answersLogoWhite

0

Search results

Iisang Bangka Tayo was created in 1991.

1 answer



The scientific name of bangka-bangkaan is Diospyros blancoi.

2 answers


The scientific name for bangka-bangkaan is Barringtonia asiatica.

2 answers


Still have questions?
magnify glass
imp

Bangka bangkaan, also known as the "Bangka" or "Bangka fish," is typically found in the waters of Southeast Asia, particularly around Indonesia, the Philippines, and Malaysia. These fish often inhabit coastal areas, mangroves, and reef ecosystems. They are commonly sought after for their culinary value in local cuisines.

1 answer


The cast of In bangka ha ut sin duwa sapah - 2012 includes: Sue Prado as Maryam

1 answer


tagilid ang bangka

2 answers


Zakaria Zainuddin has written:

'Sejarah ibukota Kabupaten Bangka Tengah'

1 answer


Ibrahim Bintang Manessa has written:

'Masyarakat Sungaiselan, Bangka'

1 answer


"Sampaguita" is the national flower of the Philippines and often symbolizes purity, devotion, and love. "Nagbangka-bangka'" refers to a boat or canoe gently swaying or rocking on water. The phrase may be used metaphorically to imply feelings of tenderness, affection, or longing.

1 answer


Ako..Ang ginawa ko ay nakakalipad na bangka!

1 answer


No, bangka bangkaan leaves are not typically used as an ink substitute. While some plants may be used to create natural pigments for dye, they are not commonly used to make ink. Traditional ink is usually made from carbon black or dyes mixed with a liquid like water or oil.

2 answers


Yadi Mulyadi has written:

'Pemetaan guru SMK Jawa Barat, Bangka Belitung, dan Kalimantan Tengah'

1 answer


Bernd Nothofer has written:

'Dialektatlas von Zentral-Java'

'Dialek Melayu Bangka' -- subject(s): Malay language, Dialects

1 answer


sumakay sila papunta dito sa pilipinas gamit ang isang bangka tawag na balangay.

1 answer


Sandra Dewi was born on August 18, 1983, in Pangkal Pinang, Kepulauan Bangka Belitung, Indonesia.

2 answers


namatay sa lawa o inilibing sa limot ang isang wikang pambansa

3 answers


Negrito-na unang grupo ng tao dito sa pilipinas

-dumaan sa mga tulay na lupa

Indones-ang pangalawang grupo ng tao dito sa pilipinas

-ang iba ay dumaan sa mga tulay na lupa

-ang iba ay sumakay ng bangka papuntang pilipinas

Malay-ang huling grupong tao dito sa pilipinas

-sumakay ng bangka na ang tawag ay "balangay"

1 answer


The Tagalog word for "vintas" is "paraw," which refers to a traditional sailboat commonly found in the Philippines. It is a colorful and unique watercraft that is often used for transportation and leisure activities in coastal areas of the country.

2 answers


ipinag luluksa ng apat na araw. inilalagay sa kabaong na bangka o ataul. inililibing sa tabi ng bahay O sa porch [bakon]

maaaring kukuhain ang mga buto ng labi pagkalipas ng isang taon O mahigit inilalagay sa banga bilang pangalawang libangan

mark as thanks

1 answer


1. Formative- pinakamatagal na yugto (libong taon)

- malayang uminog ang kulturang-bato

*Paleolitiko- pangangaso, pangangalap(gathering)

*Neolitiko- pagtatanim, paggawa ng palayok, pangingisda, paggawa ng bangka

pag-aalaga ng hayop, may permanenteng tirahan (kweba).

2. Incipient- nadiskubre ang metal partikular (BRONZE)- pinaghalong tanso at lata.

3. Emergent- kabihasnan sa Pilipinas

1 answer


Sumatra is the largest island in Indonesia, but the national capital (Jakarta) is on the island of Java. There are 10 provinces on Sumatra and each province has a capital city:

Nangroe Aceh Darussalam : Banda Aceh

Sumatera Utara : Medan

Sumatera Barat : Padang

Riau : Pekanbaru

Jambi : Kota Jambi

Sumatera Selatan : Palembang

Bengkulu : Bengkulu Kota

Lampung : Bandar Lampung

Kepulauan Bangka Belitung : Pangkal Pinang

Kepulauan Riau : Tanjung Pinang
The capitol of Sumatra is the city of Jakarta.

3 answers


Ang Tsinelas Ni Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay Hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay Hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at Dali Dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

2 answers


Ang Tsinelas Ni Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay Hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay Hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at Dali Dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

2 answers


IF I'M NOT MISTAKEN THERE ARE 33 PROVINCE/STATES IN Indonesia :

# nangroe aceh darusalam # north sumatra # west sumatra # riau # jambi

# south sumatra

# bengkulu # lampung # island of bangka belitung # island of riau # dki jakarta # west java # center java # di yogyakarta # east java # banten

# bali # west nusa tenggara # east nusa tenggara # east kalimantan # center kalimantan # south kalimantan # west kalimantan # north sulawesi

# center sulawesi # south sulawesi # southeast sulawesi # west sulawesi # gorontalo # north maluku # maluku # papua # west papua

1 answer



(answers are based on self learned knowledge)-nhoj livmar auhc nanggaling ang unang lahing Filipino sa mga negrito gamit ang tulay na lupa sumunod ang indones at huli ang mga Malay na pareho gumamit ng bangka para sa pilipinas makapunta sa pilipinas. napagsalinsalin ang mga lhi nga Filipino. kasama na din ang mga dayuhang nakipagkalakalan na narinahan sa pilipinas at nagkapamilya na sa mga Filipino. kasama din dito ang maga mananakop kaya ang lahing Filipino ay binubuo ng mayayaman na kultuera at tradisyon na namana nayin sa mga nagdaan na mga panahon

2 answers


My 3 top favorite cities in Mindanao:

1.) General Santos City -- visit the Fishport (the most expensive and biggest fish port in the phils.), tuna in Gensan are all fresh and expensive, sea foods are the best!, it has 3 big malls for you to shop and to buy goodies for pasalubong, visit the isla parilla as well.

2.) Davao City -- visit the Jack's Ridge, Eden Resort, and Crocodile farm, gigs at torres, afhat seafoods restaurant is the best, Bangka ni Kuya Ed if you love to eat-ol-u-can, Samal beaches are spectacular and very inexpensive, and try the Durian Fruit--very addictive!!.

3.) Samal City -- visit this island. For 500 pesos only, you can enjoy the scenery and food while enjoying the white sand beaches of samal island. Kaputian Beach in Samal is great!! the sand is purely white and refined, and take note, the entrance only cost 20 pesos.


*based on my experienced*
Kaey's document.

1 answer


Indonesia has no states in it, but Indonesia is divided into 33 provinces (as of February 2010), and the names of the provinces (in Indonesian) are:

  1. Nanggroe Aceh Darussalam
  2. Sumatra Utara
  3. Sumatra Barat
  4. Riau
  5. Kepulauan Riau
  6. Jambi
  7. Bengkulu
  8. Sumatra Selatan
  9. Bangka Belitung
  10. Lampung
  11. Banten
  12. Daerah Khusus Ibukota Jakarta
  13. Jawa Barat
  14. Jawa Tengah
  15. Daerah Istimewa Yogyakarta
  16. Jawa Timur
  17. Kalimantan Barat
  18. Kalimantan Tengah
  19. Kalimantan Timur
  20. Kalimantan Selatan
  21. Sulawesi Utara
  22. Gorontalo
  23. Sulawesi Tengah
  24. Sulawesi Barat
  25. Sulawesi Selatan
  26. Sulawesi Tenggara
  27. Bali
  28. Nusa Tenggara Barat
  29. Nusa Tenggara Timur
  30. Maluku
  31. Maluku Utara
  32. Papua Barat
  33. Papua

6 answers


Ang pambansang wika ay isang wika (o diyalekto) na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isang lahi at/o bansa. Ginagamit ang isang pambansang wika sa politikal at legal na diskurso at tinatatalaga ng pamahalaan ng isang bansa.

Isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng huling makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang bangka patungong Europa.[2]

1 answer


The main languages spoken in Sumatra are Indonesian (official language) and various regional languages such as Batak, Acehnese, and Minangkabau. English is also spoken to some extent in urban areas and tourist destinations.

3 answers


Ang Mapagbigay na Punong-Kahoy

Ni Shel Silverstein

Noon, may isang punongkahoy

Na nagmamahal sa isang batang paslit.

Araw-araw dumarating ang bata para pumulot ng mga dahon,

At gumawa ng korona at magkunwari ng hari ng kagubatan.

Inakyat niya ang puno, at nagpaduyan-duyan sa kanyang mga sanga, at namimitas ng mga prutas, at naglaro ng tagu-taguan.

At kung siya'y napapagod, nagpapahinga siya sa lilim ng puno, at lubusang minahal ng bata ang punong kahoy. At ang puno'y nagging Masaya.

Makalipas ang panahon, at ang bata'y lumaki, ang puno'y madalas na naiwang mag-isa.

Ngunit isang araw, dumating ang bata. "Halika bata, akyatin mo ako at magpaduyan-duyan sa aking mga sanga, pitasin ang aking mga prutas, maglaro sa lilim ko, at masiyahan" wika ng puno. "Matanda na ako para makipaglaro". "Gusto kong magpakasaya, kailangan ko ng mga kagamitan, kailangan ko ng pera." Wika ng bata.

"Pasensya ka na," wika ng punongkahoy. "Wala akong salapi, meron lang akong mga prutas." "Kunin mo ang mga prutas ko at ibenta mo sa bayan, magkakaroon ka ng pera at ikaw ay liligaya." Pinitas ng bata ang mga prutas at dinala sa malayo. At ang puno ay nasiyahan. Ngunit matagal na nawala ang bata. At ang puno ay nalungkot.

Ngunit isang araw, nagbalik ang bata at ang puno'y nasiyahan. "Halika bata, akyatin mo ako at magpaduyan-duyan sa aking mga sanga". "Wala akong panahon umakyat sa puno." "Gusto kong makapag-asawa. Gusto kong magka-pamilya." "Kailangan ko ng bahay. Maaari mo ba akong tulungan?" "Wala akong bahay," sabi ng punongkahoy. "Ang gubat ang aking bahay." "Kung gusto mo, putulin mo ang aking mga sanga upang makapagtayo ka ng bahay, at ikaw ay liligaya." Muling lumayo ang bata at nagpatayo ng bahay. At ang puno ay nasiyahan.

Matagal na nawala ang bata. At sa kanyang pagbalik, lubos na nasiyahan ang puno. "Halika bata. Tayo na at maglaro." "Matanda na ako at lubhang nalulungkot para makipaglaro." "Nais kong magkaroon ng bangka para lumayo." "Maaari mo ba akong tulungan?" "Putulin mo ang aking katawan at gawing bangka." "Ikaw ay makakapaglayag……. At ikaw ay liligaya."

Kaya't pinutol ng bata ang puno, gumawa ng bangka, at naglayag. Ang puno ay nasiyahan, ngunit hindi ng lubusan.

Pagkalipas ng matagal na panahon, nagbalik ang bata. "Pasensya na bata wala na akong maibibigay pa sa iyo." "Ubos na ang mga prutas ko." "Mahina na ang ipin ko para sa mga prutas." "Wala na akong mga sanga." "Hindi na ako bata para magpaduyan-duyan." "Wala na akong katawan." "Hindi ko na kayang umakyat ng puno, matanda na ako." "Pasensya na. Sana meron pa akong maibibigay sa iyo pero wala nang natira." "Ako'y isang matandang tuod na lamang. Pasensya na." "Wala na akong kinakailangan ngayon," sabi ng bata. "Amg nais ko lang ay isang tahimik na lugar upang magpahinga." "Kung gayon, ang matandang tuod ay magandang upuan at pahingahan." "Halika, bata, at umupo. Umupo ka at magpahinga." At gayon nga ang ginawa ng bata. At ang puno ay nasiyahan.

WAKAS.

1 answer


Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na Tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga Tao.

Halimbawa

Ang Tsinelas -Anekdota ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay Hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni't sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay Hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at Dali Dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

"Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

Isang Anekdota ukol Sa Pangulong Quezon

Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't may-sakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio Tamayo, O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng nars na maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa maysakit ang kanyang pagdating.

Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa Pangulo na may panauhin. Ganito ang sinabi, "Mr. President, the prest is here."

Dahil sa maling pagbigkas ng nars sa salitang "priest", inakala ng Pangulo na ang kanyang panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw n autos ng Pangulo ay, "Sabihin mo sa 'press' na pumunta sa impyerno."

Subali't bago niya natapos ang pangungusap na ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.

Madali niyang natutunan ang abakada (isang kawili-wiling anekdota sa buhay ni Jose Rizal)

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada. Datapuwa't ang tugon ni Ina'y Hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe'y nagpumilit kaya't sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa'titik. Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin. Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.

2 answers


Anak ng Pasig

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig

Nagisnan ang ilog na itim ang tubig

Lumaking paligid ang bundok na umuusok

Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig

Pa-swimming swimming sa itim na tubig

Playground lang ang bundok ng basura mo

Musika'y ugong ng kotse at bangka niyo

Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo

Hanggang makakita ako ng lumang litrato

Di maniwalang Pasig rin ang tinitingnan ko

Kaibigan ano ang nangyari dito

Chorus:

Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko

Anak ng Pasig naman kayo

Tapon doon, tapon dito

Di niyo alam ang tinatapon niyo

Ay bukas ko at ng buong mundo

Huli na ba ang lahat

Patay na ba ang ilog at dagat

Kapag pasig ay pinabayaan

Parang bukas ang tinalikuran

(Repeat Chorus)

Anak ng Pasig naman kayo

May bukas pa ang ating mundo .

Ako'y umusbong sa tabi ng pasig

1 answer


Sumatra, Java, Sulawesi, Irian Jaya, Kalimantan


Java,Kalimantan,Sulawesi,Papua are the main islands in Indonesia. Java,Kalimantan,Sulawesi,Papua are the main islands in Indonesia. Java,Kalimantan,Sulawesi,Papua are the main islands in Indonesia. Java,Kalimantan,Sulawesi,Papua are the main islands in Indonesia. Java,Kalimantan,Sulawesi,Papua are the main islands in Indonesia.

8 answers



Walang paa, walang pakpak, naipamamalita ang lahat.

Aklat

Book

Munting tiririt, may tumbaga sa puwit.

Alitaptap

firefly

Heto, heto na, malayo pa'y halakhak na.

Alon

Wave

Pagsipot sa liwanag, kulubot na ang balat.

ampalaya

bitter melon

Maikling landasin, di maubos lakarin.

anino

shadow

Mataas ang paupo kaysa patayo.

Aso

Dog

Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig.

Asin

Salt

Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.

bibig

mouth

Naligo ang kapitan, Hindi nabasa ang tiyan.

bangka

canoe

Uka na nga ang tiyan, malakas pang sisigaw.

batingaw

large bell

Itinanim sa kagabihan, inani sa kaumagahan.

bituin

star

Sinakal ko muna, bago ko nilagari.

biyolin

violin

Dumaan ang hari, ang mga tao ay nagtali.

bagyo

storm

Sa araw ay nagtataboy, sa gabi ay nag-aampon.

bahay

house

Dalawang batong maitim, malayo ang dinarating.

mata

eyes

Dalawang balon, Hindi malingon.

tainga

ears

Isang bayabas, pito ang butas.

mukha

face

Limang puno ng niyog, isa'y matayog.

daliri

fingers

Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga matsing.

