answersLogoWhite

0


Best Answer

Si Charmaine Clarice Pempengco o mas kilala bilang Charice Pempengco ay ipinanganak noong 10 Mayo 1993. Una siyang nakilala sa isang paligsahan ng pag-awit sa ABS-CBN. Nakarating siya sa finals at nagwagi ng ikatlong pwesto. Noong nakaraang taon (2007), nakita sa YouTube ang kaniyang angking galing sa pag-awit hanggang siya ay naimbitahan ng The Ellen DeGeneres Show, isang pamosong palabas sa telebisyon sa Amerika. Nasundan ito ng isa pang imbitasyon mula sa Paul O'Grady Show, isang sikat na palabas sa London. Naging panauhin din siya sa The Oprah Winfrey Show, isa ring popular na programa sa telebisyon sa Amerika. Sa lahat ng mga pagtatanghal na nabanggit, binigyan si Clarice ng standing ovation. Isang pagpapatunay na sumasaludo sa talento ng isang Filipino maging ang mga dayuhan saan mang bahagi ng mundo.

Higit na naipamalas ni Clarice sa buong mundo ang galing ng mga Pinoy noong siya ay nagtanghal sa isang palabas na pinamagatang "David Foster & Friends" sa Mandalay Bay sa Las Vegas. Kasama niya ang mga beteranong mang-aawit tulad Nina Josh Groban, Michael Bubéle, Kenny G., Andrea Bocelli, Brian McKnight at iba pa. Dalawang ulit na nabigyan si Charice ng standing ovation.

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Talambuhay ni charice pempengco in tagalog?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp