0

Search results

HAPO is a community credit union that provides financial services which include banking, mortgage, refinancing, credit cards and business and consumer loans.

1 answer


While not an "online checking account" in the manner of Bank of America, HAPO Community Credit Union offers online banking options to its members including account management, transfers and bill-pay.

1 answer


Abdullah Muhammed Abubakar has written:

'Zanzibar hapo kale' -- subject(s): History

1 answer


There are lots of stadiums in the London area:-

Wembley

the O2 arena (the millennium dome)

Lords

Wimbledon

Crystal palace

Twickenham

Ascot

4 answers


Still have questions?
magnify glass
imp

Kiyotaka Kuroda - Namunong piratahin ang bansang tsina sa kamay ni Chiang Kaishek noong 1872-1897.

1 answer


No Kanumba is not a member of freemason,juhudi zake ndio zimemfanya afike hapo alipo,tatizo la wabongo mtu akifanikiwa mmasema freemason,mnajua past za watu?Kila mtu uwa anawakati wake wa kufunguliwa mambo yake,juhudi pia zinaitajika ili ndoto zako zitimie,Mungu hawezi kukutupa hata siku moja,unafikiri usipojishughulisha utatoka?utaishia kusema wenzako freemason huku wakisonga mbele,mtajiju.

7 answers


Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

Puso ko'y nahambal ng aking marinig

bunso, ang taghoy mo't mapighating hibik,

wala ka, anak kong, sariling hinagpis

na hindi karamay ang in among ibig.

Wala kang dalita, walang sa kahirapan

na tinitiis kang di ko dinaramdam:

ang buhay mo'y bunga niring pagmamahal,

ang kadustaan mo'y aking kadustaan.

Pagsilang mo, bunso, sa sangmaliwanag

nang panahong ako'y di pa nagsasalat

walang inadhika ang in among liyag

kundi puspusin ka ng ginhawa't galak.

Sa awa ng langit ikaw ay sagana

ng sukat iyamang malalagong lupa,

lahat ng pananim wala mang alaga

sa kaparangan mo'y tumutubong kusa.

Ang tabako't kape, palay, tina't bulak

abaka at tubo'y kailangang lahat,

sa mga lupa mo'y tantong naggugubat

itong sa sangmundo'y hirap mahagilap.

Sarisaring kalap na sakdal ng tibay

sakdal ng la-laki sa dikit ay sakdal;

hindi makikita sa sangdaigdigan,

ngunit sa budok mo'y nangagkalat lamang.

Ang asupre't tingga, ang tanso at bakal

ang ginto at pilak ay nangahuhukay

sa mga lupa mo't sa dagatan nama'y

sarisaring perlas ang matatagpuan.

Tantong naliligid ang mga lupa mo

ng dagat ng China't dagat Pacifico

balang mangangalakal sa buong sangmundo

pawang naakit dumalaw sa iyo.

Talaga nga manding ikaw ang hantungan

ng sa ibang nasyong sinimpang puhunan;

ikaw nga't di iba dapat makinabang

nang yaman sa iyo'y gawad ng Maykapal.

Sa gayo'y kailangan mata mo'y mamulat

isip ay gisingi't nang makatalastas

ng sukat asaliing ipagkakapalad

sa buhay na ito't nang di ka maghirap.

Akong iyong ina'y taga-tupad bilang

ng mga tadhana ng Poong Maykapal,

ipinaiwi ka't ang hangad ko lamang

musmos na isip mo'y sakiting aralan.

Ituro sa iyo ang utang na loob

sa nagkakandiling maawaing Diyos;

matuto ka namang sumamba't umirog,

puso mo sa kanya'y huwag makalimot.

At para mo na ngang pasalamat bilang,

makapagtanggol ka sa kapanahunan

ng aring tinamo't maapamahalaan

tapat na paggamit ng santong katwiran.

Ang tagapagturo'y pinakapili ko,

hinirang sa lalong mabait na tao;

ako'y nabighani't umaasang totoo

sa may sinumpaang mahigpit na boto.

Ang lahat ng prayle ay may sinumpaan

sa harap ng Diyos, na anaki'y tunay,

na ito raw mundo'y kusang tatalikdan,

kusang tumatangi sa lahat ng yaman.

Saan di nga baga, bunsong ginigiliw;

prayle ang siyang aking hihirangin

na tagapag-iwi blang taga-tingin

sa iyo't nang di ka baga pagliluhin.