kampana

large bell

1 answer


Sue Prado has: Played Abadeha in "Abadeha Neo-Ethnic Rock Cinderella" in 2007. Played Gina in "Walang kawala" in 2008. Performed in "Himpapawid" in 2009. Played Shamayne in "Layang bilanggo" in 2010. Played Milagros (segment "Camote") in "Ganap na babae" in 2010. Played Herself (segment "The Philippines 2009") in "The Erotic Man" in 2010. Played Marie in "Thelma" in 2011. Played Hidie in "Bahay bata" in 2011. Performed in "Teoriya" in 2011. Played Female Store Owner in "Aswang" in 2011. Performed in "Liham para kay Marco" in 2011. Played Lolita in "Cuchera" in 2011. Played Concha in "Corazon: Ang unang aswang" in 2012. Played Helen in "Magpakailanman" in 2012. Performed in "Mientras su durmida" in 2012. Played Young Sophia Alcantara in "Legacy" in 2012. Played Joanna in "Paglaya sa tanikala" in 2012. Played Maryam in "In bangka ha ut sin duwa sapah" in 2012. Played Alexanderia Caballero in "Mga dayo" in 2012. Performed in "Mamay Umeng" in 2012. Performed in "Baybayin" in 2012. Performed in "Kamera obskura" in 2012. Played Mameng in "Magpakailanman" in 2012. Performed in "Mga kuwentong barbero" in 2013. Performed in "Bayang magiliw" in 2013. Performed in "Ang kwento ni Mabuti" in 2013. Performed in "Bendor" in 2013. Performed in "Liars" in 2013. Played (2013) in "Titser" in 2013. Played Mrs. Reyes in "Titser" in 2013. Played Miranda in "The Deadline" in 2013. Played Cora in "Kakambal ni Eliana" in 2013.

1 answer


Si Diego Silang ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.

Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ni Padre Cortes y Crisolo, kura paroko ng Vigan. Duon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.

Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal.

Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. NoongSetyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay kabilang sa Pitong Taong Digmaan.

Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Natatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang.

Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar. Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng mga ito.

Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos.

Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan.

Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni Simon de Anda at nagalok ng pabuya kung sino man ang papatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga kaibigan ni Diego, si Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit ng pabuya ng Audiencia.

Sa hatang edad na 33, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban

1 answer


Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain ng Samar.

Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang kanilang pananim at patayin ang kanilang mga alagang hayop.

Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng pagkain.

Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani.Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang buhay na walang gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat sa gutom.Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata ang kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa.Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan. Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng ama't-ina. Siya din ay nalungkot.Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan.Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang maliit na bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan. Marami na siya ring narinig tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung makakahanap siya ng lugar kung saan sila maninirahan habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na siyang malunod bago niya ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng Kabikulan.Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at Inalon na sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at Lignion. Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang mga hayop. Para itong lupain ng gatas at pulot.Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili.Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang buwaya na may pakpak na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng isang babae. Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa mano-manong pakikipaglaban natalo niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpira-piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan.Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan.

1 answer


Kabanata 23

Ang Piknik

Buod

Bata't matanda at mga kadalagahan ang maagang dumating sa tagpuan sa dalampasigan. Dalawang Bangkang nagagayakan ng iba't ibang kulay ns bulaklak ang naghihintay sa mga sasama sa pangingisda Madilim pa ay dumating na ang mga katulong na babae na mayroong dala-dalang mga pagkain at pinggan.

Meron ding mga sari-saring instrumentong dala ang mga kabataan.

Kasama ni

Maria Clara ang kaniyang matatalik na kaibigan.

Sila ay masayang naglalalad, nagkukuwentuhan at nagbibiruan.

Sinasaway sila ni Tiya Isabel at ang ibang mga matatanda sa kanilang maingay na usapan at tawanan.

Naghiwalay sila ng bangkang sinakyan sa takot na lumubog ito sa maraming sasakay na kabinataan.

Nagsama-sama ang mga lalaki kung saan meron silang nililigawan. Si Maria Clara naman ay nakasakay sa Bangka kung nasaan si

Crisostomo Ibarra.

Tumahimik ang mga dalaga sa harapan ng mga lalaking kanila ring nagugustuhan.

Ang piloto ng dalawang Bangka ay si Elias; isang matipuno, matikas at maitim. Mahaba rin ang buhok nito ngunit ang kaniyang katawan ay siksik ng laman.

Kumanta ng isang kundiman si Maria Calara habang naghihintay ng agahan.

Matamang nakinig ang mga kasama niya. Si Andeng na siyang naghahanda ng pagkain ay nagsabi na kulang na lang ang isda sa niluluto niyang sinigang.

Ang dalawang grupo ng nagpipiknik ay nasa baklad na ni Kapitan Tiyago. Isang anak ng mangingisda ang nagtangkang magpandaw sa palaisdaan. Wala siyang nahuli ni isa.

Si Leon ang katipan ng kaibigan ni Maria Clara na si Iday ay sumalok din sa baklad. Wala rin siyang nahuli.

Sinabi niya ang hinala niya na may kumakain sa mga isda sa baklad kaya nangawala.

Si Elias ay biglang tumalon sa tubig. Ang takot ng mga kababaihan. Ang mga lalaki ang nagsabi sa kanila na sanay si Elias sa paghuli ng buwaya.

