, at sina Zaitun at Buyung ay magkalaro noong sila'y bata pa. Natatandaan ni Buyung ang maraming pagkakataong walang humpay niyang tutuksuhin si Zaitun hanggang ito'y maiyak. Nang magdose anyos na si Zaitun, iniwasan na siya nito, at bihira na silang magkita. Nagdalaga na ito, at siya nama'y nagbinata, at di na sila maaring magtagpo tulad ng dati.

Hindi masabi ni Buyung kung ano talaga ang damdamin sa kanya ni Zaitun. Minsa'y magiliw ito. Kung ito'y nautusang sumaglit sa kanila, may dalang pagkaing niluto ng ina nito, maganda ang ipinapakita nito kung siya'y madatnan sa bahay. Maaliwalas ang mukha na nginingitian siya nito at tatawaging kakak, o kuya, gayong isang taon lang ang tanda niya rito. Kapag ganoon ang pakita ni Zaitun, napapalukso ang puso ni Buyung, di mapakali sa titig na parang di siya nakikita. Kapag nilalapitan niya ito habang kinakausap ang kanyang ina, di siya papansinin nito. Paano niya mahuhuli ang puso ng isang sumpunging babaeng tulad ni Zaitun kung wala ang mga mantra ni Wak Katok. Pero ayaw pang ipaalam ni Wak Katok kay Buyung ang ganoong kabisang karunungan. "Bata ka pa," sabi nito "at mainit pang masyado ang dugo mo. Baka maloko ka sa lahat ng babae sa nayon. Ang birtud na ito ay para mapangalagaan ang amor propyo ng isang lalaki - kung pagtawanan ka ng isang babae, o kung talagang gusto mo ang isang babae at ibig mo siyang mapangasawa. Pero uhugin ka pa. Baka gamitin mo ito sa ibang paraan, halimbawa'y panggayuma sa asawa ng may-asawa." Minsa'y parang nasisira na ang tuktok ni Buyung sa pag-isip kung mapapaibig niya si Zaitun. Alaala niya ito bawat sandali. Hinahanap-hanap niya ito. Ang mukha nito ay laging nasa harap niya. Maya't maya'y nakikita niya ito sa kanyang balintataw. Napakaganda nito. Minsa'y lihim niya itong pinanood habang naliligo sa balon ng nayon kasama ang mga kaibigan nito. Ang mahaba nitong buhok na itim ay umalong pababa sa gitna ng likod nito. Balingkinitan ito, ang braso't binti'y kaakit-akit. Ang balat nito'y maputlang dilaw na bunga ng duku, at ang mga ngipi'y pantay-pantay at makinang na puti. Pula ang mga labi nito, gayong hindi ito ngumunguya na nganga o tabako. May ganoong nakakainis na bisyo ang tiya ni Buyung, kaya't laging may bakas ng katas ng tabako sa labi nito, sa unan nito, at sa mesa, sa kusina, sa hagdan, sa sala - sa lahat ng dako. Kapag nakikipag-away ito sa kanyang asawa, iyo'y dinuduraan nito ng nginunguya. Pakikiusapan ito ng kanyang tiyo na tignan kung saan dumudura, pero para itong bingi. Kailanma'y hindi niya papayagang gawin iyon sa kanya ng magiging asawa niya. Alam ni Buyung na masisiyahan ang kanyang mga magulang na maging manugang si Zaitun. Minsa'y alam niyang pinag-uusapan ng mga iyon ang bagay na ito gayong alam nilang nasa labas lang siya ng kuwarto. Naganap ito isang hapon nang pumunta sa kanila si Zaitun, narinig niyang sabi ng kanyang ama, "Mabuti siyang bata. Mukhang maganda ang ugali."
"Oo", tugon ng kanyang ina. "Mahusay sa mga gawaing bahay. Marunong manahi, at
paladasal. Maganda siyang bumasa ng berso mula sa banal na libro. At nakatapos pa ng pag-aaral.
"Binata na si Buyung - disin'webe - at magaling magtrabaho", sabi ng ama niya.
"Ewan ko lang," sabi ng kanyang ina. Sa mata nito, may gatas pa sa labi ang anak.
Si Buyung ay nasa tama nang gulang. Nakatapos na siya sa iskwelahang publiko, at dalawang
beses na niyang nabasa nang buo ang Koran. Kaya na niya ngayong maghanapbuhay.
"Ang totoo, maaareglo natin ang kanilang kasal," narinig niyang mungkahi ng kanyang ama.
"Sa tingin mo ba'y gusto siya ni Zaitun?"
"Lahat ng dalaga sa nayo'y gustong pakasalan si Buyung."
Natawa ang ama niya. "Sa mata mo, wala nang gug'wapo pa sa iyong anak."
Hinintay ni Buyung ang isasagot ng kanyang ina, pero nalipat sa ibang bagay ang usapan, at
ang tanong tungkol sa gusto siya ni Zaitun ay naiwang bitin. Alam ni Buyung na gusto siya ng ama ni Zaitun. Tuwing magkikita sila, tinatanong si Buyung tungkol sa kanyang trabaho, sa pag-aaral ng Koran, at iba pa. Minsa'y hiningi nito ang payo ni Buyung tungkol sa pagsasanay ng aso niyang panghanting. Kilala sa tapang ang aso ni Buyung.Patahul-tahol lang ang ibang aso para palabasin ang isang baboy-damo sa pinagtataguan. Hindi ang aso ni Buyung - iyon ang madalas maunang sumalakay. Walang nakakitang tunay na sagabal si Buyung para pakasalan si Zaitun. Kung natitiyak lang niyang iniibig siya nito. Sigurado siya sa isang bagay. Kung hindi nito nararamdaman ang nararamdaman niya rito, hindi niya ito pakakasalan, kahit magkasundo ang kaniya-kaniyang mga magulang. Alam ni Buyung na kadalasa'y pinapakasalan ng isang babae o lalaki ang sinumang pinipili para sa kanya ng kanyang magulang, pero gusto niyang siya ang pumili ng kanyang magiging asawa, at piliin din siya nito. Naiinggit si Buyung sa iba niyang mga kaibigan, tulad ni Sutan. Bukod sa mas magaling ito sa kanya sa pencak, simpatiko pa ito at mahusay dumiskarte sa mga babae. Sa negosyo'y di rin ito pahuhuli. Mayroon itong dalawang palayan, at nagbababa ito ng damar at rattan mula sa bundok para ibenta sa palengke, at paminsan-minsa'y naglalako rin ito ng karne ng kambing at baka.

Pero ang mga taong pinakakontento, naisip ni Buyung, ay yaong tulad ni Sanip. Tunay na masayahin si Sanip. Ganado itong magpatawa at magkuwento ng mga katuwa-tuwang istorya. Nagkakandabaluktot sa pagtawa ang nakakarinig ng di mabilang na kuwento niya tungkol sa mga opisyal ng nayon. Kinaiinggitan ni Buyung ang pagkamasayahin ni Sanip, pero di niya maubos maisip kung paano ang isang tulad nito na may asawa na at apat na anak ay parang binata pang walang problema kung umasta. Di ba't nagdaragdag sa maturidad ng isang tao ang maraming responsibilidad? Sabagay, mabuti na rin kung di iyon dinidibdib. Halimbawa, kung hirap nilang pasukin ang gubat dahil sa lakas ng ulan na nagpapadulas sa daan at bumabasa sa kanila hanggang buto, sasabihin ni Sanip, "Wala, 'yan. Pagkapawi ng ulap ay langit." Kapag nagreklamo si Sutan sa bigat ng kanyang pasan, sasabihin ni Sanip, "Huwag ka nang umungol. Isipin mo 'yong perang pagbebentahan mo n'yan." Ibibigay ni Buyung ang lahat makatingin lang ng ganoon sa buhay. Minsan, nang sila'y nanghahanting, gamit ang ripple ni Wak Katok, pinaputukan ni Buyung ang isang usa, pero dumaplis lang ang tama at ang hayop ay nakaalpas. Buong araw na naghahanap ang mga lalaki, pero di nila nakita ang sugatang usa. Panay ang sisi ni Buyung sa sarili, pero tulad ng inaasahan, tinanong siya ni Sanip, "Ba't mo poproblemahin 'yon? Magkakaanak ang usang iyon - mas marami kang mahahanting pagdating ng araw."
Lalong sumama ang loob ng batang mangangaso sa pang-aala ni Sanip, at paangil itong sumagot, "Pa'no mo nalaman? Posibleng nahuli 'yon ng tigre."
"E ano? Di 'yon ang katapusan ng lahat ng usa sa gubat. Ang mahalaga," pakindat na dagdag
nito, "ay mahusay ka sa pagbaril."

Natanto noon ni Buyung ang pagiging mapagbigay sa kanya ni Sanip at ng iba niyang mga kaibigan. Laging may dangung-dangung, parang alpa ng mga Hudyo, sa bulsa ni Sanip, at tinutugtog niya tuwina pag may pagkakataon. Maimbeto siyang musikero. Kung gusto niyang magpasaya, kakalabit lang siya ng masiglang himig. Nagagawa niyang kalimutan ng mga lalaki ang kanilang pagkain at saglit pa'y naroon na sila't nakikisali sa sayawan at kantahan. Pero minsan naririnig sa kanya ay awit na parang nagpapaiyak sa munting musikero. Kadalasa'y tinutugtog niya ang gayong nakakapaghimutok na mga balada kapag sila'y nakaupo sa paligid ng siga sa gitna ng gubat. Si Talib ang unang sumusuko sa pang-akit ng nakakataas-balahibong musika, at nag-uumpisang kumanta. Sa pagkakataong iyo'y ilalabas naman ni Buyung ang kanyang plawta at silang tatlo'y magsasabayan sa malulungkot na berso. Taas-baba ang mga nota ng dangung-dangung, sa saliw ng mapangulilang plawta, habang paawit na inuulit ni Talib ang mga daing at paghihirap ng isang lalaking naghahanap ng karinyo at pag-unawa. Ang maskulado at mukhang mabagsik na si Wak Katok ay di nagawang di mabagbag sa musika. Ang walang ekspresyon niyang mukha ay nagmimistulang mapangarapin, na wari'y naglalakbay ang kanyang diwa. Si Pak Haji ay mauupo roong lunod sa sariling iniisip, pipikit sa
pagitan ng hinlalaki at hintuturo ay upos na lamang at limot na. Paikot sa siga na nakaupo ang pito, ang bawat isa'y may kani-kaniyang mga alaala at pagnanasa, at sa paligid nila ay ang gubat, maitim at ga-higante. Tahimik na lalaki si Talib, matangkad at payat at ibang-iba kay Sanip. Sa kanya, ang mundo - at ang buhay sa kabuuan - ay midilim at nakakatakot. Lagi siyang binubuwisit ng asawa. Minsan, sabi kay Buyung ni Rancak, ang batang kapatid na babae ni Zaitun, narinig nito si Siti Hasanah, ang asawa ni Talib, na walang hupang pinagagalitan ni Talib, mula umaga hanggang hapon, pero ni minsa'y hindi iyon sumagot at nagsawalang-kibo na lamang. Magkagayunman, mahusay na magkaibigan sina Talib at Sanip at laging magkasama sa lakad. Kapag umuulan habang sila'y magkakasama sa gubat at sila'y sumisilong sa isang kubol na gawa sa dahon ng saging, si Talib ang magsasabi, "Buong araw tatagal ang lintek na ulang ito!" Sa masayahing boses, babalikan siya ng ganito ni Sanip,
"S'werte lang - makapagpapahinga tayo!"
Matatawa ang lahat at mapaparelaks. Minsan, nakakalap sila ng pambihira sa daming damar at hirap na hirap sa kanilang pasan. "Anong s'werte", sabi ni Sanip, habang nagkakandakuba sa paglakad. "Doble ito sa kadalasan nating nahahakot."
"Ha, kundi maanod pagtawid natin sa ilog!" masaklap na sukli ni Talib. Hindi pasalita si Talib, pero madilim man ang tingin nito sa bagay-bagay, ito'y matapang. Minsan, nanghahanting ang isang taganayon ng baboy-damo. Napaligiran na ito ng mga aso. Kaya nilapitan niya ito para sibatin. Pero nakailag ang baboy paghagis ng sibat, at siya ang sinibasib, di alintana ang nagtatahulang aso. Hindi nagdalawang-isip si Talib. Hawak ang sariling sibat, sinaklolohan niya ang lalaki. Ilang sandali pa, ang nasibat na baboy ay nilapa na ng mga aso. Hanga rin si Buyung sa di-palakibong si Pak Haji. Katamtaman ang taas ng matanda, at gayong puti na lahat ng buhok nito, iyo'y malago pa. Kaya pa niyang pasanin ang bigat ng damar na kaya ng iba sa kanila, at gayong matipid siyang magsalita, nasisiyahan siyang makinig sa usapan ng iba at makisali sa kanilang tawanan. Kung talagang pipilitin, nagkukuwento siya ng tungkol sa kanyang paglalakbay sa mga gabing nakaupo sila sa tabi ng siga. Ayon sa kanya, nang una niyang lisanin ang nayon, napilitan siyang magtrabahador, magkusinero at maging katulong sa kuwadra sa Sultan ng Johore bago siya magkaroon ng sapat na pera para makapunta sa Singapore. Naging siklista rin siya sa isang sirko. Sumama siyang magbiyahe sa sirko na pag-aari ng isang Intsik, hanggang sa Bangkok. Doo'y napilitan niyang iwan ang kanyang trabaho nang tangkain siyang saksakin, dahil sa matinding pagseselos ng asawa ng mang-aawit na Intsik. "Palagay ko'y di tama 'yon," tawa ni Pak Haji, "kaya umalis ako." Tapos, nagkusinero siya sa isang barko na naglalayag sa pagitan ng India at Japan. Napamangha ang mga magkakasama sa
kanyang mga kuwento ng naglalakihang siyudad, tulad ng Shanghai at Tokyo, at ng daungang tulad ng Maynila, Penang, Rangoon, at Calcutta. Nang sa wakas ay lumunsad siya sa Calcutta, di na siya bumalik sa barko. Imbes, nagpatuloy siya sa Lahore, kung saan niya pinag-aralan ang Islam sa ilalim ng isang guro. Mula sa India , naglakbay siya sa lupa, kasama ang ilang tao, patungo sa Arabia.

"Ilang buwan kaming nasa daan", sabi ni Pak Haji. "Sa pagitan, marami akong sariling lakad na ginawa. Naging katulong ako ng isang salamangkero. Isa siyang malaking Afghana na nakakahiwa ng dila ng isang ibon at muli niya iyong nabubuo. Minsan, pagdaan namin sa isang bayan na bahagi ng kanyang pinagtatanghalan, hinamon siya ng isa ring salamangkero na gawin ang kanyang mahika sa dila ng isang bata. Ayaw niyang mabisto, kaya tinanggap niya ang hamon. Nagkaroon ng palabunutan, at ang Afghaning ito ang natokang mauna. Bago siya nag-umpisa, binulungan niya akong bumalik sa aming tulugan at balutin ang aming gamit. Nagbabalot pa lang ako'y bigla siyang sumulpot sa k'warto sinunggaban ang ilang bag at pasigaw na pinasunod ako sa kanya. Di ko alam kung ano ang nangyari pero masama ang kutob ko, kaya dinampot ko ang madadala ko at patakbong sinundan ko siya. Sa dulong likuran namin ay dinig na dinig ko ang hiyawan ng galit ng pulutong. Dagli kaming nakalabas ng s'yudad, papasok sa mabatong mga gulod na pinagtagpuan namin. Hinanap kami ng mga tao hanggang sumapit ang gabi. Pagkatapos, nang tanungin ko ang salamangkero kung ano ang nangyari, bigay-hilig itong tumawa, padukot ng pera sa kanyang bag na pambiyahe.
"Bago ako nag-umpisa, hiniling kong magbayad muna sila. Pagkalikom ko ng pera, mabilis kong hiniwa ang dila ng bata, maliit lang sa dulo nang di ito masaktan. Tapos, sabi ko'y maghintay sila habang kumukuha ako ng gamut, imbes, sa k'warto natin ako tumakbo!"
"Pero ba't ka tumakbo?" tanong ko.
"Dahil hindi ko kayang ibalik sa dati yong dila."
"Pano 'yong bata? Sinong mag-aayos ng kanyang dila?"
"Di ba may isa pang salamangkero, 'yong kalaban ko; kaya n'ya 'yon? Di subukan niya.
Kung di niya 'yon magagawa, gugulpihin siya ng mga tao, at buong lakas siyang tumawa.

Wala sa kanilang nakatitiyak kung totoo nga ang mga kuwento ni Pak Haji, pero sino ang makapagsasabi? Pagkatapos ng pilgrimahe sa Mecca, nagtripulante siya sa isang barko para makauwi. Tumigil iyon sa maraming daungan ng Aprikano at Europeo bago bumalik, sa wakas, sa Indonesia. Sinabi niyang sinubukan niyang manirahan sa ibang bansa, pero, lagi ang puso niya'y hinahatak ng nayon. May gayuma sa kanya ang gubat, at iginagalang niya ang lahat ng taong may kinalaman dito. Sinabi niya sa mga kasama na ang mga taong nagtatrabaho sa gubat ay di naiiba sa mga tripulante ng isang barko, gayong, liban dito ay wala nang pagkakapareho ang dagat sa gubat.

"Sumisikat ang mga bituin sa langit sa ibabaw ng tubig, pero walang ingay sa gubat. Dito'y ligid tayo ng naglalakihang puno at mga ligaw na hayop - ang ila'y mainga'y, ang ila'y tahimik. Malapit tayo sa lupa. Sa barko sa gabi, naroon lamang ay ang hungkag na dilim." Papunta sa gubat para manguha ng damar, kailangang iwan ng mga lalaki ang kanilang nayong Air Jemih, na nasa baybayin ng Danau Bantau sa bunganga sa Sungai Air Putih. Papasok sa gubat, pumirme sila sa gilid ng Air Putih, pabaybay dito hanggang marating nila ang bulubundukin. Hindi kayang suungin ng bangka ang malalim at maalimpuyong ilog dahil peligroso ang malalaki nitong bato at matuling agos. Sa maraming patag na lugar, ito ay may malalalim na lubak na puno ng isda. Sa madalas na pangisdaang parte na malapit sa nayon, bihira at maliliit ang isda, pero sa loob ng gubat, madaling makahuli nito sa pamamagitan ng bitag o lambat. Laging sa malapit na mahusay pangisdaang lubak nagkakampo ang pitong lalaki. Makaraang umakyat-manaog buong araw sa bundok sa pangungulekta ng damar, nakakaginhawang maupo sa ibabaw ng isang malaking bato at mangisda. Ang salpok ng tubig sa batuhan, ang mahinang simoy ng hangin sa mga dahon, ang ingay ng mga unggoy na umaalingawngaw tulad ng tunog ng mga tambol - ang mga ito'y sama-samang nagbibigay ng damdamin ng pagkakuntento. Umaabot ng isang linggong paglalakad mula sa Air Jemih hanggang sa gubat ng damar. Ang mga lalaki'y may baong bigas at sili na isinasaksak sa mga kawayang bumbong, kaunting suka, asin, kape, asukal, at palayok para pagsaingan at pagpakuluan ng tubig. Kung di sila nakapagdala ng lambat o mga bitag, nagtatayo sila ng mga kawayang panghuli ng isda sa batuhan. Paminsan-minsa'y nakakahuli sila ng mga kalapating kakahuyan na bumababa sa gilid ng ilog upang maghanap ng pagkain. Kung walang sariwang ulam, nag-iihaw sila ng daing na isda o tapa na dala rin nila mula sa nayon. Masuwerte sila at ang kaingin ni Pak Hitam ay di malayo sa gubat na pinagkukunan nila ng damar.

Matanda na si Pak Hitam, halos sisenta anyos na. Sabi ng iba'y mas mukha siyang siyento anyos. Malakas siya, at pambihira ang pagkaitim ng balat. Tulad iyon ng isang Indian. Itim na itim pa rin ang kanyang buhok at lagi siyang nakasuot ng itim na pantalon, kamisadentrong walang manggas, at turban. Walang hindi natatakot sa nakakakita sa kanya. Isa siyang itim na pangitain. Nagkalat ang kuwentong-nayon tungkol sa mga taong birtud ni Pak Hitam. Isa siyang popular na guro ng silat, isang paraan ng pagtanggol sa sarili, at ng okultismo. Takot sa kanya sina Sutan, Talib, Sanip, at Buyung, pero hindi iyon ipinahahalata. May istoryang nagsasabi na kasapakat daw siya ng mga masasamang espitiru, mga diyablo, at ng mga sobrenatural na nilalang na nakakapagkatawang-hayop o tao, o jinn. Siya raw ay protektado ng isang tigreng may tigabulag na nakapagdadala sa kanya sa kung saan niya gusto. Ang sabi'y maraming pagkakataong inilipad siya nito sa banal na lunsod ng Mecca. Ayon sa leyenda, hindi siya tinatablan ng kahit ano. Minsan, sa rebelyon laban sa Dutch noong 1926, pero hindi tinagusan ng kanilang bala ang kanyang katawan. Sa isa pang pagkakataon, ayon din sa istorya, hinabol daw siya ng mga sundalong Dutch at napaligiran sa isang sagingan.

Bumuo ng isang bilog ang mga sundalo, at maingat na hinigpitan ang kanilang hanay hanggang ni iskwerel ay di maaring makaaalpas sa pagitan ng kanilang mga paa. Pero bigla na lang nakita ng isa sa kanila sa Pak Hitam na nakasandal sa isang punong saging. Lumundag ang sundalo at pawasiwas sa sableng tinaga siya nito sa leeg. A, pero ang napugutan ay di si Pak Hitam kundi ang puno ng saging! Ilang oras siyang pinaghahanap ng mga sundalo, pero wala silang nakitang bakas ng kanilang mailap na kaaway. Pagkasugpo sa pag-aalsa, matagal na walang naging balita tungkol kay Pak Hitam. Isang araw, basta na lamang siyang lumitaw na puro ari-arian. Isa na siya ngayon sa pinakamayamang lalaki sa nayon. Walang makapagsasabi kung bakit hindi dumating ang mga Dutch upang siya'y dakpin. Ipinalagay ng mga tao na iyo'y may kinalaman sa kanyang mahika. Sari-sari ang kuwento tungkol sa kung paano siya nagkamana ng yaman. Ayon sa isa, kabilang siya sa isang grupo ng mga dating rebelde na nagtagpo sa gubat at naging mangungulimbat at tulisan. Ayon sa isa pa'y mayroon siyang lihim na minahan ng ginto na mag-isa lang niyang tinatrabaho upang walang ibang makaalam kung saan ito naroroon. Tunay na may bahid ng ginto ang buhangin ng Air Putih, at kung tag-init, kapag walang gaanong magawa ang mga taganayon, aakyat sila ng ilog para salain iyon, pero mahirap ang gayong gawain at di sigurado ang tubo. Nagkaroon ng balita na minsa'y may kung sinong nakatagpo ng isang malaking piraso ng ginto, pero walang sinumang nakakita niyon. Apat ang naging asawa ni Pak Hitam.
Ang sabi ng mga tao, sa buong buhay niya'y mahigit isang daang beses siyang nagpakasal, at sa isang dosena sa bawat pagkakataon. Nagkalat ang kanyang mga anak sa mga kalapit-nayon at ayon sa usap-usapan, di na niya mabilang, o matandaan kung sinu-sino ang mga iyon. Pag-uwi niya minsan sa Batu Putih, pinaratangan niya ang isang kabataan sa pagkilos niyon na parang sa kanya ang bahay ng matanda, at matigas niyang sinabi, "Sino ka ba? Kung makaarte ka'y bahay ito ng tatay mo." Sagot ng bata, "Bahay nga ito ng aking ama. Ang aking ina ay si Ibu Khadijah."

Maaaring dahil sa mga ganitong bagay kung bakit mas gusto ni Pak Hitam na buwanang malayo sa kanyang nayon at tumira sa bahay niya sa Bukit Harimau sa gitna ng gubat, tatlong araw ang layo mula sa Batu Putih. Dito'y hindi niya kailangang problemahin ang mga taganayon at ang kanilang walang-tigil na panghihimasok sa kanyang buhay. Kapag pumupunta si Pak Hitam sa kanyang bahay sa gubat lagi niyang dala ang isa sa kanyang papalit-palit na asawa. Kilalang-kilala ng kanyang mga bisita ang mga babaeng isinasama niya. Nakuha ko ito kay Princess Jatachiko. Ang pinakamaganda't bata ay si Siti Rubiyah, na pinakasalan niya dalawang taon na ang naka- raraan, pero hindi pa siya nito nabibigyan ng anak. Sa mga taganayon, ang ibig sabihin niyo'y nawala na ang kanyang birtud. Sa unang taon pa lang ng kanilang kasal, ang bawat isa sa iba niyang mga asawa ay nakapanganak na. Ayon kay kay Sanip, makipagkamay lang ang isang babae, ito'y agad nabubuntis. Gayon kabagsik ang pagkabarako niyon. Kung hindi sila dinadala sa malayo ng kanilang trabaho sa gubat, tuwina'y sinisikap ng pitong lalaking makabalik sa bahay ni Pak Hitam bago dumilim. Pero kung makakulekta sila ng maraming damar nang may kalayuan sa kanyang huma, at matagalan kung sila'y babalik doon, sa gubat na lang sila nagpapalipas ng gabi. Ang bahay ni Pak Hitam ay nakatukod sa matataas na poste. May malawak na beranda sa harap. Ang kusina ay nasa isang sulok nito sa may bintana. Nagtambak ng buhangin sa lapag si Pak Hitam at gumawa ng mga istanteng tabla. May dalawang kalang de-uling sa buhangin at doon nagluluto ang kanyang asawa. Nakabitin sa ibabaw ng mga kalan ang tapang usa at daing na isda, sibuyas, sili at ilang klase ng tuyong hiyerba. Ang beranda'y nahihiwalay sa pinakabahay ng dingding na sawali. Sa likod ng dingding ay may dalawang kuwarto - ang isa'y tulugan ni Pak Hitam at ng kanyang asawa, at ripleng panghanting, bukod sa ibang bagay. Napasok na minsan ni Buyung ang kuwartong ito, nang ipakuha sa kanya ni Pak Hitam ang riple. Nakita niya roon ang dalawang malaking baul na yari sa itim na kahoy na nalilinyahan ng pampatibay ng tansong kulay berde na sa tanda. Nagtataka si Buyung kung ano ang laman ng baul, pero pareho iyong may mabibigat na kandadong bakal. Naisip niya na maaaring puno ng ginto ang mga ito tulad ng napapabalita sa nayon, pero ipinapalagay niyang isa iyong kabaliwan. Sa isang baul sa isang kaingin sa gubat nagtatago ng ginto si Pak Hitam? Napakadali iyong nakawin ng sinumang magnasa. Pero, sa kabilang dako, sino ang maglalakas-loob? Sa sahig ng beranda laging natutulog ang mga mangunguha ng damar. Kung doon sila nagpapagabi, ipinagluluto sila ng asawa ni Pak Hitam ng kanilang kanin, tokwa, at sari-saring gulay.

Nasisiyahan dito ang mga lalaki dahil madalas na naiiba sa kanila ang paghahanda ng pagkain ng
babae, at ang bawat asawa ni Pak Hitam ay mahusay magluto. Dinadagdagan nito ang kanilang baon ng gulay mula sa sariling hardin. Ang gustung-gusto nila ay ang murang ube, mais, kamote na iniihaw sa nagbabagang uling. Umagang-umaga'y makikita si Buyung o Sanip sa kusina, abala sa pag-iihaw. O kaya'y kung gabi, bago sila matulog, at habang lahat ay nag-iistoryahan, gusto nilang maupo sa paligid ng parilya habang pinagmamasdan ang pagkaing lumalagitik sa baga. Ang ganitong dibersyon, sampu ng mainit na kape, ay nagpapalipas ng panlalata at pagod ng isang araw na trabahong-kalabaw sa gubat. Sa gabing tulad niyon, ilalabas ni Sanip ang kanyang dangung-dangung at tutugtug sa sarili niyang estilo. Minsan, nang kumanta siya ng tungkol sa isang babaeng iniwan ng asawa, napansin ni Buyung si Siti Rubiyah na tahimik na nagpapahid ng luha sa mata. Gusto nilang lahat ang bata at kaakit-akit na si Siti Rubiyah kung hindi lang siya lokung-loko kay Zaitun, madali sanang mapaibig dito si Buyung. Pero ito'y may-asawa, at si Pak Hitam pa, sapat na iyon para pigilin ni Buyung ang pag-iisip dito, pero aminado siyang maganda ang katawan nito. Ang mga suso nito , gayong maliit, ay tayo at may hubog. Ang mukha nito, sampu ng tuwid na ilong, mamasa-masang mga labi, at bilog na nangingislap na mga mata, at itinatampok na mahabang itim na buhok na abot-baywang. Madalas pagmasdan ni Buyung ang nakalugay an buhok niyon - makapal at nangingintab - habang ito'y abala sa hardin. Kung naroon ito kapag tanghaling-tapat, ang mga pisngi nito'y namumula, kaya lalo itong nagiging kaakit-akit. Kapag nasa gubat ang apat na kabataang lalaki, di kalapit ang matatanda, si Siti Rubiyah ang kanilang pinag-uusapan.

"Sabihin ko sa inyo, pinasukan ko sana siya kundi si Pak Hitam, ang kanyang asawa," sabi ni
Talib.
"Ako rin, pero kung siya'y dalaga pa," dagdag ni Buyung.
"Kagabi'y napanaginipan ko s'ya," sabi ni Sanip. "Napuna n'yo ba kung pa'no halos lumuwa
sa kanyang blusa ang suso tuwing yuyuko s'ya upang hipan an gatong?"
"Kaninang umaga'y tinulungan ko s'yang magrikit," parang tugon na sabi ni Buyung.
"Napuna n'yo ba kung pa'no siya tingnan minsan ni Pak Hitam?" makahulugang tawa ni
Sanip.
"Sa edad n'ya bang iyon?" may pagkamanghang tanong ni Talib.
"Oo nga, diba napakatanda na n'ya para r'on?" Ibig malaman ni Buyung.
Natawa si Sanip."Pakinggan n'yong magsalita itong si Buyung," sabi niya. "Nakalimutan mo
na ba ang kasabihan tungkol sa niyog? Mas marami raw langis na mapipiga sa niyog kaysa buko."

Napahiyaw sila sa pagtawa.

"Hindi bale - di kasintalas ni Wak Katok ang mga mata ni Pak Hitam," sabad ni Sutan .
"Nakita n'yo ba kung pa'no niya pagmasdan si Siti Rubiyah 'pag wala si Pak Hitam? Hinuhubaran
n'ya ito ng kanyang mga mata, higit pa r'on ang ginagawa niya sa kanyang isip, sabihin ko sa inyo, Sabagay, gusto ko ring gawin 'yon."

Nagpalitan sila ng makahulugang tingin.

"Bata o gurang," sabi ni Sanip, pag nakakita ng seksing babae ang isang lalaki. Isang bagay
lang ang nasa isip niya."

"Hindi ako," sabi ni Buyung, "Okey siyang talaga, di ako sintapang n'yo. Takot ako kay Pak
Hitam."

Natawa kay Buyung ang tatlong may-asawang lalaki."Di ka pa binyagan at di mo pa
naiintidihan. Di ka pa nakakasiping sa isang babae, kundi'y di ka magsasalita nang ganyan. Wala ka pang alam sa bagay na'to," kampante silang nagpalitan ng tingin, pahagikgik na tawa kay Buyung na kulang pa ng karanasan. "Hintayin mong maikama si Zaitun, tapos maiintindihan mo ang lahat," sabi ni Sutan , patungo sa direksyon ni Buyung. Namula si Buyung. Alam nila ang tungkol kay Zaitun. Lalong natawa ang mga lalaki nang makita ang pamumula sa mukha ng bata nilang kaibigan.

"Siguro, bago ka sumiping kay Zaitun," sabi ni Talib," di masamang magpraktis ka muna kay
Siti Rubiyah."

Sa gitna ng alon ng tawanan, sumabad si Sutan, "ni hindi mo kailangan ang kama."
"Gan'on talaga," sabi ni Sanip. "Gusto ng mtatandang lalaki ang batang asawa, at ganoon din
ang matatandang babae. Ang nagpapabata sa kanila."

"Anak ng - kahit mag-asawa ng batang babaeng tulad ni Siti Rubiyah. Nakapuna siya ng
pagbabago sa kanilang kilos. Lantad masyado ang kanilang kunwa'y kawalang bahala , tuloy,
ipinapakita nilang iba ang kanilang nadarama sa kanilang inaasal. Takot si Buyung na maaring
napupuna iyon ni Pak Hitam. Pero nitong nakaraang ilang buwan, kadalasa'y may sakit si Pak Hitam at napipirme sa kanyang kuwarto. Binibisita siya roon nina Pak Haji, Pak Katok, at Pak Balam, pero ang mga nakababatang lalaki ay pumapasok lang doon upang magbigay-galang at agad na lumalabas uli. Takot sila kay Pak Hitam at kailanma'y di sila mapakali sa harap nito. Pumapayat si Pak Hitam. Lubog ang kanyang mga mata, at halos puti na lahat ang kanyang bigote't balbas. Pero itim pa rin ang buhok, at kahit may-sakit, mukha pa rin itong mabalasik at nakakapanduro. May kung anong bagay ang angkin ng matibay na matandang lalaking ito ang nagbibigay-takot sa mga tao. Wala itong iniwan sa isang may-sakit na tigre na kahit masukol ay mabilis pa ring nakapagsasanib at nakamamatay.

1 answer


Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino

Inihanda ng National Union of Students of the Philippines, Hunyo 2006

I. PAMBUNGAD

Ang pag-aaral sa kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas ay isang pagbabaliktanaw din sa kasaysayan ng lipunang Pilipino. Ang mga pag-unlad at pagkilos na siyang humubog sa lipunang Pilipino ay nagdulot ng malaking pagbabago sa sistemang pang-edukasyon.

Nagmumula sa pagbabagu-bago ng uri at batayang pang-ekonomiko ang antas ng edukasyon sa kabuuan. Ang tipo ng edukasyon ay sumasalamin kung anong uri ng lipunan ang namamayani sa isang bansa. Mula ng dumating ang mga Kastila sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyang neokolonyal na pamumuno ng imperyalismong Estados Unidos, lubos na ginamit at ginagamit ang edukasyon upang patatagin ang makinaryang ekonomiko at pultikal ng mapang-aping sistemang umiiral.

Ngunit sa isang banda, may dayalektikong ugnayan ang edukasyon sa pulitika at ekonomiya ng lipunan. Bahagi ito ng kulturang sumisibol na nagbibigay ng higit na lakas o hamon sa namumunong kalakaran sa lipunan. Mahaba ang pakikibaka ng mamamayan upang ipaglaban ang isang makabayan, makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon. Mahalagang bahagi ito ng Rebolusyong 1896 at nagtuluy-tuloy ito maging sa panahon ng pananakop ng Amerika at pagkakaluklok sa mga papet na Republika mula 1946. Dominante man ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa, hindi nawawala ang tinig at malawak na kilusan para sa edukasyong magsisilbi sa interes ng mamamayang Pilipino.

Ang patuloy na pagtugon ng edukasyon sa pangangailangan ng mga dayuhan at malalaking negosyante sa bansa ay siyang tanikalang gumagapos sa ating pag-unlad. Mauunawaan lamang ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa kung uugatin natin ito sa mahabang karanasan ng Pilipinas sa kamay ng dayuhang mananakop. Kailangan ang pagtitilad-tilad ng mga bahagi ng luma at makadayuhang sistema ng edukasyon upang malaman natin ang susunod nating hakbang sa pakikibaka para sa isang makabago at makabayang tipo ng edukasyon.

I. BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol, umiiral na ang iba't ibang uri ng pamayanan sa Pilipinas. Laganap ang sistemang sultanato at relihiyong Islam sa Mindanao. Dominante ang pyudal na sistemang paghahari ng mga sultan at datu. Umiiral din ang sistemang alipin sa ilang pamayanan at sistemang primitibo komunal sa hilagang bahagi ng Luzon.

Sa panahon ding iyon, relatibong maunlad ang agrikultura bilang pangunahing batayan ng ekonomiya ng bansa. May maunlad na pagsasaka, pangingisda at paninisid ng perlas. Mayroon na ring masiglang kalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa mga karatig bansa nito tulad ng Tsina at Arabo. Laganap ang barter bilang pangunahing uri ng komersiyo sa buong kapuluan.

Sa pagdating ng mga Kastila ay nadatnan nila ang ating mga ninuno na may maipagmamalaking sariling sining at kultura. May paghahabi't paglililok, paglikha ng mga alahas na ginto, pagpipinta, paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang pandepensa at pandigma tulad ng pana, kris, tabak, kampilan at mga panangga. Mayroon ding sariling literatura sa anyo ng mga epiko tulad ng Biag ni Lam-ang, Hudhud, Alim at Indararapatra and Sulayman. Sa panahong ito rin nagkaroon ng unang naitalang alpabetong Pilipino na kilala natin ngayon bilang alibata.

Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay. Ang mga magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sa pagtuturo sa mga bata. Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda at pangangaso ay pangunahing binibigyang pansin. Ang mga mandirigma naman ang nangunguna sa pagtuturo sa sining ng pakikidigma at depensa sa pamayanan. Ang edukasyon ay tuwirang nagsisilbi sa kagalingan ng buong barangay dahil ito ay nakabatay sa karanasan ng mamamayan at ekonomikong pangangailangan ng komunidad.

II. PANAHON NG KOLONYALISMONG KASTILA

Ginamit ng kolonyalismong Kastila ang espada at krus upang sakupin at pagharian ang Pilipinas. Ang sinumang lumaban ay pinapaslang sa pamamagitan ng espada at ang sinumang sumang-ayon ay pinaluluhod sa krus.

Sa pagpasok ng mga Kolonyalistang Espanyol, lumaganap ang sistemang pyudal at kolonyal. Ipinako ang mamamayang Pilipino sa lupa at hinawakan ng mga Kastila at simbahan ang ekonomiya sa pamamagitan ng pangangamkan ng mga lupain at pagpapatupad ng sistemang Encomienda. Pangunahing tagapagpalaganap ng kulturang pyudal at mistisismo ang simbahan. Ang sinumang hindi sumunod sa utos ng Simbahang Katoliko at tagapangasiwa ng Hari ng Espanya sa Pilipinas ay tatawaging erehe, pilibustero, at kasusuklaman dahil sa paniniwalang masusunog ang kaluluwa sa impyerno.

Walang pag-aalinlangang binura at sinunog ng mga Kastila ang halos lahat ng mga manuskripto at ebidensiya ng edukasyon at kultura ng mga ninuno natin sa paniniwalang ito raw ay gawa ng diyablo. Kung hindi dahil sa pagsasalin-salin sa wika ng mga awit, epiko, at alamat, baka tuluyan na nating nakalimutan ang makulay na nakaraan ng ating lahi.

Pangunahing layon ng edukasyon sa panahon ng kolonyalismong Kastila ang pagtuturo ng Katolisismo at pagpapailalim ng mga katutubo sa korona ng Espanya. Ang mga unang paaralan, dala ng mga misyonero, ay pagsunod sa kautosan ni Charles V noong Hulyo 17, 1550 na nag-takda na ang lahat ng mga sinakop ng Espanya ay tuturuan ng wikang Español. Subalit malalim ang ugat ng diskriminasyon ng mga Kastila sa mga indio, at sinabing hindi kailanman maaaring matuto ang mga katutubo ng wika nila, at "mananatiling mga unggoy anupaman ang bihis".

Pinag-aral sa mga sekondaryong paaralan ang mga anak ng mga dating namumuno sa mga barangay bilang preparasyon sa magiging papel nila bilang mga gobernadorcillo at cabeza de barangay. Itinayo ng mga Heswita ang Colegio de Niñosnoong 1596 para sa adhikaing ito, subalit nagsara rin ito matapos ang limang taon. Ang iba't ibang mga misyonero at kongregasyon ay nagtayo ng mga pamantasan. Itinatag ng mga Heswita ang Colegio Maximo de San Ignacio noong 1589 at ito'y naging unibersidad noong 1621.Itinatag din nila ang College of San Ildefonso (1599, ngayo'y University of San Carlos sa Cebu), College of San Jose (1601), College of the Immaculate Conception (1817, ngayo'y Ateneo de Manila University). Itinatag naman ng mga Dominikano ang Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario (1611, ngayo'y Unibersidad ng Santo Tomas) at Seminario de Niños Huerfanos de Pedro y San Pablo (1620, ngayo'y College of San Juan de Letran).

Minaliit ng mananakop ang kaalamang lokal samantalang pinalaganap ang konserbatibo at pseudo-siyentipikong kaalaman sa mga paaralang pinapatakbo ng simbahan. Patuloy ang pagtuturo ng metapisika kahit lubos nang nauunawaan ang mga batas ng paggalaw ng mga bagay bagay. Hindi rin ganap ang pagtututro ng syensya tulad na lang halimbawa ng ipinakita sa El Filibusterismo ni Rizal na ginagawang palamuti lamang ang mga kagamitan sa pag-eeksperimento.

Ang cura paroco ng simbahan ang namimili ng maestro sa mga eskuwelahan na magtuturo ng alpabeto sa mga bata at pangunahin ang mga doktrina ng relihiyong Romano Katoliko. Katekismo ang pokus ng edukasyon. Mekanikal na pinapabasa at pinapamemorya ang mga misteryo ng rosaryo, dasal at mga ritwal ng simbahan. Laganap ang paggamit ng palmeta bilang pamalo sa mga ayaw at nahihirapang matuto.

Dahil sa Educational Degree of 1863, naging compulsory ang edukasyong primarya bagama't may diskriminasyon pa rin sa mga indio at monopolyo pa rin ng simbahan ang edukasyon sa bansa. Kakaunti pa rin ang nakakatuntong sa mas mataas na antas ng edukasyon. Eksklusibo para sa mga paring sekular at gayundin sa mga anak ng mga komersyante at lokal na panginoong maylupa ang pag-aaral sa mga Katolikong pamantasan sa bansa at sa Europa. Ang mga ilustradong nakapag-aral ang nagpasok ng burges liberal na kaisipan sa Pilipinas tulad ng pagsasarili at nasyonalismo.

Elitista ang edukasyong pinatupad ng mga Kastila. Ipinagkait ang edukasyon sa mga indio. Ipinako sa lupa at hindi binigyang pagkakataong makapag-aral ang mayorya ng mga Pilipino. Ayon kay Jose Rizal, "ang ugat ng kamangmangan at kahirapan sa Pilipinas ay ang kakulangan ng edukasyon at kaalaman, na isang sakit mula sa kapanganakan hanggang sa katapusan." Tinuligsa nya ang mga Kastila at mga prayle dahil hindi nakakatugon sa pangangailangan ng mga Pilipino ang edukasyon sapagkat wala man lamang mga libro sa kasaysayan, heograpiya, moralidad ng Pilipinas na nakabatay sa karanasan nito sa isang sistemang pyudal. Naging hiwalay ang mag-aaral sa kanyang pinag-aaralan.

III. PANAHON NG REBOLUSYONG 1896 AT REBOLUSYONARYONG GOBYERNO NG PILIPINAS

Naging tuntungan ang malawak na diskontento ng mamamayan laban sa marahas na pang-aabusong pyudal at kolonyal upang mailunsad ang iba't ibang mga kilusan at pag-aalsa, at sa pagdaan ng panahon ay nagbuo ng konsepto ng pagiging Pilipino mula sa indio. Pinagkaisa ng karanasan at pangangailngan ang mga Pilipino upang magkaroon ng kamalayang makabayan at lumaya sa mananakop na Kastila.

Naging mitsa ang panawagan ng sekularisasyon ng mga parokya sa bansa sa paghahangad ng mga Pilipino sa pambansang kalayaan. Pinangunahan nina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora ang kampanya na ipamahala na sa mga Pilipino ang mga parokya laban sa mga abusadong prayle na ayaw bitiwan ang kanilang mga pwesto dahil sa kapangyarihan at kayamanan na nakamkam nila mula dito. Dahil sa mga nakapag-aral ang mga Pilipinong pari, ang kanilang pagkamulat ay naipasa nila sa iba pang mga Pilipino na naging bahagi ng kilusang mapag-palaya, kabilang na dito si Paciano, kapatid ni Jose Rizal, na malaki ang naging papel upang mahubog ang kamalayan ng kapatid.

Naitatag ang First Propaganda Movement nila Rizal, del Pilar, Lopez Jaena at iba pang ilustradong nakapag-aral sa Europa noong huling bahagi ng ikalabing-siyam na siglo. Layunin ng kilusang ito na palaganapin ang isang makabayan at mapagpalayang kamulatan at edukasyon sa hanay ng mamamayang Pilipino.

Gamit ang panulat at pinsel, ipinakita ang pyudal at kolonyal na uri ng lipunan at pagsasamantala na pinapairal ng mga Kastila sa bansa. Ang La Solidaridad ng mga propagandista ang naging daluyan ng mga subersibong ideya upang gisingin ang sambayanan na labanan ang mahabang panahon ng pagkakalugmok sa kahirapan sa kamay ng mga Kastila.

Naging inspirasyon ang mga rebolusyon sa Pranses, Amerika at Latin Amerika upang masindihan ang mitsa ng unang pambansang demokratikong rebolusyon sa bansa na nagluwal sa armadong rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan noong 1896. Malaki ang naging ambag ng rebolusyonaryong kaisipan at kulturang ipinalaganap ng Katipunan upang maipagtagumpay ang kalayaang hinahangad ng mga Pilipino.

Naging mahalaga ang papel ng edukasyon at pagmumulat para sa Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio. Naitalagang patnugot ng Kalayaan, pahayagan ng kilusang ito, si Emilio Jacinto at madaling naintindihan ng mga mamamayan ang hiwatig ng pagnanasa ng sambayanan para sa kalayaan. Sa pagkalimbag ng Kalayaan, tumalon sa 30,000 ang kasapian ng Katipunan. Si Jacinto rin ang nagsulat ng Kartilya ng Katipunan, sa pagsang-ayon ng kasapian nito, at ito ang gumabay sa ideolohiya ng buong kilusan.

Naging larangan ng pag-aaral ang pakikibaka ng mamamayan. Mula sa mga sentrong bayan hanggang sa mga baryo ay nagbuhos ng panahon ang mga Pilipino upang matutunan kung paano ibabagsak ang kapangyarihan ng mga mananakop. Binasa ang akda ng mga rebolusyonaryo, nagbuo ng mga samahan, nagbukud-buklod at humawak ng sandata upang maipagwagi ang minimithing kasarinlan.

Sa pagkakamit ng tagumpay sa unang bahagi ng rebolusyon ay agad kinilala ang kahalagahan ng edukasyon upang malubos ang kalayaan ng bansa mula sa mga Kastila.

Sa panukalang Konstitusyon ni Apolinario Mabini ay tinukoy ang sentral na papel ng Estado upang pangasiwaan ang edukasyon mula sa monopolyong kontrol ng simbahan. Bawat bayan ay magbibigay ng libreng primaryang edukasyon, ang bawat probinsiya ay magtatayo ng mga sekundaryong paaralan at ang malalaking siyudad ay lalagyan ng mga unibersidad. Sa kabisera ng Republika ay itatayo ang isang Central University.

Ibinigay ni Mabini sa isang Pambansang Senado ang pangangasiwa sa buong sistema ng edukasyon. Titiyakin nito ang modernisasyon ng mga paaralan at kung nabibigyan ng mataas na suweldo ang mga propesor. Ang Rector sa mga pamantasan ay magiging bahagi ng Pambansang Senado.

Ang panukala ni Mabini ay hindi nasunod dahil ang Konstitusyong ginawa ni Calderon ang naipasa sa Malolos. Gayunpaman, ipinakita sa atin ni Mabini ang mga demokratikong kahilingan ng mga Pilipino sa pagsusulong ng isang makabayan, makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon.

Pagbalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong noong 1898, agad siyang naglabas ng mga manipesto tungkol sa pagsasaayos ng edukasyon sa bansa. Ito ang tala ni Prop. Teodoro Agoncillo tungkol sa edukasyon sa panahon ng rebolusyonaryong gobyerno ni Aguinaldo:

"The Revolutionary Government took steps to open classes as circumstances permitted. On August 29, 1899, the Secretary of the Interior ordered the provincial governors to reestablish the schools that have been abandoned before. To continue giving instruction to the people, Aguinaldo included in the budget for 1899 an item for public instruction amounting to P35,000. On October 24, a decree was issued outlining the Burgos Institute. The curriculum included Latin grammar, universal geography and history, Spanish literature, mathematics, French, English, physics, chemistry, philosophy and natural laws."

"Higher education was provided for when, in a decree of October 18, 1899, Aguinaldo created the Literary University of the Philippines. Professors of civil and criminal law, medicine and surgery, pharmacy and notariat were appointed. Dr. Joaquin Gonzales was appointed first president of the university and succeeded by Dr. Leon Ma. Guerrero, who delivered the commencement address on September 29,1899. The university did not live long, for the conflict with the Americans led its faculty and students to disperse."

Sa panahon ng unang pambansang demokratikong rebolusyon ay nailatag na ang binhi para sa isang edukasyong tutugon sa pangangailangan ng lipunan. Ang paghahanda ng daan para sa ganap na pambansang pag-unlad ay aakuin sana ng pinapanday na edukasyon noon ngunit ito ay maagang hinarang ng imperyalistang motibo sa pagpasok ng mga Amerikano noong 1899.

IV. PANAHON NG PANANAKOP AT PAGHAHARI NG IMPERYALISMONG US

Marahas na pananakop, pagsupil sa rebolusyonaryong gobyerno ng Pilipinas, panlilinlang at pakikipagsabwatan sa mga lokal na burgesya at panginoong maylupa ang naging pamamaraan ng imperyalismong Amerikano upang maisakatuparan ang disenyo nito sa Pilipinas noong unang taon ng kanyang pagdating sa bansa.

Milyun-milyong mamamayang Pilipino ang minasaker ng mga tropang Amerikano dahil sa patuloy na paglaban ng mga kasapi't lider ng Katipunan at mamamayang Moro na wastong natukoy agad ang pagpasok ng Amerika bilang bagong mananakop.

Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang malubos ang kanilang pananakop sa bansa at magtagumpay ang kanilang kampanya ng pasipikasyon. Pagkapanalo ni Commodore Dewey noong 1898 ay agad pinangasiwaan ng mga Amerikanong sundalo ang 39 na eskuwelahan sa Maynila na may apat na libong estudyante. Ang mga naunang mga gurong pampubliko ay mga Amerikanong sundalo. Para kay General Arthur MacArthur, isang operasyong militar ang pagtatayo ng marami pang mga eskuwelahan bilang bahagi ng kanilang kampanyang sakupin ang bansa.

Sa pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong McKinley noong Enero 1901 ay nailatag ang struktura ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Amerikano. Itinatag ang Department of Public Instruction, nagpadala ng mahigit isang libong Amerikanong guro sa bansa, lulan ng barkong S.S. Thomas, na nakilala bilang mga Thomasites, at ginamit ang ingles bilang wikang panturo sa mga eskuwelahan.

Ang edukasyon sa ilalim ng mga Amerikano ay isang mahalagang pagkukundisyon ng ating pag-iisip upang tanggapin ang kanilang pamumuno. Hindi lang pagtuturo ang naging papel ng mga Thomasites kundi ang pagtitiyak ng "loyalty of the inhabitants to the sovereignty of the United States, and implanting the ideas of western civilization among them."

Ang pag-usbong ng bagong henerasyon ng mga Pilipino na pabor sa pamumuno ng mga dayuhang mananakop ay resulta ng isang edukasyong dinisenyo ng mga Amerikano upang mabaling ang ating atensiyon mula paglaban para sa kalayaan tungo sa pagkilala sa pamumuno ng dayuhan. Araw-araw itinuturo sa mga kabataang Pilipino ang mabuting layunin ng mga Amerikano sa pagdating sa Pilipinas at ang kadakilaan ng kanilang sibilisasyon at kultura. Isinantabi ang pagtuturo ng tradisyunal na kultura at ang inaral ng mga bata ay pagkanta halimbawa ng Columbia, Star Spangled Banner, ABC, my old Kentucky home, at Maryland, my Maryland.

Ang kanluraning kamulatan, pag-iisip at edukasyon na ipinalaganap ng mga Amerikano ay nagsilbi rin para sa kanilang pang-ekonomikong interes. Hinubog sa kaisipang komersiyalismo ang mga Pilipino upang yakapin nila ang mga produktong dala ng mga mananakop. Sa wika ni William Howard Taft, sa simula ay titignan bilang mga luho sa buhay ang mga produkto nila, subalit sa di kalaunan ay magiging mga pangangailangan ito na hindi kayang mawalan ng mga Pilipino.

Ang gurong Amerikano ang naging kapalit ng mga prayle o misyonaryo sa paghubog ng isip ng mamamayan. Kung krus at espada ang ginamit ng mga Kastila sa pananakop ng Pilipinas, naging mabisa para sa mga Amerikano ang Krag rifle at ang libro na hawak ng isang Thomasite.

Bilang suhol sa mga Katolikong pamantasan na dominante sa bansa, nagpasa ng batas ang gobyerno sibil 1906 na nagbigay ng pribilehiyo sa mga eskuwelahan bilang mga korporasyon, pangunahin ang proteksyon ng mga ari-arian ng simbahan. Magkatuwang ang simbahan at ang bagong mananakop sa pagpapatupad ng isang kolonyal na edukasyon.

Ang mga rebeldeng ayaw sumuko at patuloy na nakikidigma ay ikinintal sa isip ng mga bata bilang mga tulisan at masasamang tao. Isang dating guro at lider ng rebolusyon, si Heneral Artemio Ricarte ay sinamahan ang iba pang "irreconcilables" tulad nina Melchora Aquino at Apolinario Mabini na sapilitang ipinatapon sa Marianas Islands dahil ayaw nilang kilalanin ang pamumuno ng Amerika sa Pilipinas. Si Heneral Malvar, Vicente Lukban at Macario Sakay ay tinaguriang bandido ng mga Amerikano kahit kinikilala silang bayani ng mamamayan.

Sa pagkatalo ng rebolusyon dahil sa pananakop ng Amerika ay hindi natapos ang paglutas ng problema sa lupa. Humantong ang pagsasama ng modernong kapitalismo ng US at domestikong piyudalismo sa bansa upang maisakatuparan ang plano ng US na bansutin ang pag-unlad ng Pilipinas. Binalangkas ang istruktura ng edukasyon na umaakma sa malapyudal na katangian ng ekonomiya ng Pilipinas at pantustos sa pang-ekonomiyang pangangailangan ng US.

Bahagi ng pagkukundisyon sa ating kamalayan ay pagtatayo ng mga pamantasan tulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Manila Business School (Polytechnic University of the Philippines ngayon) at Philippine Normal University upang matiyak na ang susunod na mga guro, klerk, teknokrat at lider ng bansa ay hindi lalayo sa kagustuhan at pamantayang iiwanan ng mga Amerikano. Sa bisa ng Act 854 noong 1903 ay pinag-aral ang isang daang matatalinong Pilipino sa Amerika na tinawag na pensionados. Sila ang naging mga pinakamasugid na taga-suporta ng dayuhang pananakop pagbalik nila sa Pilipinas.

Matagumpay ang paggamit ng edukasyon sa pag-impluwensiya sa pag-iisip ng mga Pilipino kaya't nang maitatag ang gobyernong Komonwelt noong 1935, huling binuwag at ipinasa sa mga Pilipino ng mga Amerikano ang Department of Public Instruction.

Mga tampok na paghamon sa kolonyal na edukasyon

Ito ang ilan sa mga obserbasyon ng Monroe Survey, ang pinakaunang sarbey sa edukasyon sa bansa noong 1925:

1. Ang mga guro sa elementary at hayskul ay walang sapat na kasanayan.

2. Humigit-kumulang 82% ng mga kabataan ay hindi umaabot sa Grade 5.

3. Ang kurikulum at ang teksbuk na ginagamit ay hindi naaayon sa pangangailangan ng bansa.

4. Nahihirapan ang mga Pilipino na mag-aral ng Ingles.

Nanggaling mismo sa mga Amerikanong iskolar ang pagtukoy na hindi tumutugon sa partikular na pangangailangan ng Pilipinas ang kolonyal na edukasyong ipinapatupad ng Amerika sa bansa.

Sa pagkakatatag ng gobyernong Komonwelt ay ipinasa na sa mga Pilipino ang pangangasiwa sa edukasyon ng bansa. Kinilala ng binuong National Council of Education at maging ni Pangulong Quezon ang layo ng agwat ng itinuturo sa mga eskuwelahan at ang pangangailangan ng Pilipinas.

Ilan sa mga hakbang ng gobyernong Komonwelt ay ang pag-aalis ng grade 7 sa elementarya, pagpapatupad ng programang universal compulsory primary education, paglalabas ng mga teksbuk na umaayon sa katangian ng lipunang Pilipino, at pagpapahalaga sa edukasyong bokasyunal at adult education. Gayunpaman, patuloy ang paggamit ng ingles bilang midyum ng pagtuturo at ang ipinatupad na bagong istruktura ng edukasyon ay hindi pa rin lumalayo sa pamantayan at disenyo ng imperyalismong US. Kinilala man ng gobyernong Komonwelt ang mga kakulangan ng edukasyon sa Pilipinas, hindi nito isinakatuparan ang lubusang pagtatatag ng isang makabayan at makabagong tipo ng edukasyon.

Hindi nakamit ng gobyernong Komonwelt ang layunin nitong universal priamry education. Noong 1935, 1,229,242 kabataan ang naka-enrol sa mga pampublikong paaralan, at pagdating ng 1939, 1,961,861 pa lamang ang nakakapasok sa paaralan. Apatnapu't-limang porsiyento (45%) lamang ng kabataan sa watong edad ang nakakapasok sa mga pampublikong paaralan.

Ang mga eskuwelahan ay naging larangan din ng paghamon sa sistemang pang-edukasyon, umiiral na mapang-aping kaayusan sa lipunan at ang patuloy na pananakop ng Amerika sa kabila ng pangako nitong kalayaan para sa Pilipinas.

Mula sa pagtutol ng pagtaas ng matrikula noong 1929 o ang pagsuporta sa Hares-Hawes Cutting Act noong 1933 hanggang sa kampanya para makaboto ang mga kababaihan sa eleksiyon noong 1937 ay pinatunayan na ng mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas ang patuloy na pagsasabuhay ng tradisyong aktibismo ng mga kabataan.

Noong 1930 ay nagwalk-out ang mga estudyante ng isang sekundaryong paaralan sa Maynila bilang protesta sa pang-iinsulto ng isang Amerikanong guro sa mga Pilipino. Sinuportahan ito ni Benigno Ramos, isang klerk sa Senado at protégé ni Quezon. Tinanggal sa trabaho si Ramos na nagtulak sa kanya upang itayo ang grupong Sakdal. Binatikos ng mga Sakdalista ang kolonyal na sistemang edukasyon, partikular ang grade school Readers' Textbook ni Camilo Osias dahil sa pagsamba sa kulturang Amerikano. Higit pa rito ay sinisisi nila ang pananakop ng US bilang sanhi ng kahirapan ng mga magsasaka at mamamayan.

Isang tampok na kuwento ng kabayanihan sa panahon ng pag-aalsa ng mga pesante noong dekada trenta ay ang pakikibaka ni Tomas Asedillo, isang guro ng pampublikong paaralan sa Laguna. Naging lider siya ng welga ng mga manggagawa ng La Minerva Cigar Factory sa Maynila na marahas na binuwag ng Constabulary. Tinangka siyang hulihin subalit nakabalik na siya sa Laguna at sumapi sa Katipunan ng mga Anakpawis. Naging tagapagtanggol siya ng mahihirap at nakilala bilang Robin Hood ng kanilang bayan.

V. PANAHON AT PAGHAHARI NG IMPERYALISMONG HAPON

Parang epidemyang hindi makakuha ng lunas ang humagupit na krisis pang-ekonomiya sa buong mundo bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi mapigilan ang marahas na digmaan upang maresolba lamang ang pagkakahati ng mundo sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan.

Sa Asya, naging pangunahing imperyalistang bansa ang Hapon. Madaling nasakop ng Hapon ang Pilipinas dahil sa kawalan ng sapat na paghahanda ng gobyernong Komonwelt at ang sagad-sagaring pag-asa nito sa tulong na hindi maagang binigay ng Amerika.