Mahigit na ngayon tatlong daan taon

na iniiwi kang prayle ang may kandong;

katiwala akong sa gayong panahon

ang isip mo't yaman nama'y yumayabong.

Katiwala akong nagpapanuto ka

sa landas ng iyong sukat iginhawa;

katiwala akong dangal mo't ligaya

ngayo'y tinatanghal na walang balisa.

Tatlong sacerdote ang ipinabitay,

bukod sa maraming pinahihirapan,

at dili umano'y nakapipigil daw

ng iyong ligaya, bunsong minamahal.

Hindi ko inino't ang buo kong asa

ay pagmamasakit ang ginawa nila,

sa pagkabuhay mo't hindi ko napunang

magdarayang udyok ng masamang pita.

Sa abang-aba ko't laking kamalian!

laking pagkasawi! laking kadustahan!

ng ipagpabaya sa kapahamakan,

ang dapat mahaling usbong niring buhay.

Ngayon ko nga lamang, bunso, natalastas

na ang nangaaba at kinulang palad

ay pawing mabait, pawing nagsisikap

dangal ta't katwira'y igalang ng lahat.

Prayle'y napoot sa magandang nais

ng sa ati'y tapat kung magmalasakit

ngayon ko natanto, ngayon ko nabatid

ang kandili niya'y bagkus panggagahis,

Sa kayamanan mo'y sila ang sumamsam

ngalan pa ng Diyos ang sinasangkalan

at dinadaya kang di mo raw kakamtam

ang langit kung hindi sila ang bayaran.

Di ka raw titingnan ngMahal na Birhen

kung di ka bumili ng sintas at kalmen;

pag hindi mainam ang pagpapalibing

ang harap ng Diyos, hindi sasapitin.

Sa paniniwala ng mga anak mo,

maraming naghirap, at nasa kombento

ang kanilang yama't sila'y ingkilino

na namumuwisan sa paring natuto.

Ang lupang nilawag at pinaghirapan

ng magulang nila't mga kanunuan

ngayo'y asyenda na't nahulog sa kamay

ng hindi nagpagod at di namuhunan.

Ang laki at higpit sa pana-panahon

ng pagpapabuwis ay sulung ng sulong,

makasingil lamang ay di nililingon

hirap ng magsaka;t pawis na ginugol.

Salapi at pagod ng nagsisibuwis

ay walang katumbas kung di ang maghapis,

tanghaling sagana ang hindi nagpawis,

maibaon sa utang at tumangis-tangis.

Ang lahat ng ito'y ninanais sana

ng malagyang lunas ng sinta mong ina,

ngunit paanhin ko, ngayo'y matanda na,

hapo na sa hirap ako't walang kaya.

Ang mga balitang Legazpi't Salcedo

at iba't iba pang inaasahan ko

sa pagkakalinga ng tapat sa iyo,

ngayon ay wala na't inulila tayo.

Sa nangangatirang ngao'y nabubuhay

oo't may mabait, bayani at paham;

ngunit sia-sila'y nangag-iiringan

di magkasundo sa anumang pakay.

Sa ibig ng isa'y hahadlang ang iba,

sa balang kuruin ay di magkaisa

walang mangyayari tungol may halaga

sa gayo'y paanong aasahan sila!

Kaya kailangan bunsong iniirog,

matutong magtiis iayon ang loob,

sa madlang dalita, kung ayaw kumilos

ang mga anak mo sa pagkakatulog.

Mga taga-rine, Pransuay, Alemanya

at iba pang nasyon ditto sa Europa

ay nangaghirap din sa prayle ng una

pawang nangday, pawa ring ginaga.

Kanilang nasayod lahat ng hinagpis

sa paniniwala't maling pananalig,

sa prayleng nagpanggap ng taong malinis

na nagpakadukaha't nag-anyong mabait.

Bayan, palibhsang marunong mahabag,

ay nahambal ngani sa nakitang hirap,

ang prayle'y kinandong, pinuspos ng lingap,

ang mga kumbento'y sumaganang lahat.

Prayle'y hindi naman nagpapahalata

daddaga't dagdagan pag-aanyong aba,

hindi napapansin lihim nilang banta

na ang namamaya'y kanilang mapiga.

Sapagkat ang prayle'y hindi kaparis

nitong mga Paring itim kung manumit,

ang prayle ay anak sa bundok at yungib

ng mga magulang na napakagipit.