Nahuli nga ni Elias ang buwaya pero malakas itong lumaban sa binata. Malapit nang matalo si Elias nang lumundag din si Ibarra sa tubig para tulungan si Elias.

Hindi hinimatay sa takot si Maria Clara. Hindi inaasahan ang dalagang magpakita ng takot sa pamamagitan ng paghihimatay.

Patuloy ang labanan sa ilalim ng tubog kaya isa pang anak ng mangingisda ang tumalon sa tubig na may dalang gulok.

Lumitaw na naman si Ibarra at si Elias. Iniligtas ni Ibarra ang buhay ni Elias.

Hindi man hinimatay si Maria Clara ay hindi naman ito nakakibo nang matagal. Natauhan lang siya nang Makita niyang ligtas ang kasintahan.

Marami namang isda ang nahuli ng mga nagpipiknik. Pumunta sila sa gubat na pag-aari ng pamilyang Ibarra.

Kumain sila sa lilim ng mga puno na malapit sa batisan.

4 answers


MARAGTAS
(Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo)
Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira ay ang mga Ita, pinamumunuan ni
Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upang
pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sa
kanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isang
datu kaya't ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila nabago manungkulan
ang isang datu, nararapat na siya ay pakasal. Sa dami ng babae na naghahangad sa kanya
ang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan.
Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim at
pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba
pang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog.
Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may dumating sa kanila ang
mga bagay na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng dahon balat ng
kahoy o hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa bundok at
pinatatakbo lamang, kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang isang
babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging nagbabantay
ay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilungan
upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy na
malapit sa pinagsilangan.
Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang
espiritu, kaya't upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain
sa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay na
mahalaga sa kanila sapagka't lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. May
ibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, ito'y patayong nakabaon sa lupa nang
may salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patay
ay isang mabisang lupang dapat pagtaniman.
Ang mga Ita ay magagalang sa bawa't isa. Walang inggitan at ang Datu ang siyang
lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawa't isa. Ang sinumang magkasala ay
pinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay.
Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumating
ang Sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga
katulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampung
datu ay sina:
1. Datu Puti
2. Datu Sumakwel
3. Datu Bangkaya
4. Datu Paiburong
5. Datu Paduhinogan
6. Datu Domongsol
7. Datu Lubay
8. Datu Dumangsil
9. Datu Domalogalog
10. Datu Balensuela
Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay,
subalit sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay Datu
Marikudo, sila'y nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan at napagkasunduan
ay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysayan ang
pangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahangloob
ng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas, at mga gamit sa pakikidigma ang mga
Ita.
Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudo
ng isang gintong salakot at isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuot
ni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan.
Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu puti, ang
laki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upang
doon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan
ng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagka't ayon sa kanya ay kaya na
niyang tagalan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa
pamamahala ni Datu Sumakwel, sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta naman
sa Luzon.
Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala ay
pinarurusahan, pinuputol ang kamay ng sinumang magnakaw at ang mga tamad ay pinagbibili
na isang alipin o kaya'y pinagagawa sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan ay
magagalang at mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na matatagpuan sa
Bundok ng Madyas.
Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki,
sila ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutan
na ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ng
mga pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang pangkat ang babae ay pansamantalang
nakatago.
Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan,
pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda at
marurunong na anak.
Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliliguan ng katas ng mababangong bulaklak,
binibihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagka't isang paraan daw
ito upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw na pagbabantay, ang patay
ay inilalagay na sa kaban na may iba't ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isang
mayaman, isang katulong ang sa kanya'y isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay.
Kung ang namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay
inilalagay sa bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila naman
ay nagsusuot ng puting damit bilang pagluluksa.
Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na
dumating sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sa
kanya ng kapighatian at kalungkutan.
Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwel
na magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw. Umalis siya na
iniwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagbilin niya kay
Gurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyang
asawa ay may gusto kay Gurung-gurung.
Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar at
tahanan. Kaya't upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila, pinahanda ang lahat
ng kanyang kailangan sa paglalakbay, na di batid ng kanyang asawa na iyon ay isa lamang
pakana. Nagkataon naman kinabukasan, pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upang
utusan daw, subalit sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinihintay ang pagdating ni
Gurung-gurung. Subalit ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na
bumagsak si Gurung-gurung na may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni
Kapinangan, naisaloob niya na mabuti pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras na iyon.
Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin.
Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bago'y siya ang pumatay
kay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa kisame. Pinagluto
niya si Kapinangan. At sinabing siya'y gutom na gutom. Nagtaka siya nang magreklamo si
Kapinangan nang sabihin niyang putul-putulin ang isda na dati rati'y kanyang ginagawa.
Upang di-parisan ng mga kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa gitna ng
dagat, subalit ang kanyang inutusan ay nagdalang habag, kaya't dinala na lamang niya si
Kapinangan sa malayong pook at doon nila iniwan.
Sa pangalang Alayon, nakikilala sa Kapinangan sa lugar na kanyang narating, at siya'y
sinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan.
Lumipas ang maraming taon, subalit ang nangyari kay Sumakwel ay di rin niya
nalilimutan. Minsan siya ay naglalakbay upang maghanap ng mga pananim, at sa diinaasahang
pangyayari ang narating niyang lugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. Di na
niya nakilala si Kapinangan sa tagal ng panahong pagkakalayo. Naging mahusay ang
pagtanggap sa kanila sa nasabing lugar at sa loob ng ilang araw na pananatili doon, si Alayon
at Datu Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay,
parang ayaw na niyang makipagsapalaran.
Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa napipinto
niyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu Sumakwel sapagka't
sila'y pinaglapit ng kanilang mga kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at namuhay
nang matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng kanilang buhay, ay di
nakilala ni Datu Sumakwel na ang kanyang muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyang
asawa.

3 answers


Naging Sultan si Pilandok

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.

Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.

Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak.

"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan.

"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."

"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.

"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak." Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.

"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."

Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga ministro."

"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.

Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.

2 answers


Buod ng Paalam sa Pagkabata ni Nazareno D Bas

Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim - iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko.

Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil ng paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya.

Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin ko'y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.

Maliwanag na ang silangan nang ako'y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga.

Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito'y ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito'y tinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan.

"Hanggang ngayon ba'y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari?"

Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang matang tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon.

Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buong-buo pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan akong malaman.

Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha.

"Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo."

Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi sa aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit?

"Ano pa ang hinihintay mo, Celso?"

Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-maya'y tumakbo na ako ng matulin.

Nasa dalampasigan ang mamamili ng isang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan.

Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gutara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At mula na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundiman umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko.

"Naririyan na naman siya."

"Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam."

Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa ilalim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbabanta ng parusa.

Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayo'y gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha ang kanyang mga mata.

Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawal sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako.

Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos.

"Dalawin mo ako palagi, ha?"

Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi - lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay.

Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mga bangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako.

"Lapit rito, Celso!"

Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal.

"Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin."

Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?

Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang gawain. Matapos makapananghalian siya'y matutulog. Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay.

Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko sa Nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao.

Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko ang katarungan ang aking kalagayan.

Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat.

"Huwag, Celso!" saway ni Nanay na nanginginig ang boses. "Huwag!"

Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang ito'y magkagutay-gutay na at nagkalat sa aking paanan.

"Celso!"

Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat.

Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may nakita akong anino - si Tatay na sumusurot kay Nanay.

"Ngunit, Tomas," nagmamakaawa si Nanay. "Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa kaniya."

"Pumanhik ka, Isidra!" singhal ni Tatay. "Pumanhik ka na habang ako'y nakapagpipigil pa."

Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking katawan at ako'y gumagapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at iningudngod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi.

Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihina'y umusad ako nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal

2 answers



"Ang Mangingisda" is a Filipino short story about an old fisherman named Tio Sabel who faces challenges in his life while trying to provide for his family. Despite his struggles, he remains resilient and hopeful, showcasing themes of perseverance and familial love. The story emphasizes the importance of resilience and determination in the face of adversity.

2 answers



Bidasari

(Epiko ng Mindanao)


Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito ay naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at pinauwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol na Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.


Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng: "mahal na mahal ka sa akin." Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: "Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?" Ang naging tugon ng

Sultan ay: "Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat." Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang mas maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.


Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang di-umano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang gilid at doon pinarurusahan.
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at ipinauwi na niya si Bidasari.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.


Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat ni Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad na pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon, ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahinik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa
sila ng isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha ni Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari na kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinapati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.


English Version:


When a simple merchant, his young son and mute servant are out in the woods, they chance upon a drifting boat, in which there is a baby girl and a bowl containing a live goldfish. The merchant realises that the baby is unusual because her life is bonded to the fish: if the fish leaves the water, she stops breathing. The merchant adopts the baby as her own and names her Bidasari. Years later Bidasari grows up into a beautiful young woman while the merchant has prospered into a wealthy businessman. At the royal palace of this kingdom, the King has just remarried a beautiful woman, the Permaisuri (Queen). The Permaisuri is a proud woman who secretly practises witchcraft. Hidden in her chambers is a magic mirror that can show her anything she asks. She uses it to ask who the most beautiful in all the land is. One day when she asks the mirror this question, the image of Bidasari appears in it. She is enraged by this and carries out a search to find who Bidasari is. Her search leads her to the merchant's house. Under the guise of kindness, the Permaisuri asks the merchant for permission to bring Bidasari to the palace to be her companion. Although the merchant is reluctant to part with his beloved daughter, he lets her go. But once Bidasari arrives at the palace, she is sent to the kitchens as a servant, where she is starved and given the dirtiest jobs. After the Permaisuri is satisfied that Bidasari has been ruined, she once again asks her magic mirror who is the most beautiful in the land. When the mirror shows Bidasari yet again, the Permaisuri flies into a rage and runs to the kitchen where she grabs burning pieces of firewood which she tries to burn Bidasari's face with. She is shocked when the fire goes out and Bidasari's face is left untouched. Bidasari, who has by now realised that the Permaisuri's malice is targeted only at her and will never stop, begs for mercy and explains her life is bonded to that of a fish that is kept in a bowl in her father's garden. The Permaisuri has a servant steal the fish for her from the merchant's garden, and as soon as the fish leaves the water, Bidasari collapses and stops breathing. Satisfied that Bidasari's life is in her hands, the Permaisuri hangs the fish around her neck as a trophy. When she asks the mirror who is the most beautiful in the land, the mirror shows her own image. The merchant realises that the fish is missing, and is told that Bidasari died mysteriously at the palace. Her body is returned to him and he builds a small tomb for her in the woodswhere her body is laid out in peace. Meanwhile, the Permaisuri's stepson the Prince has been having dreams about Bidasari, although he has never met her. The dreams plague him even in his waking hours, despite his father's advice that such a beautiful woman cannot exist. The Permaisuri sees her stepson acting this way and plants a painting of Bidasari in his room. The Prince finds the painting, which leads him to the merchant who explains the sad tale of Bidasari's death and the mysterious disappearance of the fish. The Prince decides to visit Bidasari's tomb to see her beauty with his own eyes. Coincidentally at this time, back at the palace the Permaisuri is having a bath in the royal bathing pool. The fish manages to break free of its locket and drops into the water where it starts swimming. This causes Bidasari to wake up right before the Prince's eyes. Bidasari tells him of what the Permaisuri did to her, which confirms the Prince's suspicions of his stepmother. When the Permaisuri finishes her bath, she discovers that the fishhas gotten free. She manages to catch it just as the Prince is about to help Bidasari leave the tomb, causing her to fall unconscious again. The Prince places Bidasari back in the tomb and promises to make things right. The Prince returns to the palace in a fury, demanding that the Permaisuri give him the fish. The Permaisuri pretends not to know anything, and when the King listens to the Prince's explanation, the King declares that his son has gone insane and calls the royal guards. A fight ensues, during which the Permaisuri is injured and dies. Just before the Prince is about to be captured, the merchant and the Prince's loyal manservants arrive with Bidasari on a stretcher. The merchant explains that the story about the fish being bonded to Bidasari's life is true. The Prince takes the fish from the locket around the Permaisuri's neck and puts it into a bowl of water. As soon as the fish enters the water, Bidasari comes back to life. The King apologises to his son, and the Prince and Bidasari are married.

6 answers


BANGKANG PAPEL

--------------------------

ni Genoveva Matute

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo'y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.

Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.

Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...

Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.

Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya'y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.

Sa karimla't pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.

Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo'y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala'y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako.

Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.

"Inay, umuulan, ano?"

"Oo, anak, kangina," anang tinig mula sa dulo ng hihigan.

"Inay," ang ulit niya sa karimlan, "dumating na ba ang Tatay?"

Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya't itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito'y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito'y nakita niya ang banig na walang tao.

Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito'y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya't ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya'y namaluktot sa nalabing kalahati.

Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.

Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.

"Inay," ang tawag niyang muli, "bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?"

"Ewan ko," ang sagot ng kanyang ina. "Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo."

Natuwa ang bata sa kanyang narinig.

Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki'y malalaki't matitibay...hindi masisira ng tubig.

Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo'y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:

"Siya, matulog ka na."

Ngunit ang bata'y hindi natulog. Mula sa malayo'y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.

"Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi," ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.

"Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?" ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito'y hindi sumagot.

Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.

Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...

At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...

Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.

Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.

Pupungas siyang bumangon.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao'y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.

Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.

Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.

Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.

Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.

Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng

batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo'y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.

Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. "Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?"

Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo'y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo'y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.

Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila'y biglang natigil nang siya'y makita.

Wala siyang narinig kundi... "Labinlimang lahat ang nangapatay..."

Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.

Sa pagitan ng mga hikbi, siya'y patuloy sa pagtatanong...

"Bakit po? Ano po iyon?"

Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya'y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya'y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.

Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.

"Handa na ba kaya?" anang isang malakas ang tinig. "Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo'y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila'y papasok dito... Kaya't walang maaaring maiwan."

Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.

Sila'y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.

Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.

Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.

Nag-aalinlangan, ang batang lalaki'y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang.

"Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?"

Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.

"Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman."

Samantala...

Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.

Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel - ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili'y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.

Kaya nga ba't sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...

1 answer


BANGKANG PAPEL

--------------------------

ni Genoveva Matute

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo'y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan.

Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.

Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...

Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat.

Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya'y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.

Sa karimla't pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.

Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo'y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala'y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako.

Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan.

"Inay, umuulan, ano?"

"Oo, anak, kangina," anang tinig mula sa dulo ng hihigan.

"Inay," ang ulit niya sa karimlan, "dumating na ba ang Tatay?"

Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya't itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito'y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito'y nakita niya ang banig na walang tao.

Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito'y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya't ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya'y namaluktot sa nalabing kalahati.

Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig.

Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot.

"Inay," ang tawag niyang muli, "bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?"

"Ewan ko," ang sagot ng kanyang ina. "Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo."

Natuwa ang bata sa kanyang narinig.

Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki'y malalaki't matitibay...hindi masisira ng tubig.

Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo'y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita:

"Siya, matulog ka na."

Ngunit ang bata'y hindi natulog. Mula sa malayo'y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.

"Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi," ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.

"Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?" ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito'y hindi sumagot.

Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.

Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat...

At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan...

Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.

Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.

Pupungas siyang bumangon.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao'y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.

Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.

Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.

Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.

Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.

Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng

batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo'y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.

Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. "Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?"

Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo'y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo'y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling.

Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila'y biglang natigil nang siya'y makita.

Wala siyang narinig kundi... "Labinlimang lahat ang nangapatay..."

Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.

Sa pagitan ng mga hikbi, siya'y patuloy sa pagtatanong...

"Bakit po? Ano po iyon?"

Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya'y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya'y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na.

Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao.

"Handa na ba kaya?" anang isang malakas ang tinig. "Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo'y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila'y papasok dito... Kaya't walang maaaring maiwan."

Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari.

Sila'y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.

Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay.

Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.

Nag-aalinlangan, ang batang lalaki'y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang.

"Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?"

Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita.

"Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman."

Samantala...

Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan.

Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel - ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili'y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.

Kaya nga ba't sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...

1 answer


elow ako c Jasmine

Pangkat etniko sa LuzonAeta

Matatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ng kapuluan. May iba't iba silang pangalan sa iba't ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta o Ayta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon. Ibuked naman ang tawag sa mga aetang nakatira nang malayo sa mga kapatagan. Sa Kofun, Diango, Paranan at Assao sa Cagayan, Ugsig at Aita ang tawag sa kanila. Sa Palawan, Batak ang tawag sa kanila. Sa Silangang Quezon, Rizal at Bulacan, Dumagat ang tawag sa mga Aeta.

Nawala na ang orihinal na wika ng mga Aeta dahil inangkin na nila ang wika ng mga tagakapatagan na kanilang nakakasalamuha. Hindi pa rin naalis sa kanila ang kultura ng pangangaso at paghanap ng mga pagkain mula sa mga halaman sa kapaligiran. Bihasa rin ang mga babae at batang Aeta sa tradisyunal na paraan ng pangingisda gamit ang sima, bitag, lambat at sibat.

Pulut-pukyutan ang espesyal na pagkain para sa mga Pinatubo Aeta at Ibuked Ayta. Kumakain din ang mga Pinatubo Aeta ng umok o maliliit na pukyutan at ng latak na nakukuha sa bahay ng pukyutan.

Pamilya ang pangunahing yunit ng lipunang Aeta. Gayunpaman, tinutulungan din ng pamilya ang kapamilyang namatayan ng asawa. May pantay na karapatan ang kanilang mga anak at mahigpit ang pagkakaugnay ng magulang at anak. Isa lamang ang asawa ng bawat Aeta. Bawal sa kanila ang pag-aasawa sa malapit na kamag-anak. Ngunit pinapayagan ang ilan na magpakasal sa pinsang buo matapos ganapin ang ritwal na "paghihiwalay ng dugo."

Nakabatay sa paggalang sa matanda ang sistemang pulitika ng mga Aeta. Ang mga iginagalang na pangkat ng matatanda ang nagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa pamayanan. Ang kinikilalang batas ay yaong nabuo mula sa tradisyon.

Naniniwala ang mga Aeta na may mga ispiritu ang lahat ng mga nasa kapaligiran tulad ng ilog, dagat, bundok at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit kanilang iginagalang ang kalikasan. Hindi sila pumuputol ng puno kung Hindi rin lamang kailangang-kailangan. Naniniwala silang iniinsulto ang ispiritu ng kalikasan kapag inaaksaya ito.

Tinguian

Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.

Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.

Tagbanua

Naninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at pangangaso.

Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.

Mangyan

Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.

May iba't ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.

Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.

Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

Ifugao

Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.

Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.

May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.

Kalinga

Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.

Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.

Itawes

Matatagpuan ang mga Itawes sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawes sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya Ibanag din ang ginagamit nilang wika.

Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.

Gaddang

Tinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan.

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Gaddang. Gabi, palay, sili, bawang, tubo at iba pang gulay ang kanilang itinatanim. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda, pangangaso at pagtitinda.

Kankana-ey

Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May dalawang pangkat ang Kankana-ey sa Mankayan, Bakun, Kubungan, Buguias at sa mataas na bahagi ng Benguet. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey. Kapwa sila kayumanggi, kadalasang may mga tatu, may malalaking mata at mauumbok na pisngi.

Mga magsasaka ang mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin sa gilid ng mga bundok. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.

Walang pormal na pamunuang pulitikal ang lipunang Kankana-ey. Ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.

Ilongot

Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.

Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa sa kalikasan.

Ibaloy

Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.

Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.

Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.

Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang pamahalaan.

Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod.

Isneg

Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.

Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.

Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera. Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang.

Ivatan

Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy.

Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana.

Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.

Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa.

Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.

Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.

Pangkat-etniko sa MindanaoMaranao

May sariling relihiyon at kultura ang mga Muslim. Pagtatanim, pagtrotroso, pangngisda at paggawa ng mga Industriyang pangtahanan ang nagbibigay sa kanila ng ikinabubuhay. Sila ay marunong magmina, manisid ng perlas at gumawa ng bangka o vinta.

Nagkakaiba man ang wika kasuotan, paniniwala at paraan ng paghahanapbuhay, ang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay may isang damdamin kung pagpapayaman sa kultura ang pag-uusapan. by Jobelle E. Selga. BSU (Grade 2)

Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao - Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.

Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang mga silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.

Buo pa rin at Hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.

T'boli

Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.

Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.

Nagpapalagay rng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.

Tausug

Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.

May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.

Badjao

Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.

Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.

Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.

Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.

Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. ito ay pawang katotohanan.

Subanon

Ang mga Subanon ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala silang sa iisang ninuno lamang sila nagmula.

Cuyunon

Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mga Español na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.

Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya.

Bagobo

Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng gulpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba.

Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga Gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket.

Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghabi.

Yakan

Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang "haring" palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay.

Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at habdang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.

Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo kung pumapayag dito ang lalaki.

Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng pantalon ang lalaki at babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang maong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang baywang.

ihiyon at kultura

6 answers