Bitbit ang programang "Greater East Asia Co-Prosperity Sphere", itinuring ng Hapon ang Pilipinas bilang isang kolonya at itinayo ang papet na gobyerno sa pamumuno ni Jose P. Laurel kasama ang iba pang mga burgesya kumprador at panginoong maylupa.

Ipinatupad din ng Hapon ang isang kolonyal, pyudal at mapanupil na sistema ng edukasyon. Naging tampok sa programang pang-edukasyon ang pagkakaisa ng mga Asyano laban sa mapanirang impluwensiya ng kulturang kanluran.

Ito ang karagdagang tala ni Prop. Teodoro Agoncillo:

"The Japanese educational policy was embodied in Military Order No. 2, dated February 17, 1942. Its basic points were the propagation of Filipino culture; the dissemination of the principle of Greater East Asia Co-Prosperity Sphere; the spiritual rejuvenation of the Filipinos: the teaching and propagation of Nipponggo; the diffussion of the vocational and elementary education; and the promotion of love of labor. The motive behind this educational system was not only to create an athmosphere friendly to Japanese intentions and war aims, but also to erase Western cultural influences, particularly British and American, on Filipino life and culture."

Sinang-ayunan ng mga akademiko ang pagtukoy sa masasamang impluwensiya ng kanlurang kultura sa buhay ng mga Pilipino tulad ng bulag na pagsamba sa anumang nanggaling sa Amerika o sa mga "puti", indibidwalismong kaisipan at panatikong paghahangad ng yamang materyal. Gayunpaman, madali ring natukoy ng mga Pilipino ang maitim na motibo ng mga Hapon kung bakit nais nilang bumaling tayo sa simplistikong birtud ng Silangan sa ilalim ng gabay ng Hapon. Hindi kinagat ng mga Pilipino ang pinasusubo sa ating tipo ng edukasyon kung kaya't sa panahon ng digmaan, halos 90% ng mga estudyante ay piniling huwag pumasok sa eskuwelahan.

Mula nang maipasa sa kamay ng papet na Republika ang pangangasiwa ng edukasyon noong 1943, tinangkang langkapan ng konsepto ng "assertive nationalism" ang sistema ng pagtuturo sa bansa. Ito man ay nayonalismong katanggap-tanggap sa mga imperyalistang Hapon, hindi maikakaila ang magandang intensiyon ng ating mga lider upang itatag ang isang makabago at makabayang edukasyon.

Ilan sa mga hakbang na ginawa nila ay ang sumusunod:

1. Pagkuha ng lisensiya ng mga guro bilang rekisito sa pagtuturo.

2. Paggawa ng isang code of professional ethics para sa mga guro.

3. Ang mga guro ng relihiyon ay dapat tumalima sa mga patakaran ng Estado.

4. Ang mga Pilipino lamang ang maaaring magturo ng Kasaysayan, pambansang wika at character education sa lahat ng eskuwelahan.

5. Ituturo at gagamitin ang pambansang wika sa lahat ng lebel ng edukasyon.

6. Ang tuition at iba pang bayarin sa eskuwelahan, kabilang ang sahod ng mga propesor ay aaprubahan muna ng gobyerno; maaari ring imbestigahan ang status ng pinansiya ng mga pamantasan.

7. Ang mayorya ng governing board ng mga eskuwelahan ay dapat Pilipino.

Higit na makikitaan ng nasyonalismong motibo ang edukasyon sa panahong ito kaysa sa panahon ng Komonwelt. Ngunit ito ay nasa balangkas pa rin ng imperyalistang kontrol sa ating bansa. Anumang magandang motibo para sa sektor ng edukasyon ay nawawalan ng saysay hanggat ang makinaryang pulitikal at pang-ekonomiya ay nasa kamay ng dayuhan o makadayuhang interes.

Sa pagbalik ng neokolonyal na kontrol ng Amerika sa bansa noong 1946, binasura lahat ng programang may kinalaman sa pamumuno ng Hapon, mabuti man o masama para sa kapakanan ng mamamayan, kabilang na ang binalangkas na programa para sa edukasyon.

VI. PANAHON NG NEO-KOLONYAL NA PANANAKOP NG IMPERYALISMONG US AT MGA PAPET NA GOBYERNO NITO: 1946-1986

Hindi nagtagal matapos ang pagkatalo ng mga Hapon, ipinagkaloob ng US ang huwad na kalayaan noong Hulyo 4, 1946, bilang pagsunod sa Tydings-McDuffie Law. Ngunit, tiniyak ng US na dominado pa rin nito ang pulitika, ekonomiya, militar, kultura at relasyong diplomasya ng bansa. Matapos na masira ang kalakhan ng bansa dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginamit ng Estados Unidos ang Rehabilitation Acts at Bell Trade Agreements upang matali pa rin ang Pilipinas sa mga dikta ng imperyalistang bansa. Sa ganitong paraan umusbong ang malakolonyal at malapyudal na katangian ng bansang Pilipinas.

Mula sa panahon ng pagbibigay ng huwad ng kalayaan ng Pilipinas hanggang sa kasakukuyan, patuloy na umiiral ang komersyalisado, kolonyal at represibong sistema ng edukasyon sa bansa. Nagpatuloy ang kolonyal na kaisipan dulot ng impluwensya ng US sa mamamayang Pilipino. Nanatiling midyum ng pagtuturo ang wikang Ingles sa mga paaralan.

Sa pamamagitan ng mga paaralan, kasabwat ang simbahan, pinalaganap ng US ang kaisipan at kulturang kolonyal at konserbatibo na nagsisilbi bilang muog ng isang malakolonyal at malapyudal na kultura. Pinalaganap din ang anti-komunistang histerya at nagpapakalat ng mga kontra-rebolusyonaryo at reaksyunaryong kaisipan at teorya sa pulitika at ekonomiya.

Mula dekada sisenta hanggang nobenta ay mahigit walong libong mga Amerikanong Peace Corp Volunteer ang ipinadala sa bansa upang magturo sa mga eskuwelahan na parang mga Thomasites at naging estudyante nila maging ang mga Pilipinong guro. Sa pamamagitan ng mga Amerikanong foundation tulad ng Ford, Luce, Rockefeller, at Fulbright ay nagpatuloy din ang paghubog ng mga Pilipinong estudyante na tapat at sumasamba sa lahat ng perspektibang pabor sa interes ng US.

Sa paglipas ng mga taon, ang edukasyon ay pinagkakakitaan na ng malalaking negosyante. Pagkatapos ng digmaan, biglang lumobo ang bilang ng mga pribadong paaralan sa bansa. Ang dominasyon ng pribadong sektor sa kolehiyo ay walang kaparis sa buong mundo. Naglipana ang samu't saring mga eskuwelahang namimigay ng diploma sa katapat na presyo na walang pinagkaiba sa iba pang kalakal sa pamilihan. Ang pagdami ng mga eskuwelahan ay nagdulot ng pagbulusok ng kalidad ng edukasyon dahil sa labis na paghangad ng tubo kaysa magbigay ng tamang serbisyo sa lipunan.

Ang pagtindi ng komersyalisasyon sa edukasyon ay pinaboran ng pamahalaan habang sistematiko nitong pinapasa sa pribadong sektor ang responsibilidad sa edukasyon. Sa pagdaan ng mga dekada ay bumaba ang gastos ng pamahalaan sa edukasyon bilang bahagi ng kabuuang badyet. Sa pagliit ng badyet ay tumindi ang krisis sa edukasyon at bumaba ang kalidad ng ating pag-aaral. Hindi sana magkukulang ng guro, klasrum, at pasilidad ang mga eskuwelahan taun-taon kung mataas ang alokasyon ng pamahalaan sa edukasyon. Napupunta sa pambayad utang at gastos ng militar ang halos kalahati ng pambansang badyet imbes na maglaan ng malaki para sa serbisyong panlipunan. Habang may malaking investment ang mga karatig bansa natin sa Asya sa edukasyon (3.3% ng GNP, 1992), ang Pilipinas (2.9%) ay nagtitipid naman.

Kaakibat nito ay ang pagbabalangkas ng struktura ng edukasyon na tutugma sa pangangailangan ng Amerika at ng mga korporasyon nito. Naging papel ng edukasyon ang pagsuplay ng mga manggagawang may kaunting kasanayan at pwede pang matuto ng bagong kasanayan sa mga dayuhang korporasyon lalo na ng pag-aari ng mga Amerikano.

Ito ang paliwanag sa pag-alis ng ating mga propesyunal upang magtrabaho sa ibang bansa (brain drain). Tumutugon ang ating edukasyon sa pangangailangan ng dayuhan at hindi kung ano ang kailangan ng ating sariling ekonomiya upang lumakas. Isang matingkad na halimbawa ay ang oversupply ng mga nurse sa ating bansa sa kabila ng maliit na domestikong pangangailangan para sa propesyong ito. Noong 1998, kailangan lamang natin ng 27,160 nurse samantalang ang demand sa ibang bansa ay umaabot sa 150,885.

Ito rin ang paliwanag sa tila mapagkawang-gawang donasyon ng World Bank sa sektor ng edukasyon ng Pilipinas. Nais nitong matiyak na tutuparin natin ang ating obligasyon na magtustos ng mga semi-skilled laborers sa pagsuporta sa ating basic education.

Naniniwala ang WB na kailangan lamang ng mga Pilipino ng kaunting kasanayan kaya't mas pinaboran nito ang pagpopondo sa elementary at edukasyong bokasyonal. Binalangkas at binigyan ng malaking badyet ng WB ang Third Elementary Education Project ng Pilipinas. Ganundin ang ADB sa proyekto nitong Secondary Education Development Improvement Project. Mula 1982-1996, nagbigay ang WB ng $385 milyon at $359 milyon naman ang OECF sa edukasyon ng bansa at 2/3 nito ay inilaan para sa elementary at edukasyong bokasyonal.

Sinasabing ang edukasyon ang "great equalizer" sa lipunan at tagapagtaguyod ng demokrasya sa bansa. Ito ang susi ng bawat Pilipino, mayaman o mahirap, upang guminhawa sa buhay. Pagkatapos ng digmaan, lumaki ang enrolment sa mga eskuwelahan nang walang kapantay sa kasaysayan ng bansa. Mula 1948 hanggang 1970, tumaas ang bilang ng mga eskuwelahan sa elementary ng 238% at sa High School ng 242%.

Sa likod ng mga numero at paniniwalang ito ay hindi maitatago ang patuloy na pagiging bulok at elitista ng edukasyon sa Pilipinas. Sa pag-aaral ni Prop. Francis Gealogo ng Ateneo, hindi natupad ng edukasyon ang misyon nitong alisin ang agwat ng mga nakakapag-aral sa siyudad-kanayunan, babae-lalaki at mayaman-mahirap. Makikita sa talaan sa baba ang diskriminasyon laban sa mga mahihirap at sa mga nanggaling sa kanayunan pagdating sa access sa edukasyon. Kahit ang mga nakatapos ng kolehiyo ay hindi awtomatikong nakakakuha ng trabaho. Sa katunayan, walang pagkakaiba ang nakatapos ng kolehiyo sa mga hindi nakatapos sa pagkuha ng trabaho. Mas mataas pa nga ang unemployment rate ng mga nakarating sa kolehiyo kaysa sa mga hindi nakapag-aral.

Ang pagsigla ng kilusan para sa isang makabayan, makamasa at siyentipikong edukasyon

Tumambad ang isang malaking krisis sa edukasyon noong unang bahagi ng dekada sisenta na kinilala maging ng mga matataas na pinuno ng bansa. Ikinagulat ng marami ang naiiba ngunit matapang na panukala ng Kalihim ng Edukasyon noon na si Manuel Lim na baguhin ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa, na ayon sa kanya ay ang pangunahing ugat ng suliranin. Dapat daw nakatuon ang pansin ng pamahalaan sa pagkakaroon ng isang makabayang edukasyon. Isang edukasyon na may pagpapahalaga sa sariling kultura, wika at kasaysayang Pilipino na kasabay ang pagdebelop sa mga mag-aaral ng isang kamalayang sibiko at patriyotiko.

Hindi papayagan ng US ang ganitong paghamon sa kanilang pamamayani sa sektor ng edukasyon kaya't agad binuo ang isang grupo ng mga Amerikano mula sa International Cooperation Administration at mga Pilipino mula sa National Economic Council upang magbigay ng rekomendasyon sa kinakaharap na problema ng edukasyon sa Pilipinas. Taliwas sa makabayang panukala ni Lim, idiniin ng grupo ang pagpapalakas ng edukasyong bokasyonal sa Pilipinas na susuporta diumano sa industriyalisasyon ng bansa. Ang panukalang ito ang repormang sinunod ng rehimeng Marcos at malinaw na ito ay isang adyenda ng US na mas pabor sa kanilang interes.

Habang pinag-uusapan ang mga panukalang ito, dumadagundong na sa buong bansa ang protesta ng mga estudyante at kabataan sa loob at labas ng eskuwelahan. Nilunsad ang Second Propaganda Movement ng mga kabataang intelekwal bilang pagpapatuloy ng naunsyaming rebolusyon noong 1896 at pagkundena sa tinukoy nilang tatlong salot ng lipunan: imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo.

Ang pagsigla ng bagong-tipo ng pambansang demokratikong kamalayan ay aktibong nilahukan ng mga estudyante kasabay ng pagbatikos nila sa kolonyal, komersyalisado at represibong edukasyon. Nagbuo sila ng mga samahang nakipaglaban para sa pagtatayo ng mga konseho ng mag-aaral, pahayagang pangkampus, academic freedom, kalayaang magpahayag at karapatang konsultahin tuwing magtataas ng matrikula.

Nagdaos sila ng maraming mga Discussion Group (DGs) at Teach-in sa mga eskuwelahan tungkol sa kasaysayan ng bansa, partikular ang propaganda movement at rebolusyong 1896. Pinag-aralan nila ang mga akda ni Recto, Constantino at Jose Maria Sison. Matapat nilang inaalam ang anti-imperyalistang pakikibaka sa buong mundo lalo na sa Vietnam, Cambodia at Laos. Sa huli ay matiyaga nilang pinag-aaralan ang mga siyentipikong aralin tungkol sa uri, lipunan at rebolusyon ng Marxismo-Leninismo at kaisipang Mao Zedong.

Tinuligsa ng mga estudyante ang konserbatismo at obskurantismo sa mga eskuwelahan lalo na ang tinatawag nilang kleriko-pasistang edukasyon ng mga katolikong pamantasan. Binunyag ang tumitinding amerikanisasyon ng UP. Walang magawa ang mga eskuwelahan sa kakaibang tapang ng mga estudyante sa paglalabas ng kanilang hinaing. Walang maling pulisiya ang hindi tinunggali. Walang mapang-abusong awtoridad ang hindi nakatanggap ng puna. Ngayon lamang lubusang hinamon ang kultura at kaisipang dominante sa mga paaralan.

Humantong ang aktibismo ng kabataan sa kinikilala natin ngayong First Quarter Storm ng 1970. Sa unang tatlong buwan ng taon ay nagdaos ng malawakang pagkilos ang mga kabataan sa buong bansa bilang protesta sa kahirapan at umiiral na kaayusan sa lipunan.