Anak sa dalagita'y buong pagsasalat

walang nalalamang gawaing paghahanap

kaya kailangang tuyuin ang lahat

upang manariwa ang sariling balat.

Pag may mamatay na tila mayaman

prayle ang aagap magpapakumpisal,

at inuukilkil na ang pamanahan

ng aring inumpok ay kumbento lamang.

Hinlog, kamag-anak ay dapat limutin

sa oras na iyon, siyang sasabihin,

kalulwa't yaman dapat na ihain

sa prayle't ng huwag impyerno'y sapitin.

Ang lahat ng ito'y nadaragdagan pa

ng bala-balaking panilo ng kuarta

kalmen, sintas, kordon, palibing, pamisa,

ay pawing pandukot sa maraming bulsa.

Sa gayon nang gayo'y lumaki nga naman

ang ari ng prayle't naghirap ang bayan;

mahalinhang bigla ng kapalaluan

ang binalatkayong kababaang asal.

Diyan na naninghal, diyan na nang-api

buong kataksilan ang pangyayari,

ang bawa't pinuno sa prayle ang kampi

baya'y namighati sa pagkaduhagi.

Ganda ng babae, ang dunong ang yaman

ay nagiging sanhi ng kapahamakan,

walang sumaklolong may kapangyarihan

sa kualita't nayuko baras ng katwiran.

Ang balang magsabi, ang balang mag-isip

ng magpaaninaw ng santong matuwid,

walang nararating kungdi ang maamis

luha'y patuluin hanggang sa mainis.

Sapagka't ang balang mapaghinalaan

na sa hangad nila'y di maaasahan

ay ipapahuli at pararatangan

ng salang dakila't madlang kataksilan.

At sa bilanggua'y agad kukulungin

sa gutom at uhaw ay papipitiin,

ang lamig ng lupa'y siyang babanigin

ng sa kanyang baya'y natutuong gumiliw.

Hindi tutulutang magtamong liwanag

sa araw at gabi ay kahabag-habag

kung hapong-hapo na sa gayong paghirap

ay paaamining siya nga'y nagsukab.

May ipinapangaw ang dalawang paa

kamay at katawa'y gagapusin muna,

saka tatapatan ang sakong ng baga

hanggang di umamin sa paratang nila.

At kung masunod na ang kanilang nasa

umamin sa sala ang lipos-dalita

tali nang kasunod, parusa'y ilalagda

sa martir ng prayle't mapapanganyaya.

Ang parusa noo'y samsamin ang yaman

Saka unti-unting alisan ng buhay;

Idaraan muna sa isang simbahan

Ang kinulang-palad . . . at saka sisigan.

Sa gitna ng plasa ay may nakahanda

na naglalalagablab na malaking siga,

diyan igagatong sa harap ng madla

ang sa kanyang baya'y ibig kumalinga.

Taghoy ng sinigan at madlang kaharap

luha ng magulang, hinlog, kamag-anak

pagtangis ng madla ay walang katapat

kundi ang sa prayleng tawa at halakhak.

Yutang-yutang tao ang nanguuyam

ng panahong yaon sa gayong paraan,

ang payapa't aliw noon ay pumanaw

nalipos ng luksa libo-libong bayan.

ang yaman nasamsam, buhay na nakitil

ay di babahagya't noo'y walng tigil,

ang sipag ng pralye sa gawaing magtaksil.

magsabog ng dusa, gutom at hilahil.

Ano pa nga't noon ay kulang na lamang

Ang nangaulila'y magpapatiwakal;

Niloob ng langit, nanangagsangguinian

at nangagkaisang sila'y magdamayan.

Diyata nga kaya, ang winika nila,

at wala nang lunas sa ganitong dusa?

diyata nga baga't itong binabata

sa inaanak nati'y ipapamana pa?

Huwag magkagayo't yayamang namalas,

na sa daang ito'y nasubyang ang landas,

ay hawanin nating, sakitin ng lahat,

ilayo ang madla sa pagkapahamak.

Lalaki't, babae, matanda at bata,

ngayo'y manalangin, sa langit paawa,

ang santong matwid sa kusang dinusta

ay ibangon nati't Diyos ang bahala.

Kanilang nilusob ang mga kombento,

prayle'y inusig pinutlan ng ulo,

ang balang makitang prayleng nakatakbo

kung hindi barilin, kanilang binato.

Higanti ng baya'y kakila-kilabot

walang pagsiyahan ang kanilang poot,

ang mga kombento'y kanilang sinunog

inuring pugad ng masamang hayop.

Prayle'y nanglalaban, ngunit lalin kaya

sa galit ng bayan ang magiging kuta!

ang payapang dagat, pasiyang nagbala

ay walang bayaning makasasansala

Yaong bayang supil, dating mahinahon,

dating mapagtiis, at mapagpasahol,

inunos ng dusa't malalaking alon

ng paghihiganti noo'y luminggatong.

Walang nakapigil, walang nakasangga,

palibhasa'y bayan ang magpaparusa

ang mga pinuno'y nawalan ng kaya,

umayon sa baya't nang di mapag-isa.

Kaya nga bunso ko't magpahangga ngayon

ang Prayleng lumakad sa kanilang nayon,

kahit na bata ay nagsisipukol

inu-using nilang parang asong ulol.

Sa paraang ito, bunsong minamahal,

ang dating dinusta'y makatighaw-tighaw;

ang prayle'y lumayas, iniwan ang bayan

at muling naghari ang kapayapaan.

Ngunit hindi naman ako nagpapayo

ang ganoong paraan baga'y asalin mo,

ako'y walang sukat na maisaklolo,

kaya katitii, magtiis, bunso ko.

Walang natimawa sa pagka-duhagi,

na di namumuhunan ng pamamayani;

kung hindi mo kayang prayle'y iwaksi

magtiis ka, irog, sa palad mong imbi.

Ang mga anak mo'y nangagugupiling,

sa dusting lagay mo'y di nahihilahil,

magdarayang hibo ng kaaway na lihim

siiyang diniringig, luha mo'y di pansin.

Diyata ay sino ang dapat mag-adya

sa iyo, bunso ko, kung hindi nga sila?

kung sa mga anak mo'y di makaaasa,

walang daan, irog, kundi ang magbata.

Ang araw na sila'y magka-isang loob

at mangagkagising sa pagkakatulog;

ang araw na iyan, ang araw ng Diyos

baya'y maniningil . . . Sino ang sasagot?

Kailangan bunsong, sila'y mahirati

sa pagmamasakit sa bayang sarili:

Kay Rizal na librong pamagat ay Noli . . .

huwag lilimuting ganito ang sabi:

"Panaho'y matamis sa tinubuan bayan

"at pawang panglugod ang balang matanaw,

"ang simoy sa bukid ay panghatid buhay,

"tapat ang pag-irog, subalit ang namatay."

Alinsunod dito'y aling hirap kaya

ang sukat indahin sa pagka-kalinga,

sa sariling baya't upang matimawa,

sa madlang pahirap at sumapayapa?

Ang lahat mong anak, ginhawa't dukha man,

maging taga bukid, maging taga bayan,

lalaki't babae, pantas man at mangmang,

santong matwid mo'y dapat ipatanghal.

Walang iba, bunso, na dapat hiliin

sila ng sa iyo'y tapat na pagtingin:

ang pagpapabaya'y pananagutan din,

sa harap ng Diyos sila'y sisisihin.

Mapanglaw na sumpa ng Poong May-kapal,

sa tamad na puso ay kalumbay-lumbay

"kayong nagpabaya sa sariling bayan,

"anya'y dapat naming Aking pabayaan!"

Ilayo ng langit sa ganitong sumpa

ang mga anak mo, bunsong minumutya:

sa iyo'y matuto ng pagkakalinga

matutong umampat ng iyong pagluha.

Ito na nga lamang ang maisasagot

ng salantang ina sa hibik mo, irog;

sasakyan mo'y gipo, huwag matutulog

ang mga anak mo't masigwa sa laot.

;---)

5 answers


Si Mariang Makiling ay isang dalaga, hindi tumatanda, nakatira sa magandang bundok Makiling sa pagitan ng provincias ng Laguna at Tayabas, subalit walang nakaka-alam kung saan talaga o kung paano siya namamahay. Sabi ng iba, nakatira siya sa isang magandang palacio na napapaligiran ng mga jardin. Ang sabi naman ng iba, nakatira siya sa

isang dukhang dampa na gawa sa karaniwang kawayan at mga dahon ng nipa.