Dahil sa protesta ng mga estudyante, tumambad sa madla ang mga problema at kolonyal na oryentasyon ng edukasyon. Napilitang umangkop ang mga eskuwelahan at maging ang pamahalaan sa mga akusasyong ito at mula noon ay nagpostura silang makabayan at demokratiko ang mga paaralan sa bansa. Higit sa pagbusisi sa edukasyon, ang pagkilos ng mga estudyante ay nagbigay ng mas masinsing edukasyon sa mamamayan tungkol sa tunay na kalagayan ng pulitika, ekonomiya at kultura ng bansa.

Pagsidhi ng krisis sa edukasyon sa panahon ng Rehimeng Marcos

Sinalubong ng malalang krisis sa ekonomiya ang pangalawang termino ni Pangulong Marcos dahil sa pagkabangkarote ng kaban ng bayan dulot ng matinding korapsyon noong nakaraang halalan. Mataas ang presyo ng bilihin samantalang mahirap ang kabuhayan ng mamamayan. Apektado rin ang papalubhang krisis sa edukasyon.

Upang itago ang idinudulot nitong krisis sa pulitika tulad ng paglaban ng mga manggagawa, magsasaka at kabataang estudyante, kabilang na rin ang planong pagbabago sa makadayuhang Konstitusyon, nagsagawa ang pamahalaan ng ilang pagbabago sa iba't ibang ahensiya nito.

Binuo ang Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) na pinondohan ng Ford Foundation upang pag-aralan daw ang naaabot ng edukasyon sa pagtugon nito sa pang-ekonomikong pangangailangan ng bansa at iakma sa "global economic development." Mabilis na tinukoy ng mga estudyante na ito ay isang panandalian ngunit di-epektibong solusyon sa krisis sa edukasyon.

Sa ulat ng PCSPE (Education for National Development, New Patterns, New Directions)noong 1970, sinabing hindi raw napapakinabangan ng husto ang ating mga graduate dahil hindi angkop sa manpower requirement ng ekonomiya. Nagpanukalang baguhin ang pokus ng edukasyon sa bansa sa paghuhubog ng trainable at mobile assembly line ng mga semi-skilled na manggagawa, farmhand, at mga craftsmen.

Malaki ang naging implikasyon ng ulat para sa edukasyon ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan. Ginamit ang PCSPE upang tuluyan ng i-overhaul ang edukasyon upang maging sandigan ng pre-industrial, backward agricultural at foreign dominated na ekonomiya ng bansa.

Pinalakas ang polytechnic school system at edukasyong bokasyonal para sa suplay ng mga manggagawa sa mga Multinational Corporation (MNCs). Ipinatupad ang National College Entrance Examination upang isala ang mga estudyanteng didiretso sa higher education at yung kukuha ng bokasyonal na edukasyon. Binuo ang National Manpower Youth Council (TESDA ngayon) at Bureau of Non-Formal Education na magtitiyak na tuluy-tuloy ang pagsasanay ng mga kabataan batay sa pangangailangan ng mga MNCs na nakabase sa Pilipinas at batay sa pangangailangan ng pandaigdigang pamilihan.

Dahil sa mga pagbabagong ito, lumitaw ang mga kursong mataas ang demand sa ibang bansa. Lumaki ang bilang ng mga manggagawang (karamihan ay inhinyero) pinadala natin sa Middle East mula 1975 (12,500), 1977 (36,676) hanggang 1980 (157,394). Paparami rin ang mga seamen na napapakinabangan ng mga dayuhang korporasyon at umabot ito sa rurok na 140,000 noong 1990. Tinugunan ng PCSPE ang papel ng Pilipinas sa pagsuplay ng murang lakas paggawa sa buong mundo.

Sa pagpasok ng Martial Law, lalong tumingkad ang halaga ng sistema ng edukasyon upang pagsilbihan ang pasistang rehimeng US-Marcos. Kailangang baguhin ang mga aklat ng kasaysayan at kurikulum sa eskuwelahan upang maging katanggap-tanggap ang "Bagong Lipunan" ni Marcos at itago ang pasistang mukha ng batas militar.

Noong 1972 ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Education Development Act of 1972 na naglalayong magkaroon ng isang "development education" sa susunod na sampung taon. Gamit ang inisyal na alokasyon na P500 milyon at sa tulong ng WB, ginabayan nito ang pag-unlad ng ekonomiya sa kanayunan upang mapadali ang integrasyon nito sa pandaigdigang kapitalistang agrikultura.

Ginamit ang dayuhang kapital upang lalong patatagin ang pagkiling ng edukasyon sa pagsuplay ng mga bagong graduate na may sapat na kasanayan at mapapakinabangan nang husto ng mga dayuhan. Ang dating Philippine College of Commerce ay ginawang Polytechnic University of the Philippines. Ang UP ay hinati sa mga autonomous unit na may kanya-kanyang ispesyalisasyon at itinayo ang mga bagong programa mula sa pondo ng mga dayuhang korporasyon at bangko na tumutugma sa disenyong inilatag ng PCSPE. Itinatag ang Philippine Center for Advanced Studies sa UP Los Banos, College of Fisheries sa UP Visayas, Health Sciences Center sa UP Manila at Asian Institute of Tourism, School of Economics, College of Business Administration at Transport Training Center sa UP Diliman.

Luminaw pa ang tunay na layunin ng mga bagong programa sa edukasyon nang mismo ang WB ang naglaan ng $767 milyon para sa Textbook Development Program ng bansa. Ang plano ay ang pagsusulat ng mga bagong aklat ng mga guro at estudyante mula Grade 1 hanggang hayskul.

Noong 1984, tinatayang may 85-92 milyong kopya ng mga teksbuk ng WB ang naipamahagi sa mga eskuwelahan sa buong bansa. Ang humubog sa ating murang kamalayan ay mga aklat na disenyo ng mga dayuhang may motibo at interes na kontra-Pilipino.

Sa kabilang banda, ang mga kursong pilosopiya, agham panlipunan, sining at literatura, law, education, economics at business ay naging bahagi naman ng pagpapalaganap ng kulturang maka-US at konserbatibo. Ang mga paaralan ay naging instrumento para sa indoktrinasyon ng malakolonyal at malapyudal na kultura at kaalaman.

Isinabatas naman ang Education Act of 1982 sa kabila ng malawak na pagtutol mula sa sektor ng edukasyon. Ito ang nagbigay daan sa malayang pagtataas ng matrikula sa mga pribadong paaralan at nagpatindi ng krisis sa edukasyon. Ginawa ito ni Marcos bilang suhol sa mga pribadong paaralan upang suportahan nila ang mga itinakdang programa't proyekto ng WB sa edukasyon.

Pagpapatuloy ng laban sa kabila ng terorismo ng estado

Hindi napigilan ng pangil ng pasismo ng estado ang pagsulong ng demokratikong kilusan para sa isang makabayan, makamasa at siyentipikong edukasyon. Kahit sa madilim na yugto ng batas militar ay nagawang ipaglaban ang interes ng mga estudyante at guro sa sektor ng edukasyon.

Noong 1969, pinangunahan ng Manila Public School Teachers' Association ang kauna-unahang mass-leave ng mga guro upang hilingin ang pagpapatupad ng pagtaas ng sahod at iba pang benepisyo. Noong 1974 ay kinilala ng Supreme Court ang petisyon ng mga guro sa pribadong paaralan na magtayo ng unyon. Noong 1978 ay itinayo ang kauna-unahang welga ng mga manggagawa sa edukasyon ng mga empleyado at guro ng Gregorio Araneta University Foundation. Pagkaraan ng ilang linggo ay napatalsik nila ang kinamumuhiang presidente ng pamantasan at ibinigay ang hinihiling nilang pagtaas ng sahod.

Noong 1977 ay binuo ang alyansa ng mga estudyante laban sa pagtaas ng matrikula. Naglunsad ng mga koordinadong boykoteo, martsa at noise barrage ang mga estudyante sa iba't ibang kampus at maraming paaralan ang napilitang magbaba ng matrikula, habang ang iba'y pumasok sa negosasyon at nagbigay ng konsesyon sa pasilidad sa kampus.

Naging inspirasyon sa maraming eskuwelahan ang patuloy na paglaban ng mga mag-aaral at guro ng UP mula nang maipataw ang batas militar sa bansa. Iginiit ng di-iilang pamantasan ang karapatan nilang maging daluyan ng demokratikong ideya, pabor o palaban sa namumunong rehimen ng bansa.

Dahil sa tuluy-tuloy na pagkilos ng mga mag-aaral, 1979 pa lamang ay naibalik ang mga konseho ng mag-aaral ng ilang kolehiyo sa UP. Sinundan ito ng nilunsad na democratic reform movement mula 1978-1982 sa buong bansa upang maibalik ang pangunahing karapatan ng mga estudyante na magkaroon ng konseho, pahayagan at mga organisasyon.

Taong 1980-81 ng muling nilunsad ng mga mag-aaral ang kilusang boykot laban sa pagtaas ng matrikula. Sa pagkakataong ito, mahigit 400,000 na mag-aaral ang lumahok sa boykot sa mahigit 60 na paaralan sa buong bansa. Matapang na nilabanan din ang Education Act of 1980 dahil sa idudulot nitong pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan at atake sa awtonomiya ng mga pampublikong pamantasan. Napigil ang pagsasabatas nito ng dalawang taon.

Sa gitna ng lumalakas na kilusan laban sa rehimen ay napilitang magbigay ng konsesyon ang estado sa pamamagitan ng paglagda ng kasunduan sa pagitan ng Ministry of National Defense at League of Filipino Students. Ang MND-LFS accord ay nagpaalis sa mga militar sa mga eskuwelahan, nagbawal ng pakikialam ng militar at paggamit ng dahas sa mga aksiyong protesta sa mga eskuwelahan, at nagbawi sa praktika ng mga security guard na manghuli ng mga estudyante.

Ang huling tatlong taon ng rehimeng Marcos ay tinapatan ng sunud-sunod at papalaking pagkilos ng mga estudyante, guro at mamamayan. Taong 1983-84 nang maipagtagumpay ang isang daang boykot sa mga eskuwelahan sa buong bansa. Sumunod na taon ay inilunsad ang 220 boykot sa 53 na eskuwelahan sa National Capital Region. Mahigit 30,000 guro mula sa Maynila at Gitnang Luzon ang lumahok naman sa mass-leave noong Setyembre 1985 upang hilingin ang P3,000 pagtaas ng buwanang sahod.

Hindi na maikaila ng estado ang mahigpit na imperyalistang kontrol sa edukasyon ng bansa. Madaling iugnay ang suporta ng imperyalismo kay Marcos sa makadayuhang programa sa edukasyon ng Pilipinas. Ang kahirapan at kalupitang dinanas ng bansa kay Marcos ay naging halimbawa upang makita ang katumpakan ng pagkakaroon ng isang makabayan, makamasa at siyentipikong tipo ng edukasyon.

VII. NAGPAPATULOY NA KOLONYAL, KOMERSYALISADO AT MAPANUPIL NA SISTEMA NG EDUKASYON

Patuloy ang pagdausdos ng edukasyong Pilipino kahit sa pagkabagsak ng diktaduryang Marcos. Nanatiling nakakapit sa imperyalistang kontrol at dikta ang mga patakaran sa edukasyon. Nagkaroon ng iba't ibang mga pag aaral na pinondohan ng IMF-WB-ADB hinggil sa edukasyong Pilipino katulad ng EDCOM, PESS, PCER subalit ang kanilang mga rekomendasyon ay hindi umaangkop sa kalagayan ng lipunang Pilipino, bagkus ay mayroong pagkiling sa interes ng pribado at pandaigdigang merkado.

Niyakap at inako ni Corazon Aquino sa kanyang pagkapangulo ang lahat ng utang ng mga Marcos bagaman ang kalakhan ng mga ito ay hindi napakinabangan ng mamamayang Pilipino. Kahit na nailagay sa Saligang Batas 1987 na ang edukasyon ang dapat na nakakatanggap ng pinakamataas na alokasyon ng badyet, hindi ito naisakatuparan ng mga papet na rehimen mula kay Aquino hanggang kay Arroyo. Ayon sa tsart sa itaas, ang average share ng edukasyon sa Gross Domestic Product ay 2.8 porsiyento lamang samantalang ang para sa pambayad utang ay 7.3 porsyento. Sinasabi ng UNESCO na ang minimum na dapat na ilaan ng isang bansa sa edukasyon upang umunlad ay anim na porsiyento.

Samantalang kinakaltasan ang badyet ng pampublikong edukasyon na nagbunsod upang magtaas ng matrikula maging ang mga paaralang ito, patuloy naman ang pagtaas ng mga bayarin sa mga pribadong paaralan, kasabay ng paglobo ng kanilang bilang.

Patuloy din naman ang korporatisasyon ng mga eskuwelahang pampubliko. Gusto ng pamahalaan na pamunuan ang mga SCU bilang mga korporasyon. Kung kaya't ang sukatan ng tagumpay ng isang eskuwelahan ay batay sa "cost recovery and maximization of resources schemes" at hindi kung ito ay nakakapaglingkod ba sa tao at komunidad. Pangunahing kunsiderasyon ang market requirements sa pagpaplano ng mga bagong programa sa edukasyon. Dahil ito ang pokus ng pamahalaan, dumarami ang mga malalaking negosyante na pinapasok ang larangan ng edukasyon.

Samantalang tumataas ang halaga ng edukasyon, kasabay din nito ang pagbaba ng kalidad nito. Dahil sa motibo ng mga kapitalista-edukador na kumita ng pera mula sa edukasyon at ang pagsasawalang-bahala ng gobyerno, nagsulputan ang mga paaralan na wala namang kakayahan sa pagtuturo mula sa aspeto ng kanilang kaguruan hanggang sa pasilidad. Dagdag pa sa pagbaba ng kalidad ng edukasyon ay ang kakulangan ng suporta ng estado sa pampublikong edukasyon na nagbubunsod ng kakulangan sa mga pasilidad, mga teksbuk, at mga guro. Bagkus, hindi kagulat-gulat ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon; ito'y epekto lamang ng mga patakaran ng pamahaan.

A. Papet na Rehimeng Aquino

Nagbunyi ang mamamayan sa pagpapatalsik sa diktaturyang Marcos at malaki ang inaasahan sa bagong luklok na rehimen na isasakatuparan nito ang mga pagbabagong kinakailangan ng bansa upang pigilan ang pagbulusok ng ekonomiya at krisis sa lipunan.

Dahil sa patuloy na paglakas ng kilusan para sa makabayang edukasyon, napilitan ang pamahalaan na itaas nang bahagya ang badyet ng edukasyon. Itinalaga din ng bagong Konstitusyon ang compulsory at libreng pag-aaral sa hayskul.

Gayunpaman, karamihan sa mga kahilingan ng sektor ng edukasyon ay patuloy na pinagkait ng rehimen. Nakalugmok pa rin sa mababang pasahod ang mga guro at hindi pinakinggan ang panawagan ng mga kabataan na kontrolin at tuluyang pigilan ang pagtaas ng matrikula. Sa halip ay lalong tumindi ang krisis sa edukasyon dahil sa mga bagong programang pinatupad ng pamahalaan.

Sa pamunuan ni Aquino higit na nalantad ang kutsabahan ng mga kapitalista-edukador at pamahalaan. Halos taun-taon binabago ang guidelines hinggil sa matrikula at palagi itong umaayon sa kagustuhan ng mga pribadong eskuwelahan. Isinuko ang kinabukasan ng mga kabataan sa kamay ng mga ganid na kapitalista-edukador.

  1. MECS Order #22 series of 1986 na naglagay ng ceiling ng 15% tuition fee increase para sa non-accredited na paaralan at 20% para sa mga accredited.
  2. DECS Order #37 series of 1987 10% tuition fee increase para sa mga accredited na eskuwelahan.
  3. DECS Order #39 series of 1988. Nagsaad na wala ng ceiling ang tuition fee increase. Naamyendahan bilang 39-A matapos ang malawak na pagtutol.
  4. DECS Order #6 series of 1989. Walong pisong tuition fee increase sa upperclass at deregulasyon ng matrikula sa freshmen
  5. DECS Order #37 series of 1990 na hindi na regulated ang matrikula sa mga freshmen, hayskul at kolehiyo, pagsulat ng waiver, at pagtaas ng matrikula sa upper year ay batay sa tantos ng implasyon.
  6. DECS Order #50 series of 1990. Pagluwag sa tuition fee increase sa mga 1st year sa mga paaralang may accredited na programang umaabot sa level 2.
  7. DECS Order #136 series of 1990. Nagpahintulot ng dalawang beses na pagtataas ng matrikula sa loob ng isang taon sa Region 3,4,5 at NCR.
  8. DECS Order #16 series of 1991. Pagtataas ng matrikula batay sa regional inflation.
  9. DECS Order #30 series of 1991. Nagtakda ng 30% tuition fee increase.
  10. DECS Order #137 series of 1992. Deregulasyon ng tuition fee increase ng 18 "excellent schools."
  11. DECS Order #21 series of 1993. Deregulasyon ng tuition fee increase sa lahat ng antas.

Patuloy ang paghahanap ng katanggap-tangap na programa upang talikuran ng pamahalaan ang responsibilidad nito sa edukasyon. Noong 1989, ipinatupad sa UP ang Socialized Tuition and Financial Assistance Program(STFAP) upang diumano'y gawing demokratiko ang pag-aaral sa pamantasan. Kalauna'y lumabas din ang tunay na motibo ng estado na iskema ito upang magtaas ng matrikula sa "mapanlikhang paraan". Mula P40 per unit ay biglang lumobo ang tuition sa P200 noong unang taon pa lang ng implementasyon ng programa. Hindi nakapagtataka kung bakit sa kasalukuyan ito'y pinapatupad na sa lahat ng pampublikong eskuwelahang bokasyunal at nakaambang ipatupad na rin sa lahat ng publikong kolehiyo sa bansa. Hindi tuwiran ang pagtaas ang matrikula, kumikita ang pamantasan at lumiliit pa ang subsidyo ng pamahalaan habang ipinagyayabang na ito'y para sa demokratisasyon at modernisasyon ng edukasyon sa bansa.

Higit na pinaboran ang paglaki ng papel ng pribadong sektor sa edukasyon nang isinabatas ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o GASTPE. Naglaan ng subsidyo ang pamahalaan sa mga pribadong eskuwelahan upang pagtakpan ang kakulangan nito na ibigay ang libreng edukasyon sa mga Pilipino. Babayaran diumano ang tuition ng mga mahihirap subalit hindi naman pinigilan ang taunang pagtaas ng matrikula na siyang hinahanap na tulong ng mga kabataan at mahihirap.

Hindi maitago ang pagkabangkarote ng edukasyon sa bansa kung kaya't muli na namang sinuri ang sistemang pang-edukasyon ng binuong Education Commission (EDCOM) 1991 na malao'y naging Congressional Oversight Committee for Education. Wala namang inulat na bago ang EDCOM maliban lamang sa pagdidiin na hindi pa rin magkatugma ang ating mga graduate at pangangailangang manpower ng ating ekonomiya. Inamin din nito na isang dahilan sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang maliit na investment ng gobyerno sa edukasyon. Kinilala ang bumabagsak na literacy rate, idiniin ang pangangailangang magpokus sa basic education, at (maling) tinukoy bilang pangunahing suliranin ng edukasyon sa bansa ang "inefficiencies in decision-making and organizational mechanism in the implementation of education programs."

Sinunod ang rekomendasyong bumuo ng tatlong magkakahiwalay na ahensiya na may partikular na pokus at tungkulin sa pagbibigay ng serbisyong edukasyon. Pormal na itinalaga noong 1994 ang Department of Education (elementar at hayskul), Commission on Higher Education (kolehiyo) at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA (edukasyong bokasyunal at teknikal).

Ang pagtibag ng higanteng burukrasya ng edukasyon ay lumutas ng mga kagyat na problema sa organisasyon at pamamahala ng mga eskuwelahan. Subalit lumipas ang ilang taon ay hindi pa rin nito natutugunan ang mayor na layunin kung bakit ito ipinatupad, at ito ang pigilin ang pagbulusok ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ngayon may panukala na magbuo ng coordinating agency na mag-uugnay sa tatlo upang magkaroon ng iisang direksiyon ang edukasyon sa bansa.

Ibinaling ang sisi sa "efficiency" ng pamamahala at pagpapatupad ng mga programa samantalang matagal ng sinasabi ng mga iskolar na ang pangunahing suliranin ng edukasyon sa bansa ay nakaangkla sa kolonyal na oryentasyon o imperyalistang kontrol sa edukasyon ng mga Pilipino. Ang bulag na pagsunod sa adyenda ng IMF-World Bank ang pangunahing bumabansot sa pagsilbi ng edukasyon sa pag-unlad ng Pilipinas.

B. Papet na Rehimeng Ramos

Ginamit ng rehimeng Ramos ang EDCOM upang maisulong ang programang Education 2000. Nakabatay ito sa binalangkas na Medium Term Philippine Development Plan o Philippines 2000. Lulutasin daw ang kahirapan sa pamamagitan ng "people empowerment at global competitiveness." Panibagong rekomendasyon ito ng IMF-World Bank na higit na pinatingkad ang malapyudal na ekonomiya ng bansa. Upang maisakatuparan ito, ginamit na stratehiya ang deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon.

Ang Education 2000 daw ang solusyon sa matinding krisis sa edukasyon. Kapuna-puna ang mga panukala nito: "relaxing or liberalizing the heretofore restrictive regulatory framework for private education; and rationalizing the role and function of the state tertiary system of education."

Nagpatuloy ang edukasyong nakaangkla sa isang 'export-oriented, import-dependent' na ekonomiya lalo na't minadali ng pamahalaan ang pribatisasyon at patakarang liberalisasyon sa sektor ng edukasyon. Tumindi ang komersyalisasyon ng mga SCU at pinalaki pa lalo ang papel ng mga kapitalista-edukador sa pagpaplano ng programa ng pamahalaan sa edukasyon.

Mula 1992-95, dumoble ang bilang ng mga pribadong paaralan sa bansa. Sumulpot ang mga pre-school na nagongolekta ng napakataas na matrikula dahil sa patakarang liberalisasyon. Sa paanyaya ng pamahalaan, naglipana ang mga eskuwelahang nagtataguyod daw ng 'global competitiveness', partikular ang mga IT schools. Napakinabangan ng husto ng ibang bansa ang ating mga bagong graduates habang patuloy na nakapokus ang ating edukasyon sa dayuhang pangangailangan.

Ginawa ng CHED ang Long Term Higher Education Development (LTHEDP) 1996-2005 na pawang pagsunod sa dikta ng dayuhan na bawasan ang badyet sa mga kolehiyo, magpokus sa agham at teknolohiya at umayon sa globalisasyon ng edukasyon. Kapuna-puna ang CHED Memo #59 na naglimita ng mga kursong social sciences sa kolehiyo. Ikinatuwa ng mga MNCs at mga malalaking negosyante sa bansa ang pagsasabatas ng Dual Training System Act dahil sa ibinunga nitong maramihang internship ng mga estudyante sa kanilang mga kumpanya.

Isinabatas ang Higher Education Modernization Act of 1997na nagbigay daan sa korporatisasyon at burukratisasyon ng komposisyon ng Board of Regents ng mga SCU. Binigyan ng kapangyarihan ang Board na magtaas ng matrikula at magkaroon ng business ventures sa pribadong sektor upang kumita nang sarili ang mga SCU. Hakbang ito ng pamahalaan upang magbawas ng badyet sa mga SCU at akitin ang malalaking negosyante na lumahok sa pribatisasyon ng mga SCU.

Sa pamunuan ni Ramos nailatag ang pundayon ng malawakan, sistematiko at tuluy-tuloy na rasyonalisasyon (o pagbabawas) ng mga SCU. Isinabatas ang Agriculture and Fisheries Modernization Act na ginawang legal ang rasyonalisasyon ng mga eskuwelahang agrikultural. Hinikayat ang mga publikong pamantasan na maghanap ng sariling pagkakakitaan o kaya'y tuluyang magsara o lumahok sa programang pribatisasyon. Ipinasa sa sumunod na rehimen ang lubusang pagpapatupad ng programang ito.

C. Papet na Rehimeng Estrada

Binuo noong Disyembre 1998 ang Philippine Education Sector Study (PESS) at Presidential Commission on Educational Reform (PCER) at may siyam na rekomendasyon sa edukasyon na inaprubahan ng pamahalaan kasama ang WB, ADB, COCOPEA, Philippine Chamber of Commerce, at ang mga negosyanteng sina Aguiluz at Ayala.

Nagtulak ito ng moratorium ng pagtatayo ng panibagong mga SCU noong Oktubre 1999. Binalangkas ang pagbabawas ng badyet sa edukasyon at rasyonalisasyon ng mga SCU. Iminungkahi ang pagtataas ng matrikula sa mga SCU sa parehong lebel ng pribadong eskuwelahan. Ito ang salarin kung bakit inalis ang MOOE at binawasan ang capital outlay ng mga SCU. May freeze hiring tuloy at bawal na ang paglikha ng plantilla position sa mga SCU.

Nagmungkahi ding magdagdag ng isa hanggang dalawang taong kurso para sa mga estudyanteng hindi papasa ng qualifying exam bago magkolehiyo (pre-baccalaureate system). Labis itong ikinatuwa ng mga kapitalista-edukador dahil sa nakikinita na nila ang kanilang makukuhang dagdag na kita dito.

Binalangkas din ang programa ng rasyonalisasyon ng mga SCU:

1. Delineation of functions of SCUs towards the complementation of programs and course offerings with their private counterparts.

2. Review of enabling instruments and charters of SCUs to address all technical inconsistencies and serve as basis for reform

3. Development of a model for the rationalization of SCUs that accounts for best practices in other countries

4. Formulation of a strategic action and investment plan for the restructuring of SCUs

Hanggang sa kasalukuyan ay ito pa rin ang sinusunod na programa ng pamahalaan upang gipitin ang mga SCU at isulong ang rasyonalisasyon ng edukasyon sa kolehiyo. Inaalis sa mga SCU ang mga kursong binibigay din ng mga pribadong eskuwelahan, binabago ang Charter upang iakma sa komersyalisasyon at tuluy-tuloy ang pagbabawas ng badyet.

D. Papet na Rehimeng Macapagal-Arroyo

Naging taksil sa kabataan, sa mamamayan, at sa diwa ng EDSA Dos ang papet at pasistang rehimeng Gloria Arroyo. Sa pag-upo nya noong Enero 21, 2001, binalangkas ng kabataan ang mga panawagan para sa mas mataas na subsidyo para sa edukasyon, paghihinto ng mga pagsingil sa mga bayarin sa mga paaralan sa isang takdang panahon, at ang pagtatanggal ng pamahalaan ng mga patakarang nagpapalala sa sitwasyon ng edukasyon.

Subalit, pinagpatuloy ni Arroyo ang liberalisasyon ng edukasyon at lalo pa itong pinalala dahil sa pagsang-ayon nito sa mga dikta ng IMF-WB. Tampok ang pagpapakatuta ng rehimeng ito sa Estados Unidos pagkatapos nitong suportahan buong-buo ang war on terror na pinangunahan ng imperyalistang bansa. Karugtong ng mga patakarang liberalisasyon sa ekonomiya katulad ng pagtataas ng value-added tax, sin taxes, Mining Act, ay ang pagpapalala ng kolonyal at komersiyalisadong oryentasyon ng edukasyon tulad ng RBEC, paggamit ng Inggles bilang wika ng pagtuturo, at CMO 14.

Lalong lumala ang labor migration sa panunungkulan ni Gloria Arroyo sa pag-alis ng mga doktor, mga nurse, mga guro upang magtrabaho sa ibang bansa. Ito ang mga pangangailangang tinutugunan ni kasalukuyang rehimen at hindi ang mga pangangailangan ng mamamayan.

1. LTHEDP 2001-2010. Binalangkas ito ng CHED upang gabayan ang direksiyon ng higher education sa bansa ngayong dekada. Kailangan daw maging angkop ang edukasyon sa ating "knowledge-based economy" ngayong nasa panahon na tayo ng "borderless education." Balak ding idebelop ang isang service-oriented higher education na magbubunsod ng kasiglahan sa ating ekonomiya.

Tumutugon ang pamantayan ng LTHEDP sa disenyo ng IMF-WB. Paiigtingin lalo nito ang krisis sa edukasyon dahil layon nitong maipatupad ang mga sumusunod pagdating ng taong 2010:

· Nabawasan na ang bilang ng mga SCU ng 20% ng kabuuang bilang ngayon

· 6 na SCU ay semicorporatized na ang operasyon.

· 20% ng mga SCU ay kumikita ng sarili at hindi na humihingi ng pondo sa pamahalaan sa pagbebenta ng mga intellectual product at mga grant.

· 50% ng mga SCU ay may aktibong income generating projects.

· 70% ng mga SCU ay may tuition na katumbas ng mga pribadong paaralan.

· 15 kolehiyo sa bansa ang may pre-baccalaureate system.

· 60% ng mga pamantasan ay may kolaborasyon sa malalaking industriya at negosyo.

2. Medium Term Higher Education Development and Investment Plan (MTHEDIP) 2001-2004. Ito ang ambisyosong programa ng CHED sa susunod na tatlong taon batay sa mga ginawang rekomendasyon noon ng PCER at PESS. Layon nitong bigyan ng solusyon ang isyu sa mababang kalidad ng edukasyon sa kolehiyo at ang usapin ng equity o access ng mahihirap sa mga pamantasan. Subalit tila niloloko ng CHED ang kanyang sarili dahil ang ibinabandila nitong programa ay nais idebelop ang edukasyon sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga pampublikong kolehiyo sa bansa.

May panukala itong rasyonalisasyon ng mga kolehiyo tulad ng rekomendasyon ng PCER. Kapag ito'y nabigo, may inihahapag ang CHED na normative financing at resource allocation system bilang paraan ng pagpopondo ng mga SCU. Ang badyet ng mga SCU ay nakabatay sa kanilang mga programang akademiko na prayoridad ng CHED. Kapag may mga iniaalok itong kurso na 'non-sanctioned' ng CHED, wala itong matatanggap na pondo sa pamahalaan. Upang maging katanggap-tanggap ang pagbabawas ng mga SCU ay may inilalako ang CHED na 'regional university system.'

Iniinsulto ng CHED ang mamamayan sa dahil nakuha pa nitong ipagmalaki na ang kinaltasang pondo ng mga SCU at ang idudulot nitong pagtaas ng matrikula ay babalansihin daw ng mga scholarship na kanilang ibibigay. Ilang libong estudyante lang ba ang makakakuha ng mga scholarship? At ang mga estudyanteng kumukuha ng mga kursong 'non-sanctioned' ng CHED ay hindi rin makakatanggap ng subsidyo mula sa gobyerno. May posibilidad ding sinasabi ang CHED na cost-recovery o paniningil sa mga estudyanteng tumatanggap ng scholarship sa hinaharap kapag nakatapos na sila ng kolehiyo.