Matangkad si Mariang Makiling at mahinhin. Ang kutis niya ay makinis, kayumangging kaligatan, sa bigkas ng mga Tagalog. Malaki at itim ang kanyang mga mata, mahaba at makapal ang buhok, at maliliit ang mga kamay at paa, at mala-candela ang mga daliri. Sa madling salita, siya ay maniwaring isang diwata, parang isinilang sa maputlang sinag ng buwan sa ibabaw ng Pilipinas, pasulpot-sulpot sa pagitan ng mga punong kahoy sa gubat ng Makiling. Ang diwa niya ang namamayani sa bundok subalit siya mismo ay bihirang makita ng mga tao.

Paminsan-minsan, natatanaw siya ng mga mangangahoy (cazadores, hunters) sa dilim ng Viernes Santo (Good Friday), kapag namumundok sila upang humuli ng usa (ciervos, deer). Nakatayo raw si Mariang Makiling sa gilid ng mataas na bangin, walang katinag-tinag habang umaalon ang kanyang buhok sa ihip ng hangin. Kung minsan daw, nilalapitan daw sila, binabati nang tahimik bago lumalayo at naglalaho sa dilim ng gubat. Walang naglalakas-luob na kumausap, sumunod o magmanman man lamang sa kanya.

Karaniwang lumalabas si Mariang Makiling pagkaraan ng bagyo (borrasca, storm) at lumiligid sa mga bukid, binubuhay muli ang mga nasirang halaman at itinatayo uli ang mga natumbang punong kahoy, at ibinabalik ang dating ayos ng lahat. Pati ang mga ilog ay bumabalik sa kanilang takdang landas at agos. At lahat ng sira mula sa bagyo ay naglalaho sa bawat madaanan niya.

Mabuti ang kaluoban ni Mariang Makiling. Dati-rati, pinahihiram niya ang mga mahirap ng damit, at pati alahas, para sa mga kasal, binyagan at fiesta. Tanging kapalit na hinihingi niya ay isang puting-puting dumalaga, batang inahen na hindi pa nangingitlog. Paminsan-minsan, lumilitaw siya sa anyo ng isang karaniwang taga-bukid at tinutulungan ang mga matatandang babae sa pagpulot ng mga panggatong (leñas, firewood ). Pagkabigkis at pasan na ng matandang babae ang mga kahoy, isinisingit nang lihim ni Mariang Makiling sa bigkis ang pira-pirasong ginto, barya (monedas, coins), pati mga alahas ( joyas, jewels).

Minsan, ayon sa cuento, isang mangangahoy ang nakakita ng baboy damo. Kumaripas ang hayop sa mga sukal at tinik ng gubat habang walang tigil na humabol ang lalaki, na nagka-galos-galos sa mga tinik. Biglang-bigla, narating nila ang isang maliit na kubo. Takbo at nagtago ang baboy damo sa luob. Natigilan ang lalaki, lalo na nang lumabas ang isang magandang dalaga.

"Sa akin iyong baboy damo," sabi ni Mariang Makiling sa lalaki, "at hindi mo dapat hinabol. Subalit nakikita kong ikaw ay pagod na pagod, at sugatan. Pulos dugo ang iyong mga bisig at binti. Halika sa luob, magpahinga ka at kumain. Gagaling ka, tapos maaari ka nang umuwi."

Napukaw ang lalaki sa alindog ni Mariang Makiling. Pumasok siya sa kubo at, walang imik, kinain lahat ng lugaw na hinain. Masarap at kaiba sa lahat ng natikman niya. Naramdaman niyang napawi ang kanyang hapo, gumaling ang kanyang mga sugat at bumalik ang kanyang lakas. Binigyan siya ni Mariang Makiling ng ilang piraso ng luya (jingibre, ginger).

"Ibigay mo ito sa iyong asawa," sinabi niya sa lalaki na, utal pa rin, ay yumuko lamang bago umalis. Isinuksok ng lalaki ang mga luya sa luob ng kanyang salakot (sombrero de hoya, palm leaf hat). Habang pauwi, pabigat nang pabigat ang mga luya kaya dinukot niya ang ilang piraso at itinapon. Kinabukasan, nagulat silang mag-asawa nang nakitang kumikinang ang 'luya' na naging lantay na ginto (oro puro, pure gold) ang mga ito. Laking hinayang nila sa mga 'luya' na naitinapon pauwi.

Hindi laging mabait si Mariang Makiling sa mga mangangahoy. Minsan, pinaparusahan niya ang mga ito.

Isang hapon, 2 mangangahoy ang pauwi mula sa bundok, kasama ang kanilang mga aso at pasan-pasan ang nahuling usa at baboy damo. Nasalubong nila ang isang matandang babae na humingi ng limos. Hindi na binigyan, itinaboy pa nila ang matanda na nagbanta,

"Isusumbong ko kayo sa may-ari niyang mga hayop!"

Humalakhak ang 2 lalaki bago nagpatuloy pauwi. Nakababa na ang araw pagdating nila sa paanan ng bundok at, sa dilim, narinig nila ang sigaw mula sa malayo: "Nanduon sila!"

Sinundan ito ng mas malayong sagot, "Duon sila! Duon!"

Hindi naunawaan ng 2 mangangahoy subalit tumaas ang tenga ng kanilang mga aso, umungol at tumabi sa kanila. Pagkaraan ng ilang saglit, narinig uli nila ang mga sigaw, mas malapit, mula sa gilid ng bundok. Umingit-ngit sa takot ang mga aso, ibinaba ang mga buntot sa pagitan ng mga paa, at kumaripas ng takbo. Tumakbo na rin ang 2 mangangahoy, lalo na nang umalingawngaw uli ang mga sigaw, malapit na malapit na! Sindak sila sa bilis ng mga humahabol!

Umabot ang 2 mangangahoy sa sapang Bakal at, sa takot, binitawan ang dalang usa at baboy damo at umakyat sa isang punong kahoy habang patuloy na tumakas ang mga aso. Sa isang kisap-mata, dumating ang mga humahabol - mga dambuhalang halimaw pala! Sinakmal ng mga ito at kinain ang usa at baboy damo. Ilang minuto lamang, naubos at tumakbo uli ang mga halimaw pabalik sa bundok. Isa sa mga mangangahoy, mas matapang, ay bumaril sa mga halimaw subalit mintis!

Wala kahit isang nakatuklas sa mga magulang ni Mariang Makiling, o kung mayruon siyang mga kapatid o ibang kamag-anak. Ang mga nilalang na tulad niya ay maniwaring lumilitaw na lamang, tulad ng mga bato na tinatawag ng mga Tagalog na "mutya."

Wala ring naka-alam ng tunay niyang pangalan, basta tinawag na lamang siya ng mga tao na "Maria" dahil karaniwang pangalan ito ng mga Pilipina, at "ng Makiling" dahil duon sa bundok na iyon siya laging nagpapakita. Hindi raw siya pumasok sa kabayanan ( pueblo, town) kahit minsan, o sumali sa anumang pagdiriwang sa simbahan.

Hindi siya nagbago ng anyo. Ang 5 o 6 na anak-anakan ( generations) na nakakita sa kanya, laging sabi ay bata, maliksi at dalisay si Mariang Makiling. Subalit ngayon, marami nang taon na hindi siya nakikita, kahit anino ay hindi na aninaw sa Makiling, kahit na sa liwanag ng buwan. Ngayon, ang mga kasal at iba pang pagdiriwang ay hindi na nakikitaan ng mga alahas ni Maria, wala nang tumatanggap ng handog na yaman.

Naglaho na si Mariang Makiling. Sabi ng iba, kasalanan daw ng mga tao sa kabayanan na ayaw magbayad ng puting dumalaga. Ni hindi raw ibinalik ang mga hiniram na alahas at mga damit.

Subalit sumbong ng iba, nagalit daw si Mariang Makiling dahil tinatangkang agawin ng mga hacenderos ang lupain sa bundukin.

Labels: Alamat, Alamat ni Maria, Buod ng Maria Makiling, Kuwento ng Maria Makiling, Maikling Kuwento,Makiling, Maria Makiling

2 answers


Nagmamadali ang Maynila

3 answers


I have a copy of "dugo at utak" by Cornelio S. Reyes in my blog spot.

Actually it is one of my project in my Filipino subject that's why I have a copy.

I searched it for 2-weeks in any library that I know but still I found it... yeah!

It is very hard to find it because their is no copy in the internet. (damn!)

But now their is now a copy of "dugo at utak" here at the internet, just go to my blogspot.

Wish this little thing may help you :D

" http://angpanitikangpilipino.blogspot.com/search?updated-min=2009-01-01T00%3A00%3A00-08%3A00&updated-max=2010-01-01T00%3A00%3A00-08%3A00&max-results=1 "

good luck :D

by: "jomzkie"

note: kindly leave some message in the "Discussion" thnx :D

3 answers