Binabalangkas din ng programang ito ang mapping ng mga kolehiyo sa bansa ayon sa ekonomikong potensyal ng mga rehiyon. Aayusin ang lokasyon ng mga pamantasan batay sa specific field of expertise ng mga rehiyon tulad ng agrikultura sa Timog Katagalugan, pagmimina sa rehiyon ng Cordillera, fisheries sa kanlurang Visayas at Arts and Sciences sa Maynila.

Nakaangkla ito sa dami ng mga MNCs at malalaking korporasyon na mayroon sa bawat rehiyon. Ang buong pakete ng MTHEDIP ay pinakamasahol sa mga programang nais ipatupad ng CHED dahil tahasang binebenta ang interes ng bansa sa mga dayuhan. Hindi nakapagtataka at nakasalalay ang programang ito sa pondo mula sa mga dayuhang bangko at imperyalistang bansa.

3. Restructured Basic Education Curriculum (RBEC).Solusyon ng DepEd sa mababang kalidad ng edukasyon ay pagbabago ng kurikulum sa elementary at hayskul. Lima na lang ang core subject ng mga estudyante: English, Science, Math, Filipino at Makabayan - pinagsama-samang araling panlipunan, musika, PE, health, at technology and home economcs. Nahihibang ata ang DepEd sa pagsasabing ito ang solusyon para tumaas ang ating posisyon sa TIMMS dahil sa bagong kurikulum ay inalis ang science sa grade 1at 2 at binawasan ang contact time ng pagtuturo ng science sa hayskul. Sa paglabnaw ng pagtuturo ng kasaysayan at ng lahing Pilipino, higit nitong patitingkarin ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa. Palibhasa'y ang kailangan lamang ng mga MNCs ay mga mangagawa na kaunti lamang ang kasanayan kung kaya't kahit ang isang holistikong edukasyon ay isasakripisyo ng pamahalaan. Nilabag ng DepEd ang lahat ng metodolohiya sa pagbabago ng kurikulum dahil hindi dumaan sa pilot testing ang RBEC bago ito ipatupad sa buong bansa. Ang maagang pagpapatupad ng kurikulum ay dikta ng IMF-WB bago nila ibigay ang hinihinging utang ng pamahalaan para sa edukasyon.

4. English as medium of instruction. Ipinatupad ni Gloria Arroyo ang paggamit ng wikang Inggles sa pagtuturo ng mahigit na 75% ng mga asignatura at mga paksa sa mga paaralan upang maagapan daw ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong marunong mag-inggles. Naaayon ang patakarang ito sa dikta ng dayuhang merkado para sa english-speaking cheap labor upang magtrabaho sa kanila bilang tagapag-alaga ng maysakit at matatanda, tagasagot ng telepono, taga-transcribe ng mga diskusyong medikal, atbp. Dahil sa patakarang ito, pati na rin ang RBEC, inilathala ng DepEd noong Mayo 2006 ang pagbaba ng average score ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Lalong pinalala ng patakarang ito ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon - isang edukasyon na nagsisilbi sa dayuhan at hindi sa sariling bayan.

5. Joint Circular Memorandum on Normative Funding na inilabas ng CHED at Department of Budget ang Management (DBM) taong 2004. Ito ay nakabatay pa rin sa rekomendasyong inilabas ng PESS at PCER upang "irasyonalisa" ang pagpopondo ng mga SUC. Nilalayon nito na higit na rasyonalisasyon ng 100% ng MOOE batay sa merit nito upang makatipid ang gobyerno at mapataas daw ang kalidad ng serbisyo ng mga SUC maliban sa mga service hospitals ng mga ito. Sinimulan itong ipatupad ngayong taon kung saan 25% ng MOOE ang ipinaloob dito, 50% sa 2006, 75% sa 2007 at 100% sa 2008. Sa partikular ang plao nito ay:

· ibatay ang MOOE sa bilang sa aktwal na bilang ng mga estudyante nang nakaraang taon at hindi na maari pang magbigay ng dagdag na badyet sa karagdagang bilang sa mga susunod na taon;

· mas bibigyan lamang ng prayoridad sa popondo ang mga kursong IT, natural sciences at math, teacher education at agriiculture, ang PhD, masters at iba pang kurso ay hindi gaanong paglalaanan ng pondo at ipephase-out alinsunod sa programa ng Asian Development bank (ADB);

· mayroon na ring takdang bilang ng mga thesis, dissertations at studies na dapat mai-publish upang mabigyan ng pondo sa pnanaliksik;

· upang mapanatili ang mga extension service ng SUC ay kailangang paramihin ang output nito gaya ng bilang ng tao na nabigyan ng seminar nang walang ilalaan na pondo upang maabot ang rekisitong ito;

· upang manatili ang mga guro sa serbisyo kailangang 80% ng kanyang estudyante ay pumasa sa board exam.

Sa esensya, ang tunguhin ng bagong patakarang ito ay pagbabawas ng bilang ng SUC. Sa kakarampot na badyet na inilalaan sa mga SUC, imposibleng maabot ng maliit at naghihikahos na pamantasan ang matataas na pamantayang ito.

6. CHED Memorandum Order No. 14. Sa pamamagitan ng CHED Memo 14 na ipinatupad noong 2005, kunwang tinutugunan ng pamahalaan ang pagtutol ng kabataan sa taunang pagtaas ng matrikula nang hind tuwirang naapektuhan ang kita ng mga kapitalista-edukador. Ito ang ipinalit ng CHED sa revised guidelines para sa pagtaas ng matrikula ng mga pribadong paaralan mula sa naunang CHED Memo Order 13 series of 1998.

Nakasaad sa CHED Memo 14 ang paglalagay ng 'tuition cap,' o hindi paghintulot sa mga pribadong paaralan na magtaas na matrikula ng lagpas sa kasalukuyang inflation rate. Ayon pa sa CHED, layunin din daw ng Memo 14 na gawing regular ang mga konsultasyon ng mga pribadong paaralan sa mga magulang at estudyante. Kasama rin sa mga saklaw ng CHED Memo 14 ang iba pang mga panukalang pagtaas ng mga bayarin sa eskwelahan (miscellaneous fees) bukod sa matrikula.

Pero nananatiling inutil ang CHED Memo 14 sa pagkontrol sa taunang pagtaas ng matrikula. Sa halip, liniligalisa ng CHED Memo 14 ang taunang pagtaas ng matrikula at tuluyan nang tinatanggalan ang mga estudyante at magulang ng karapatang dumalo sa mga konsultasyon. Hindi na raw kailangan ng konsultayon kapag ang pagtaas ng bayarin o matrikula ay katumbas o mas mababa pa sa inflation rate.. Samakatwid, awtomatiko na ang pagtataas ng matrikula sa mga pamantasang ito. Wala itong idinulot kundi palalain ang deregulasyon ng matrikula.

VIII. NAGPAPATULOY NA LABAN NG KABATAAN AT MAMAMAYAN

Taun-taon ay sinasalubong ng protesta ang pagbubukas ng mga klase dahil sa patuloy na pagsidhi ng krisis sa edukasyon. Pinapatampok ang pananagutan ng pamahalaan na pag-aralin ang kabataan. Hindi lang minsan niyanig ng mga protesta ang Estado at humahantong pa ito sa lubusang paghihiwalay sa reaksiyunaryong gobyerno. Pinakamatingkad na halimbawa ay ang malakas, malawak at dumadagundong na kampanya laban sa pagtaas ng matrikula. Ang taunang pagbabago ng mga DECS memo hinggil sa matrikula sa panunungkulan ni pangulong Aquino ay ibinunga ng militanteng paghamon ng mga estudyante sa lansangan. Napilitang umaksiyon ang pamahalaan upang maiwasan ang pagbulusok ng popularidad nito sa publiko. Ito rin ang dahilan kung bakit iminungkahi ni pangulong Ramos ang pagbubuo ng National Multisectoral Committee on Tuition. Kailangang ipakita niya sa mamamayan na may ginagawa siyang hakbang upang tugunan ang kahilingan ng kabataan.

Mula nang maitatag ang CHED ay ilang beses na itong naglabas ng memorandum upang maging makatarungan daw ang konsultasyon sa pagtaas ng matrikula. Itinulak ito ng hindi mapigil na protesta ng mga estudyante sa loob at labas ng mga eskuwelahan. Kung tutuusin, ang reklamo ni Dr. Feliciano ng COCOPEA ("But sadly, the education sector has the distinction of being the only industry in the economy where the students must be consulted by the schools to the amount of tuition fees they have to pay") ay isang pagkilala sa pagiging epektibo ng mga protesta laban sa pagtaas ng matrikula. Walang pribadong korporasyon sa bansa ang pwedeng diktahan ng pamahalaan kung saan dadalhin nito ang kanilang tubo subalit nagawa nating maging batas ang paglalaan ng 70% ng kita ng mga eskuwelahan sa pagtaas ng sahod ng mga guro, 20% sa pagdebelop ng mga pasilidad, at 10% ang pwede lang maging tubo.

Noong 2000, binawasan ang badyet ng UP at iba pang SCU sa bansa. Ipinagmalaki ito ni Pangulong Estrada dahil siya raw ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na gumawa nito. Sinundan pa ito ng kanyang pagtatanggol kay Lucio Tan, ang nagmamay-ari ng UE at numero unong kapitalista-edukador. Sinabayan pa ito ng pagtaas ng matrikula sa mahigit limang daang eskuwelahan sa bansa. Ang walang pagtatanging arogansyang ito ay hindi palalampasin ng kabataan. Naglunsad ng mga sunud-sunod na pagkilos sa mga eskuwelahan sa buong bansa bilang pagkundena sa mga pulisiya ni Estrada sa edukasyon hanggang sa umabot ito sa EDSA Dos. Naging tuntungan ang mga sektoral na isyu'kahilingan ng mga kabataan upang maging mabilis ang pagpapakilos ng daang libong mga kabataan sa EDSA at sa iba pang sentrong bayan sa buong kapuluan. Bago pumiyok si Chavit, nagkakaisa na ang kabataan laban kay Erap.

Ang potensyal ng kabataan na pangunahan ang malalaking protesta laban sa pamahalaan ay matagal ng kinikilala at kinakatakutan ng naghaharing uri. Ito ang ating mabisang sandata upang pigilin, kahit pansamantala, ang pagpapatupad ng mga kontrobersyal na programa sa edukasyon ng pamahalaan tulad ng STFAP sa lahat ng SCUs, moratorium sa paglikha ng mga bagong SCU at todo-todong pagpapatupad ng rasyonalisasyon sa edukasyon. Ipinakita rin natin ang katumpakan ng kolektibong pagkilos nang napilitan ang pamahalaan na baguhin ang ROTC noong 2001 pagkatapos nating ikasa ang sabay-sabay na walk-out ng mga kadete sa mga eskuwelahan sa bansa.

Matapang ang ating paghamon sa pamahalaan at may nakukuha tayong maliliit at malalaking tagumpay. Subalit nananatiling dominante pa rin ang isang kolonyal, komersyalisado at mapanupil na sistema ng edukasyon. Lalong tumindi ang krisis sa edukasyon sa pag-upo ni Pangulong Macapagal-Arroyo. Bukod sa pagtalikod sa mga pangako niya sa EDSA, mas masahol pa siya sa pinatalsik na pangulo dahil sa mga patakaran niya sa edukasyon at sa pagsupil sa mga karapatang pantao.

Pakikibaka ng kabataan at mamamayan laban sa diktadurya ni Arroyo

Mula ng maupo sa poder, pinagtaksilan na ni Arroyo ang kabataan. Higit pa ngayong inilulubog ng kanyang mga sakim na pakana para makapanatili sa pwesto eng edukasyon sa mas malalim na krisis.

Dahil sa pinipiling unahin ang pagkapit-tuko sa kapangyarihan, ang pondo na ilalaan sana sa edukasyon ay napupunta sa kabuktutan ng rehimen. Noong 2004, ang idagdagdag sanang badyet sa DepEd ay hindi inapruba at ginamit ni Arroyo sa kampanya. Kung tutuusin, simula ng 2001, pababa na nga ang badyet ng edukasyon, ibinubulsa pa niya ang sana'y pang-agapay sa krisis. Ngayong taon, dahil sa paggigiit ni Arroyo na maipasa ang dagdag badyet niya sa cha-cha at sa iba't iba pang pakana para makapanatili sa pwesto, ne reenact ang badyet at higit na bumaba ang halaga ng badyet sa edukasyon. Napakarami sanang pera na maaaring ilaan sa edukasyon, pero napupunta ito sa kabuktutan ni Arroyo at ng kanyang pamilya, bukod pa sa misprayoritisasyon ng pondo sa pambayad utang at gastusing militar.

Nagkaroon si Gloria Arroyo ng karapatang manipulahin ang mahigit 48 bilyong piso dahil sa pagre-reenact ng 2005 badyet. Sa kasalukuyan ay dinagdagan ng pasistang rehimen ng isang bilyong piso ang pondo ng militar upang sugpuin ang mga rebolusyonaryong nakikibakang mamamayan. Ito ay sa kabila ng matinding pangangailangan ng edukasyon para sa dagdag na pera upang pampatayo ng mga silid-araln, pagpapaayos ng mga kagamitang eskwela, at marami pang iba.

Sinisingil na ng mamamayan at kabataan si Arroyo sa kanyang mga kasalanan at lumalakas ang kilusan na nananawagan ng kanyang pagpapatalsik. Ang reaksyunaryong estado naman ay gumamit ng mga mapanupil na mga patakaran upang patahimikin ang mga mamamayan. Kabilang ang kabataan sa naging biktima ng pasismo ng estado. Ginawang animo'y mga kampo ng militar ang mga paaraalan at tiniktikan ang mga lider estudyante. Noong Marso 19, 2006, pinaslang ng mga militar ang coordinator ng League of Filipino Students sa Bikol na si Cris Hugo. Diniligan ni Cris ng sariling dugo ang harapan ng kanilang pamantasang Bicol University, ipinakita niya ang katapangan ng kabataan sa harap ng pasismo upang itaguyod ang interes ng masa.

Matapang na ipinakita ng kabataan ang militanteng paglaban sa rehimeng mapanupil. Pinangunahan ng kabataan ang pagbawi ng mamamayan sa Mendiola sa ginawang pagkilos noong Setyembre 2005. Sa iba't ibang parte rin ng bansa ay naglunsad ng mga kilos protesta ang mga estudyante't kabataan upang imarka ang nagpapatuloy na makasaysayang responsibilidad ng kabataan sa lipunan. Noong Mayo 2006 ay ipinakita ni Teresa Pangilinan, pangalawang kalihim ng NUSP Southern Tagalog, ang galit ng kabataan kay Gloria Arroyo sa harap nya mismo sa graduation ng Cavite State University. Saan man magpunta si Arroyo ay hahabulin siya ng protesta ng mga makabayan at kritikal na mga kabataan. Ganito rin ang ginawa ng mga estudyante sa UP Manila at mga paaralan sa Taft Avenue nang bumisita si Arroyo sa PGH. Hindi na siya tatantanan ng kabataang nakikibaka.

1 answer